Arranna's POV
"Okay, class, listen. We were having a new student from... Uhm, I don't know where this is, but according to his application form, he is from Allarmante Academy."Wala akong ganang makinig sa mga sinasabi ng teacher namin sa harapan. Hidi parin kasi ako makamove on sa nangyari kagabi.
Ang labi niyang ginawang tissue. Gago ba siya?After ng pangyayaring 'yon. Hinatid niya ako sa condo na todo ngiti, habang ako ay parang patay na nagsisimulang manigas. Pagka-ilang rin ang bumalot sa amin nang mag-paalam kami sa isa't isa. Kasalanan niya 'yon, noh!
"Let us all welcome your new classmate, Mr. Brazen Callen Henessey."
Nasamid ako sa sariling laway nang makita ang lalaking papasok ng room. Wearing the uniform in the same fabric and color as mine makes my jaw drop.
Is this real?
"Ms. Adrasteia, is there something wrong?" Agad akong umiling sa tanong ni Miss Agravante. Ganoon ba ako ka obvious?
"N-nothing, Miss. Makati lang kasi y-yung lalamunan ko." Dahilan ko. Tiningnan ko muli si Brazen na ngayon ay nakatingin rin pala ng madilim sa akin. Problema nito?
"Okay. Uhm, Mr. Hennessey, you can now sit in the vacant chair at the back." Binalingan ni Miss Kay Brazen na tinanguan lang sya nito.
Tiningnan ko ang buong silid kung saan banda ang vacant chair na sinasabi ni Miss. "Wala naman nang bakante ah." bulong ko sa sarili. Ako kasi ang nasa pinaka hulihan na nakaupo, malapit sa bintana kaya saan ang tinutukoy ni Miss na uupuan niya?
Binalik ko nalang ang tingin sa harap nang marinig si Miss na nagsisimula na sa pagtuturo. Biglang nawala si Brazen sa harapan. Nilibot ko ang paningin para hanapin kung saan siya nakaupo hanggang sa may maramdaman akong parang may nakatingin sa akin mula sa gilid. Lilingonin ko sana 'yon nang bigla itong magsalita.
"Hinahanap mo 'ko?"
Sunod sunod akong napalunok ng mabosesan 'yon. Hindi ako makagalaw dahil sa parang galit na tono ng pananalita niya. Umiling lang ako sa kanya habang nakatagilid ang ulo.
Tiningnan ko si Van na nasa kanan ko. Tulala siyang nakatingin kay Brazen habang nakanganga. Napansin ata niya na nakatingin ako sa kanya, kaya nilipat niya ang tingin sa'kin. Kinunotan niya ako ng noo, kaya nagkibit balikat ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang pinapahiwatig niya basta ang alam ko lang may napapansin siya sa katabi ko.
After that, Miss Agravante Magklase ay lumabas siya nang room at pumasok naman ang teacher namin sa arts. Binati namin sya at gan'on rin siya sa amin. After no'n nagsimula agad siya sa discussion, pero wala ako do'n. Lumilipad ang utak ko dahil gusto daw niya makita ang kalangitan. Charr!
Ang totoo, iniisip ko kung bakit lumipat ang lalaking 'to sa paaralan ng mga mortal. Hindi ba niya alam na magiging delikado para sakanya kapag may makaka alam o may makakakita na pumupula ang mata niya kapag may masusugatan dito sa school?
"Don't think too much; you are disturbing me." Sambit niya habang nakatingin sa harap. Fine!
Finocus ko nalang ang tingin sa harap para naman ay makita ko ang ginagawa ni Miss. Oo, mata lang hindi parin kasi bumabalik utak ko eh.
"So, since I discussed everything here in front, let's have an activity. I'll group you into 6 groups with 4 members." Ms. Meñez really looks so professional in her words and actions. She's very confident every time she speaks in front of us as her students. "Para madali at hindi masayang ang oras sa groupings, ang nasa gilid nyong row ang makakapares niyo. Dito tayo sa left side niyo mag-s-start. Ang matitira ay ang sa likod niyo, front and back."
YOU ARE READING
Who am I? (Empire 01)
VampireMortal and Immortal: Two types of life are far different from each other. Para sa mga tao bampira ay hindi totoo. Nabubuo lamang ito, sa isip at imahinasyon ng tao. Paano kung ang pinaniniwalaan mo na hindi totoo, Isang araw makikita at makakasama m...