Arranna's POV
["Sige basta magpagaling ka, ha? 'Di ako papayag na di ka makakasama sa camping."] Sagot ni Van sa kabilang linya.
Tinawagan ko siya dahil hindi ako nakapagpaalam sa kanya kanina na nauna na ako sa kanya. I was so guilty, kahit na wala naman akong masamang ginawa. Leaving her alone at the mall was a big deal for me. Kahit siya ang nag-aya sa akin na pumuntang mall, hindi parin tama na umalis ako na walang paalam.
"Hmm... I'm really sorry." I'm sorry because I lied. Sinabi ko sa kanya na nauna akong umuwi dahil masakit ang tiyan ko. Pero ang totoo ay kailangan ko nang umuwi hindi dahil sa masakit ang tiyan ko kundi dahil sa nangyari sa leeg ko at ang panghihina bigla ng katawan ko. Alam kong kapag nakita niya ang kaagt sa leeg ko ay sandamakmak na mga tanong ang papakawalan niya sa akin.
["Ano ka ba wala 'yon. Ibibigay ko nalang sayo ang partner ng jacket na napili ko kanina para sa'yo bukas."]
"Sige, thank you, Van," I said, and the call ended.
I just threw my phone on the bed and left my room. I've been waiting for Kuya for almost an hour, but he still hasn't come. I feel like I'm fainting. That bastard vampire! After he bit me, he wiped his mouth, which had my blood. Tulala parin ako hanggang sa natapos niyang gawin 'yon. Pati sa paghatid nya sa akin dito sa condo ay tulala parin ako. Before he left me here, he explained everything, which gave me a little relief.
Hindi daw sila tulad ng mga napapanood ko sa TV. na nagiging bampira ang isang tao kapag nakagat sila ng mga bampira sa leeg. Sila daw ang uri ng bampira walang virus ang dugo na maiiwan sa katawan ng mga mortal kapag magsisipsip sila ng dugo. Maliban nalang sa isang uri ng mga bampira. Ang delikado sa lahat. Dahil kahit isang ngipin niya lang ang bumaon sa leeg mo ay unti-unti ka na nitong pinapatay.
Binuksan ko ang ref at kumuha lang ng malamig na tubig. I feel so thirsty. Ibinalik ko ang pitcher sa ref at sinarado 'yon. Lalakad na sana ako papuntang sala nang may maaninag akong tao sa may bintana. Tinitigan ko 'yon ng maigi hanggang sa mamukhaan ko siya. Madilim ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
"How does it feel?" Sumandal siya sa pader na parang nagmomodel ng damit. Pinagcross niya ang mga braso sa ibabaw ng dibdib.
"What are you saying?" I don't know why, but I suddenly got nervous.
"Oh, come on, I know you know what I'm saying." He smirked at me.
"Pwede bang deritsohin mo nalang ako." Inis kong utos sa kanya saka nagpamaywang.
"His bite? How does it feel?" He stood up straight and looked at me. "How does it feel to be bitten by a vampire from the Eiverson family?"
He slowly walked towards me. I couldn't move because I was suddenly stunned. He is now with his dark red eyes. The powerful eyes that can take you to hell even with just one glance.
"Does it hurt?" He is now behind me. Hinawi niya ang buhok ko papunta sa kabilang bahagi ng balikat ko. I swallowed when I felt him put his face close to my right ear. "Do you want to feel my bite too? Don't worry, you won't be a vampire because of my bite. Just like what he told you earlier," he whispered. Nagsisimula na akong matakot sa kanya. Bumibilis narin ang tibok ng puso ko. "I promise, I will be gentle, Ms. Adrasteia."
Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kaliwang kamay niya habang hawak naman ng kanan ang bewang ko. Pinababa niya ang sleeve ng sando papunta sa may balikat ko saka iyon kinagat.
"Hmm!" I can't shout out the pain I've felt. Tears run suddenly in my face. Diniinan niya pa lalo 'yon kasabay ng pagsipsip ng dugo ko. Para siyang nauuhaw. I can hear the sound of him sucking on it. Hinawakan ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. Tinapik ko 'yon para ipahiwatig na tama na. Akala ko titigil na siya, pero kinagat nya ulit ang bandang balikat ko. Napaliyad ako dahil sa sakit at halo-halong nararamdaman.

YOU ARE READING
Who am I? (Empire 01)
VampireMortal and Immortal: Two types of life are far different from each other. Para sa mga tao bampira ay hindi totoo. Nabubuo lamang ito, sa isip at imahinasyon ng tao. Paano kung ang pinaniniwalaan mo na hindi totoo, Isang araw makikita at makakasama m...