Chapter 16

260K 4.4K 255
                                    

Chapter Sixteen

"Excited"

"I want Forta Elle's to be catering for the resort's anniversary this December." Ani Rance.

Seryoso niyang binaba ang kanyang mga kamay sa lamesa. Kitang kita ko ang pagkislap ng kanyang Rolex sa kanyang pulsuhan. Napalunok ako. Para siyang isang hari na nasa aming harapan ngayon. Damn that aura of superiority.

"Anniversary?" Tanong ni Daven sa kanya nang nakataas ang kilay.

"Yes. It's the 30th." Suplado namang sagot ni Rance.

Their resort's 30th anniversary will be on this December? Tatlong buwan pa 'yon. Bakit siya nagmamadaling maghanda ng catering?

"Why Forta Elle's?" Tanong ni Daven.

Napatingin na ako sa kanya pagkatapos kong makita ang pag-igting ng panga ni Rance.

"I'm pretty sure your resort can handle the catering on its own, Evans." Dagdag pa niya.

Humalukipkip si Daven at sumandal siya sa kanyang upuan.

Lalong umigting ang panga ni Rance at nakikita ko na ang pagdilim ng kanyang mga mata.

Ugh! Ano ba ito? The tension between them is rising again!

"I want the Forta Elle's." Deretsong sagot ni Rance. I heard the intensity of his voice. "Nakausap ko na si Tito, and he's happy with my offer. It won't count if you don't want the offer here, Aranjuez."

Nagsmirk si Rance na ngayon naman ay sumandal narin siya sa kanyang upuan.

"It will count if Brooks will agree with me."

Namilog ang aking mga mata nang sinabi 'yon ni Daven. Anong sinabi niya?

Tumingin din si Daven sa akin. His eyes were as if telling me to agree with him. Nanatiling nakakunot ang aking noo. At nang bumaling naman ako kay Rance ay sumalubong sa akin ang sobrang seryoso at intense niyang mukha.

Shit! Why are they pressuring me like this?!

Napalunok ako. Should I accept the offer? Nakausap na raw niya si daddy at masaya naman raw si dad. And it is a big offer! Evan's Beach Resort is most likely one of the most high-class and expensive resorts in the Philippines.

For Forta Elle's to be catering it's 30th Anniversary... malaking oportunidad 'yon. I can't lie that it is a totally big offer. People would wonder why Forta Elle's would be catering instead of the Evans Resort themselves. They'd surely be impressed!

Kinagat ko na lamang ang aking labi.

Pero kung tatanggapin ko naman itong offer ay ibig sabihin makakatrabaho ko si Rance. I'd be going to his resort for some time. I'd be seing his face more often! And damn it! Tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang lahat ng nangyari nung gabing 'yon! And if he comes closer to me... Hindi ko na alam!

"Um.." I cleared my throat.

"Brooks." hinawakan ni Daven ang aking kamay na ikinagulat ko. Tumingin ako kay Daven. I'm sorry Dav. Huminga ako ng malalim at bumaling ako kay Rance.

Nakita kong nandilim na naman ang kanyang mga mata dahil sa kamay ni Daven na nakapatong sa akin. Tumikhim na lang ako at kinuha ko ang kamay ko mula kay Daven. Rance looked at me. Nagtama ang aming mga tingin. Damn those perfect eyes!

"Fine." panay ang tingin ko kay Rance. "I'll accept it."

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagkunot ng noo ni Daven.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon