Arranna's POV
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nagmumula sa likod ng van. Isa isa na pala nilang kinukuha ang gamit nila roon. Ako nalang pala mag-isa sa loob ang natira. Kinusot-kusot ko muna ang aking mata bago umalis sa pagkakahilig saka lumabas. Ang malakas at sariwang hangin agad ang sumalubong sa akin paglabas. Sa pier na pala kami at siguro ay hinihintay nalang namin ang yate na susundo papunta sa isla."Student please get your things and double check kung okay na. After a minute dadating na ang yate. Understand?!"
"Yes Miss!"
Dumiretso ako sa likod ng van para kunin ang gamit ko. Haytss, panibagong sakit ng katawan na naman. Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago bagsak-balikat na naglakad papuntang compartment.
"Kanino ito?" Tanong ng driver namin habang buhat ang bag na kulay itim.
"Akin, Kuya!" Sagot ng kaklase naming babae habang nakataas pa ang kamay. Kinuha niya 'yon mula kay Kuya. Lumapit s'ya sa ibang student na nakaupo sa puting buhangin habang naghihintay.
"Kanino naman ito?" Sigaw uli ni Kuya. Buhatbuhat naman niya ngayon ang kulay pink na backpack. It was mine. Sumiksik ako sa mga nagkukumpulang estudyante at itinaas ang kamay.
"Mine po." Sabi ko na'ng makarating ako sa harap niya nya. Ibinigay niya sa akin 'yon kaya naramdaman ko agad ang bigat ng bag. Nagpasalamat muna ako bago isinakbit sa likod ang bag. Naglakad ako papunta sa gilid malapit sa may niyog. Mabigat ang naging hakbang ko papunta doon dahil sa bigat ng bag ko. Ibinaba ko ang 'yon sa buhanginan bago isinandal ang likod sa niyog para mabawi ulit ng lakas.
Inaantok pa ako.
Hinanap ng mga mata ko si Van pero nakita ko siya doon sa van nila habang nakatayo at parang hinihintay rin makuha ang gamit. Ipinikit ko nalang ang aking mata habang naghihintay sa yate na pag-aari ng school namin.
Bakit kasi ang dali kong makaramdam ng pagod? Hindi naman ako ganito noon ah. Tinatakbo ko nga ang boung mansion noon kahit pinapagalitan na ako ng... ng M-mommy ko.
Kamusta na kaya siya? Paniguradong galit parin siya. Ang sama naman ata ng mundo sa akin.
''I can tell by looking on your eyes how much I want you!''
Napamulat ako ng mata ng may parang bumulong sa akin. Wala namang tao sa harap ko, wala rin sa gilid, lumingon ako sa likod at wala ring tao akong nakita.
"Who want me?" Mahina kong tanong sa sarili. Sino naman kung gan'on? Hinawakan ko ang dibdib ko kung saan maramdaman ang tibok ng aking puso.
Ang lakas ng tibok nito na para bang may gusto itong sabihin na meron syang alam kung sino ang nagsabi n'on. Kung may bibig lang siguro ang puso at pwede niyang sabihin kung sino ba talaga ang nararapat para sa ating mga nagmamahal, siguro wala nang tao ang iiyak dahil sa sakit na dulot nito.
Napabuga nalang ako sa hangin nang ibaba ko ang kamay ko galing sa dibdib. Doon ko nalang rin narinig ang mga paghiyaw ng mga estudyante dahil dumating na pala ang yate. Isa-isa nang nagsasakyan ang mga ito kaya wala akong nagawa kundi ang ayosin ang sarili at bitbitin ulit ang bag.
Kukunin ko na sana 'yon nang biglang may humablot n'on. Dahil nga nakayuko ako tanging ang mamahalin niyang sapatos lang ang nakita ko. Tiningala ko siya kaya naman agad na namilog ang mata ko.

YOU ARE READING
Who am I? (Empire 01)
VampirosMortal and Immortal: Two types of life are far different from each other. Para sa mga tao bampira ay hindi totoo. Nabubuo lamang ito, sa isip at imahinasyon ng tao. Paano kung ang pinaniniwalaan mo na hindi totoo, Isang araw makikita at makakasama m...