Chapter 17

290K 4.6K 347
                                    

Chapter Seventeen

"New Manager"

"Ma'am Brooks?" Kumatok na si Aling Jera sa pintuan ng aking kwarto. Mabilis akong tumayo nang natapos ko na ang pagsuot ng aking Vans.

"Opo." Kinuha ko na ang aking dalang malaking shoulder bag at tumingin pa muna ako sa salamin. Jeans and a white loose shirt. This is okay. Noon ay sobrang arte ko pa sa damit, I was pressured to look good in front of Eleven. Pero ngayon.. Bumuntong hininga na lamang ako at umiling iling. I can't be thinking about a married man now. You've already moved on, Brooks.

Sinuklay ko lang ng saglit ang buhok ko kahit medyo basa pa ito. Natagalan ba naman kasi ako sa CR kanina. I woke up and felt so dizzy. Ewan ko. I've been feeling dizzy every morning nowadays. Pero nawawala naman ito pagkatapos kong maligo at magpahinga. Ipinagkibit balikat ko na lamang 'yon. Maybe I'm just stressed.

"Nandoon na po sa baba si Sir Rance, hija." ngiti sa akin ni Aling Jera paglabas ko sa kwarto.

Lumunok lang ako at tumango. Inayos ko ang bag ko sa aking balikat. Kinabahan ako habang pababa na ako sa hagdan.

Nakita ko na si Rance pagdating ko sa malaki naming living room. He stood up immediately like a trained dog.

He was wearing an all black long-sleeve shirt with grey jeans. And his shoes are surely as expensive as both. Nakapamulsa siya at sumalubong na naman ulit sa akin ang kanyang seryosong mga mata.

I cant help but stare back at him.

"Good morning." Bati niya sa akin nang lumapit siya.

Umatras naman ako kaagad at nag-iwas ng tingin.

"Good morning." Sinikap kong 'wag mautal. "Um.. Let's go?"

Deretso na sana ang lakad ko patungo sa front door ng bahay pero gumalaw si Rance palapit sa akin at napahinto ako.

"Brooks."

Unti-unti akong nag-angat ng tigin sa kanya. And damn his eyes are even more perfect up close! Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko!

Habang halos nakatanga na ako sa kanya at nagulat ako nang bigla niyang nilahad sa akin ang kanyang isang kamay.

Lalong kumunot ang noo ko nang biglang nagporma ng nakakahumaling na ngiti ang kanyang labi. W-What the?

"Your bag." aniya.

Umawang ang aking bibig.

"H-Huh?"

That gesture.. It is so familiar.

"Your bag, Brooks.." at kinuha na nga niya ang aking shoulder bag mula sa akin.

Nanginig ang mga kilay ko habang sumisimangot na upang maitago ang kalabog ng aking puso.

"Let's go." ani Rance at una na siyang naglakad patungo sa labas ng bahay.

Ilang segundo pa muna bago ako natauhan at bumalik na sa aking wisyo.

Umiling na lamang ako at agad na nagjog patungo sa kanya. Paglabas namin ay tumambad sa amin ang isang malaking Navarra.

Tumaas ang kilay ko.

"This is another car. Is this yours?"

Iba kasi yung kotse niyang dinala sa Manila, yung kotseng naghatid sa akin dito sa bahay nung nakaraang linggo. Pati yata yung kotse niya na sinakyan ko noong lasing ako ay iba rin yata 'yon.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon