Chapter 10

309K 5.5K 350
                                    

BABALA: SPG
---------------------------------

Chapter Ten

"Say My Name"

"Want some drinks, cuz?" Lumapit sa akin ang pinsan kong si Dishon. Busy na ang lahat sa pagkain.

"I'm okay, Dish. Thanks." Tipid akong tumango at tumingin ako sa halos walang laman na plato ko. Puro lang chopsuey ang nilagay ko, kotning rice, at isang maliit na slice ng cake.

Tumango na lang at bumalik na si Dishon sa kanilang table ng barkada ni Eleven. Naiwan ako na tahimik na nakaupo sa table nina Lenoxx. Pero wala sila kasi busy sila sa pakikipag halubilo sa ibang mga tao na nasa wedding reception.

"Cheers to the bride and groom!" Unang nagcheers si Moses habang nakatayo at nakangisi.

"Cheers!" Masaya ding sigaw ng lahat. Ngumiti lang ako at natawa ako sa kakulitan ng barkada ni Eleven. Si Moses yung pinakamakulit, si Zarethan yung pinakatahimik, si Dishon ang pinakamalandi, si Jahziel ang pinakaseryoso. Si Eleven? Well..

Bumuntong hininga ako at tiningnan ko ang wine glass sa tabi ko. Kay Lenoxx yun na wine glass, pero hindi siya uminom nito dahil ayaw raw niya kaya iniwan niya ito sa gilid ng aking plato.

Wala akong pagdadalawang isip na kinuha ang kanyang wine glass at ininom ko ang laman nun. Pinikit ko ang aking mga mata. Umiinit ang aking tiyan. Was that vodka?

Tumingin ako sa paligid. Madilim na ang gabi pero maliwanag yung pool. Mamaya pagkatapos kumain ng lahat ay maliligo narin siguro yung mga gustong maligo doon sa pool.

Iinom na sana ako ulit sa wine glass nang biglang may humawak sa aking kamay.

"Are you drinking?" Narinig ko na naman ang malalim na boses ni Rance. Tumingala ako habang nakaupo. He was towering over me again. Damn he's so tall.

"There's no problem with drinking, Rance." bumaling ako sa wine glass. Niyugyog ko ang kamay ko upang mabitawan niya ako pero masyado siyang malakas.

"There's plenty of problems for me if you are drinking, Brooks!" Bahagyang tumaas ang tono ng kanyang boses, pero dahil sa ingay ng music at dahil na rin sa ingay ng mga tao sa paligid ay ako lang talaga ang makakarinig sa kanya.

Umawang ang aking bibig. Anong sinabi niya? Agad na nagkaroon ako ng lakas at inalis ko na ang kamay ko mula sa kanya. Nakakainis! Nakakainis ang sinabi niya!

"If you have a problem with me, everyone has a problem with me! Sanay na ako! Bahala ka na nga dyan! Iinom ako!" Mataray akong tumayo at inirapan siya.

"Wha.." narinig ko ang naguguluhan na boses ni Rance. "Wait! Brooks.."

Nahagip ni Rance ang aking kamay. Hinigit niya ako at agad akong napaharap sa kanya. Damn it! Nakakainis din at mas malakas pa siya sakin!

"That was not what I mean." Mariin niyang sinabi, nakatingin siya sa aking mga mata. Natigilan ako. Kahit madilim ay kitang kita ang perpektong hugis ng kanyang mga mata.

Napalunok ako. He sounded so dead serious. The same tone of voice he had.. back then. Kumunot ang noo ko nang tumingin ako sa kanyang kamay na nakahawak parin sa aking pulsuhan.

"Oh my god! Rance!" bumalik na lamang ako sa wisyo ko nang biglang may sumingit sa amin na isang babaeng manipis ang pangangatawan at malagkit na nakatitig kay Rance. Para siyang linta na agad kumapit sa mga braso ni Rance. Dahil doon ay nabitawan na ni Rance ang aking kamay. Kumunot ang noo ni Rance nang tumingin siya sa babae.

Nanginig ang kilay ko habang nakatingin sa kamay ng babae na pumulupot sa braso ni Rance.

"Rance why hadn't you called me? It's been weeks! I knew I'd find you here!" Malanding sinabi ng babae. Para siyang koala kung makakapit kay Rance! Agad na kumulo ang dugo ko! Err!

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon