Chapter 9

266K 4.7K 245
                                    

Chapter Nine

"Sana"

"Ang ganda mo, Brooks." Ngiti ni Lenoxx sa akin nang nakita niya ako.

"Ang ganda mo din!" Ngiti ko sa kanya. Maganda ang design ng gowns ng bride's maids para sa kasal ni Eleven.

I may look beautiful today. But I'm not the bride in this wedding. I'm not the most beautiful today. Hindi ako si Athalia.

"Lenoxx Gail, tara na." lumapit kay Lenoxx ang isang matangkad at matipunong lalake na nakasuot na din ng itim na tux. Groomsmen din siya. He is Athalia's eldest brother. Fiancé ni Lenoxx.

"Ah ready na ba sila?" Tanong ni Lenoxx sa lalake.

"Yup. C'mon." Sagot naman ng fiancé niya. He has a clean cut hair and a perfect jawline. Para siyang mas matandang bersyon ni Jahziel.

Lenoxx is one of the daughters of Dad's closest business friend. That's why I know her. Magkaibigan kami pero hindi naman ganun ka-close. Nagulat talaga ako nang nalaman kong engaged na pala siya sa eldest son ng pamilya ni Athalia. It's such a small world.

Tumikhim ako at naglakad lakad na lamang ako sa resort kung saan magaganap ang beach wedding nina Athalia. And of all venues, resort pa talaga ni Rance.

Masokista nga siguro talaga ako. Sino ba naman ang pupunta sa kasal ng taong mahal niya pero hindi naging kanya?

But this is an important event in Eleven's life. Gusto kong makita sa sarili kong mga mata kung masaya talaga siya sa kanyang desisyon. I should at least come to his wedding as a good friend.

"OMG! Ang ganda niyo talaga Rickz! Rui!" Narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan ni Athalia.

Nakita ko din yung mga kabarkada ni Eleven. Groom's men na din sila dito.

I need to go find my seat.

"Woah! Pangit mo Dishon!" Napatingin din ako doon sa mga maingay na lalakeng naka tux na nagtatawanan rin.

"Tangina mo! Mas pangit ka Moses!" Halakhak din ni Dishon, sa kanyang gilid ay may babaeng tahimik na nakatayo. Ngumuso ako nang nakita kong hawak ni Dishon yung bewang ng babae.

Everyone is getting so excited.

"OMG! Fafa Rance!" Nang narinig ko ang pangalan ni Rance ay parang tumangkad bigla ang aking mga tenga.

Habang nakaupo ako sa isa sa mga upuan ay napatingin ako doon sa kung saan nakatayo ang entourage ng kasal.

"Ang gwapo mo talaga Fafa Rance! Ang bango bango pa! Hmm!" Pumalakpak si Zara habang masayang nakatitig kay Rance. Groom's men din si Zara.

Rance was wearing a black tux. It complimented his tough build. Napalunok ako nang nagtama ang aming mga mata.

"Uy, Brooks. Ang gwapo ni Rance ano?" Halos napatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita, may nakaupo pala sa stool sa tabi ko. Pagtingin ko ay yung kaibigan pala ni Lenoxx na si Lovi. Magkakilala din kami dahil sa business namin ni Dad.

"Huy." ngumiti siya lalo sa akin at siniko ako. Bumalik ako sa wisyo.

"H-Huh?" Hindi pa pala ako nakasagot.

"Sabi ko gwapo yun oh. Si Rance." Ani Lovi at nakangiti siya kay Rance na ngayon ay nakatayo na rin sa tabi nina Dishon, nag-uusap na sila doon kaya hindi na siya nakatingin sa akin.

"Rance Ezekiel Evans. Grabeh! Ang gwapo ng pangalan niya. Half-australian raw siya? And guess what! Siya at ang Dad niya ang nagmamay-ari ng resort kung saan magaganap ang kasal ngayon!" Excited na bulong ni Lovi sa akin.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon