17

18 1 0
                                    

(Sabi ko Sunday, pero Saturday nag update haha.)

_______________
Arranna's POV
  

"Tungkol saan kaya ang pinag-usapan nila Manang?" Nagkunwari ako na para bang walang pakialaman sa pagpunta ni Clave sa bahay. Walang alam sina Manang kung ano ang totoong pagkatao ni Clave, kaya satingin ko, ayos lang na magulat ako sa harapan niya.

Wala nga ba siyang alam?

"Iyan na ang hindi ko alam. Nasa kusina ako n'on Arra at naghahanda ng kanilang meryenda."

Pero ano naman ang rason at bakit naparito si Clave sa bahay? Nakakapagtaka naman na alam niya kung saan ang bahay namin. Well, pumapasok nga lang sila ng kusa sa condo ko, eh, sa bahay pa kaya namin, tss. Saka hindi ako inform na magkakilala pala sina Dad at Clave. Kailan nangyari 'yon.

Maingat kong binitbit ang bowl na may laman na sinigang papunta sa dining table. Mahigit 30 minutes rin kaming nasa kusina ni Manang na nagluto habang nagk-kwentohan, kaya I wonder kung ano na ang mga pinag-usapan nina Dad at Brazen doon sa balcony.

Nang masigurado na ayos na ang lahat ay pumunta na ako roon para sunduin sila dahil mag hahapunan na. I'm so hungry, na rin.

"Yeah, I'm used to it." Rinig kong sambit ni Brazen.

"Talaga? Kaya pala parang normal lang sayo tuwing makaharap mo ang mga Herramis." Parang namamanghang tugon ni Dad. "Amazing."

"Compliment from the Adrasteia, huh? That's rare." Hindi makapaniwalang sambit naman ni Brazen.

"Haha, don't worry, I always give you compliments now that I know that you are getting rid of my daughter." Dad sarcastically said.

"What do you want to point out?"

Bigla atang nagka-climate change sa bahay. Ang normal na pag-uusap nila ay biglang nagkaroon ng tension sa pamamagitan nilang dalawa.

"What is your purpose in getting rid of my daughter? Blood supplier or your servant?"

"Friendship." Tumawa ng peke si Dad sa sinabi ni Brazen. Grabe siya uy. Nakikipag kaibigan ang tao eh.

"Really? I know Allarmante... They are known for their wise and practical mindset. Nakakapagtaka naman na ikaw ang naiiba,"

"Then think that I don't belong to Allarmante."

"How could I kung ang dugong dumadaloy sa mga ugat mo ay mula sa ama at ina mo na tagapamahala ng Allarmante Empire?"

"Not all Allarmante is like what you think. We've got a different personality, so stop comparing me to others Allarmante that you know." You can hear the seriousness in his voice.

"Yes I know that.... and I guess you're the worst among them."

Mula rito sa kinatatayuan ko ay ramdam ko ang tension sa pamamagitan nilang dalawa. I don't have any idea what they are talking about.

"How can I be sure?" Ngayon ko lang nakita si Dad na ganito. He always smiled sweetly in front of me, but now he looks nothing but deadly serious.

"Victoria."

Napakunot ang noo. Pamilyar sa akin ang pangalan na Victoria. Saan ko nga ba narinig ang pangalan na 'yon? Hinalungkat ko na sa kalalimlaliman ng utak ko, pero hindi ko parin maalala.

"Victoria Nishinomiya, the servant," he added without hesitation.

"Victoria po ang aking pangalan. Ako katulong ninyo dito sa kastilyo, mahal na prinsesa."

Nanlaki ang mga mata ko nang sa wakas ay naalala ko na. Victoria, siya 'yong servant ko kuno sa panaginip ko. So Victoria Nishinomiya pala ang buo niyang pangalan. Pero bakit niya 'yon kilala? Hindi ko maalala na naikuwento ko sa kanya ang tungkol kay Victoria ah. At saka bakit niya, 'yon sinasabi kay Dad?

Who am I? (Empire 01)Where stories live. Discover now