Chapter 8

289K 5.1K 406
                                    

Chapter Eight

"I'm Here"

Tumingin muna ako kina Eleven at Athalia. Nagtitigan lamang sila doon sa kinatatayuan nila na para bang may sarili na silang mundo. Kinagat ko ang aking labi.

"Let's begin!" Nagsalita narin yung dance instructor.

Nagsimula na ang music para sa sayaw.. at ngayong nasa harapan ko na si Rance ay hirap na hirap ang leeg ko para bumaling sa kanya.

Unti-unti kong tiningnan si Rance na tahimik na nakatayo sa harap ko. Nang nagtama ang aming mga mata ay pakiramdam ko napapaso ako. Kinakabahan ako. Hindi ko kayang tumingin sa kanya ng deretso.

"Um.." umiwas ako ng tingin.

Nanunuyo ang aking lalamunan. I can't.. I don't.. Ugh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon na nasa harap ko siya. I didn't expect at all that I'd be seeing him again!

Tumingin na lang ako sa ibang bagay. Pero nahagip ng mga mata ko ulit si Eleven na seryosong nakatitig kay Athalia.

Sumikip ang dibdib ko habang nakatingin sa kanila.. nang biglang..

Nagulat na lamang ako nang naramdaman ko ang kamay ni Rance sa aking bewang. Hinigit niya ako papalapit sa kanya!

Oh my god!

Namilog na lamang ang mga mata ko at nakapahawak ako kaagad sa kanyang dibdib.

"Stop looking." narinig ko ang matigas na boses ni Rance.

Agad akong tumingin sa kanya at bahagya siyang tinulak. Pero nang nagtama ang aming mga mata ay tumambad sa akin ang kanyang mapupungay na mga mata. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga. His eyes were intense. His focus was on me.

Natigilan ako. Nanatili ang mga mata ko sa kanya. Na para bang may magnet ang mga ito.

Lahat ng mga ala-ala, lahat ng mga nangyari noon. Yung nangyari sa prom, yung nangyari sa graduation, yung.. nakita kong milagro sa resort niya. Umuulan sa aking isipan ang lahat. Bumabalik sa akin ang lahat.

Tumingin na lamang ako sa baba. Kinailangan kong mag-iwas ng tingin, nahihirapan akong huminga bigla. And I freakin' don't know why I'm feeling this way!

Nagsimula na ang music. Lalo akong kinabahan. Si Rance ang partner ko, siya ang pumalit kay Mishael bilang isa sa mga groomsmen. Wala akong inexpect na ganito. And now I have to dance with him? Shit!

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Rance sa aking bewang. Napatingin ako sa aming mga paa sa baba. Nagulat ako nang nagsisimula naring gumalaw ang mga paa ni Rance. Nataranta na lamang akong napasunod sa kanya.

"Uh.. Alam mo na pala ang moves." Tumikhim ako. Hindi ko alam kung bakit parang kumakalabog ang puso ko habang nararamdaman ko pa din ang kanyang mainit na mga kamay sa aking bewang.

"I know the dance." Tipid niyang sagot.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagbabara sa aking lalamunan. It's been so many years. Ilang taon ko siyang hindi nakausap, hindi nakita.. tapos ngayon, nandito ulit siya sa harapan ko? Ganito kami kalapit sa isa't isa. And we're dancing slowly together!

Hindi na ako nagsalita. Hindi rin siya nagsalita. Nakatungo ako pero alam kong nakatitig siya sa akin. Hindi ko parin kayang tumingin sa kanyang mga mata.

This is.. the first time Rance and I are dancing together. Nung prom ay hindi ko siya nakasayaw. Kinagat ko ang aking labi habang naaalala yung mga nangyari nung gabing yon.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon