Arranna's POV
"Uyy Arra, 'yong pagkain mo malamig na. Ano ba kasing nangyari sayo at kanina ka pa tulala?" Kumakain kami ngayon dito sa cafeteria at aaminin ko di ako makakain ng maayos dahil sa mga iniisip ko. Kakatapos lang ng oral namin at 'wag ka, 95% percent ang nakuha ko kahit lutang ako ngayon."Van.. may tanong ako sa'yo pero secret lang natin 'to ha? 'Wag mong sasabihin sa iba." Tumango naman siya bago kinain ang fried chicken na nakatusok sa tinidor niya.
"Anong magiging reaction mo kapag.." Lumunok muna ako ng laway bago lumapit sa kanya at bumulong. "Nakakita ka na ba ng bampira at harap-harapan mo pa 'tong napagmasdan?"
Sana hindi mo ako pagtawanan, please.
"B-bampira as in vampire?!" Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil sa pasigaw niyang tanong. Baliw ampt. Bulong ako dito ng bulong; sigaw naman siya ng sigaw. Eh magkatabi lang naman kami.
"Malamang. May bampira bang engkanto?" Tinakpan niya ang bibig para pigilan ang tawa. Hayts bwesit naman. "Uy sumeryoso ka nga Van."
Ibinaba nya ang kubyertos sa tray niya at humarap sa akin. Sumeryoso na siya sa pagkakataon na'to. "Totoo ba 'yang sinasabi mo Arra? Baka naman kasi namamalikmata ka lang o 'di kaya ay naghahalucinate ganoon. Hindi naman sa ayaw kong maniwala sayo ah pero kasi, ang labo naman ata magkatotoo 'yan." I let out a frustrated sigh when I heard her opinion.
Kahit ako nga rin hindi makapaniwala.
"Pero ano nga ang magiging reaction mo?" kumuha ako ng isang peraso ng fries at kinain.
"Para sa akin?" Oo nga! "Syempre matatakot ako. Alam mo naman ang nais lang nila diba? Dugo.. Dugo mo lang. At kapag wala ka nang silbi sa kanila o 'di kaya ay nakahanap sila ng mas better sayo papatayin ka nila at iiwan."
"Reaction mo ba 'yan o pinatatamaan mo lang ako?" ngumisi sya sa akin.
"Ewan. Satingin ko ang mapapayo ko lang sayo ngayon ay magpatingin ka sa mental baka madala pa 'yan sa lunas." humalakhak siya kaya napatingin sa amin ang ibang estudyanteng naroon.
Gaga talaga 'tong babae na 'to.
"Hindi ako baliw kong 'yan ang iniisip mo. Bwesit ka talaga. Maka-alis na nga." Inirapan ko siya at padabog na kinuha ang mga gamit at naglakad palabas ng cafeteria.
Bumalik na ako ng classroom at hinintay na dumating ang teacher. Bumalik si Savannah na tumatawa parin. Kainis! Natapos ang klase at in-announce ng teacher namin na magkakaroon kami ng camping.
Inayos namin ang gamit at lumabas na ng room. "Punta tayo mall Arra. Gusto ko bumili ng jacket na isusuot ko sa camping. Bili din tayo ng couple jacket natin, please." nagpuppy eye pa siya, akala naman niya bagay sa kanya.
"Aanhin ko naman ang couple jacket?" Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Maldita effect.
"Syempre isusuot natin. Lasing kaba?" Inunahan niya ako sa paglalakad habang umiiling iling kaya bagsak balikat nalang ako na sumunod sa kanya. "Best Friend goals kasi Arra, nako."
"Ok fine." Nagpara siya ng taxi papunta sa napili nyang mall na pupuntahan namin. Actually, may sasakyan naman sila Savannah pero mas pinili nya mag-commute kesa ang magdrive. Ganoon din ako pero dahil nga likas kaming tamad sa pagda-drive, ang pag-cocomute talaga ang nababagay sa amin. Nakarating kami sa mall at kanya-kanya kami ng bayad ng pamasahe.
"Sa books store muna tayo Arra." Hinila nya ako papunta sa stall na nakita niya. Kinuha ko ang kamay ko at binitiwan niya naman.
"Teka teka.. akala ko ba jacket ang bibilhin mo? Bakit papasok tayo sa books store?"
YOU ARE READING
Who am I? (Empire 01)
VampireMortal and Immortal: Two types of life are far different from each other. Para sa mga tao bampira ay hindi totoo. Nabubuo lamang ito, sa isip at imahinasyon ng tao. Paano kung ang pinaniniwalaan mo na hindi totoo, Isang araw makikita at makakasama m...