Chapter 23

339K 4.9K 684
                                    

Chapter Twenty Three

"Architect"

Maaga akong gumising kaya maaga rin akong nakapag-ayos. I wore my typical work clothes. Ngayon ay nakapagsuot na din ako ng isa na talagang pares na doll shoes dahil medyo okay na ang aking paa.

Ilang araw na ang nakalipas magmula nung gabing 'yon. Bumalik na ulit sa normal ang aking buhay.

Tahimik lang ako habang kumakain ng agahan at si Aling Jera naman ay naglilinis sa sink.

Nakatitig lang ako sa aking cellphone. Hindi ako mapakali. Any moment now.. He will text.

Tumingin ako sa relo at nakita kong malapit na ang oras para trabaho. I'm gonna be late. Kinagat ko ang aking labi.

I wonder if he's coming today?

Ilang araw na rin kasi ang nakalipas at totoong tinupad ni Rance ang kanyang sinabi sa akin na ihahatid-sundo niya ako araw-araw sa trabaho.

Ewan ko sa kanya. I have a driver here. Pwede rin akong magcommute na lang. Also, he has his own work to be busy about. But he still insists on driving me to Forta Elle's everyday. Pero.. sabagay.. He's still going to Taipei in a few weeks. I guess it would be better this way. Right? At least to see him more often before he leaves..

Uminom ako sa aking tubig. The house was quiet. Nabasag lang ang katahimikan sa buong bahay nang biglang tumunog ang door bell mula sa gate.

Sa isang iglap ay napaupo ako ng maayos.

"Naku si Sir Rance na yata 'yan, hija." malapad din ang ngiti ni Aling Jera at mabilis niyang iniwan ang ginagawa niya sa sink upang mabuksan 'yong gate at makita kung sino ang nandoon.

I bit my lower lip. Time to hurry up!

Sa isang iglap ay para akong kidlat sa bilis na tumayo mula sa hapagkainan. Nilagay ko lang yung plato ko sa sink at mabilis akong pumunta sa aking kwarto na nasa itaas. Pagkatapos kong magtoothbrush ng ilang beses ay kumuha ako ng suklay at kaagad na humarap sa salamin.

Pagkatapos rin ng ilang segundong pag-aayos sa sarili ay ngumiti na ako ng huling beses sa salamin. I look good now right? Tumingin ako sa aking relo at nakita kong kailangan ko na ngang bumaba.

Hinawi ko ang buhok ko saka kinuha ko na ang aking shoulder bag at nagmartsa na ako patungo sa hagdaan para bumaba na. At pagbaba ko nga ay narinig ko na ang isang pamilyar na boses mula sa sala.

Nadatnan ko si Rance na nakaupo sa sofa at umaalingawngaw na naman ang kanyang karisma habang kausap si Aling Jera na mukhang sayang saya din dahil sa galang na laging pinapakita ni Rance. Hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag-uusapan pero kalmadong tumatango tango lang si Rance at nakasuot siya ng magalang na ngiti.

A smile curved from my lips. Napailing iling na lamang ako at lumapit ako sa kanila.

It didn't take him less than a second to catch my eye. Nang nagtama ang aming mga mata ay agad na kuminang ang kanyang mga mata. His lips parted and it drew a beautiful smile.

Tumayo siya, ang kanyang mga kamay ay nasa loob na ng dalawang bulsa ng kanyang suot na black slacks.

He looked good again in his white and black business attire. He didn't look boring at all. Mukha siyang isang top chart na super model na nawala sa kanyang landas at nagpagala gala lang dito sa bahay.

"Good morning.." ngiti ni Rance. His eyes still not leaving mine.

Lumunok ako bago taas-noong dumeretso sa front door ng bahay. Suplada ko siyang nilagpasan.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon