Someone's POV


"Siya lang pala ang pinagkakaabalahan mo. Nang dahil lang sa kanya nakalimutan mo na ako." Nagpakawala siya ng halakhak. Halakhak na maihahalintulad sa isang demonyong walang puso.

"Boss, ano na po ang plano?" Tanong ng kanyang alalay.

"Simple lang," gumuhit ang ngisi sa kanyang mukha. "At walang kahiraphirap, pagkatapos ng camping ng mga mortal, sukubin natin ang tirahan ng babaeng pinagkaka abalahan ng dalawang prinsipe, lalo na ang prinsipe ng Allarmante."

"Masusunod, Boss." Tumalikod na ito at lumabas ng silid.

Hinalo nito ang kape na nakalapag sa mesa niya. "'Hindi na ako makakahintay na matikman ko ang babae mo Henessey. I also want to taste the fresh blood from your lady. But I make sure this is not an ordinary bite, because it's the bite that can change your life and the life of your lady as well. Even if I can't beat you in a battle, now I can beat you because of your negligence."

Ito na ba? Dito naba magbabago ang lahat? Ano kaya ang mangyayari kapag nakagat ang babaeng ng taong tinawag na boss kanina? May laban ba sila? May laban ba siya para protektahan ang babae niya?

•••

Arranna's POV

"Welcome to Isla de Lowesiana!" The captain shouted with a smile and amazement on his face.

Isa isa nang nagbabaan ang iba naming kasamahan dala ang kanilang gamit.

"So ano Arra, let's go?" Umangkla si Van sa braso ko habang nakangiti. Kanina pa'to eh. Simula nang makita niya ako na binuhat ni Brazen ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang ngumiti at mang-asar. Lakas ng topak ng isa na'to eh, kanina takot siya kay Brazen kahit lumapit nga 'di magawa, iwas na iwas. Pero ngayon may lakas nang mang-asar at pag-usapan ang lalaki. Tsk.

Hinanap ko muna si Brazen na nandoon pala sa hulihang upuan, nakatalikod sya sa akin habang inaayos ang pagkasukbit ng bag sa kanyang balikat. Pero dahil nga bampira siya, naramdaman niya ata na may nakatingin sa kanya, kaya napalingon siya at tumama ang aming paningin. Pinagtaasan niya ako ng kilay, kaya agad ko siyang inirapan.

Hinigit ko na si Van palabas ng yate. Kailangan ko pa siyang kausapin para linawin ang nakita niya at para narin mawala ang lintik na ngiti niya. Joke.

"Uyy teh, saan mo kinukuha ang lakas ng loob mo para asarin ako sa kanya?" Panguna kong tanong habang naglalakad kami. "Anong nakain mo ha?"

"Ano kaba Arra 'wag kangang O.A. diyan. Syempre takot parin ako sa kanya noh pero unti-unti nang nawawala. Wala naman kasing magiging hantungan kapag matakot lang ako ng matakot. At saka nagtitiwala ako sayo na mabait siya at hindi tulad ng ibang bampira na..." Nilapit ko ang mukha ko dahil alam kong bubulong lang siya. " nangangain at nagsasamantala ng tao." Binatukan ko siya sa ulo.

"Bakit ba?" Angal niya sa akin.

"Kung ano-ano iniisip mo. Kung nilaan mo sana 'yan sa pagpaplano kung paano ka makakajowa 'di sana may napala ka. Kesa sa ganiyan na hindi naman totoo." inis kong sabi sakanya na nakahawak parin ang ulo niya. Naguilty naman ako bigla. Napasubra ata.

"Oo na. Pag ako talaga magkajowa isasampal ko sayo pregnancy test ko." Lumayo siya sa akin na may ngisi sa labi. Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Ay may sayad ampt.

"Baliw!" singhal ko nalang. "At 'y-yong nakita mo pala kanina-"

"No comment ako diyan teh. Ikaw ha may landi karin palang tinatago. Shene ell!" sambit niya habang tumataas baba ang kilay niya. Napabuntong hininga nalang ako, out of frustration.

Who am I? (Empire 01)Where stories live. Discover now