16

11 2 2
                                    

Arranna's POV
 
 
Kung tama nga si Brazen na isa si Kuya sa mga taong makakapagbigay ng kasagutan sa lahat ng mga tanong ko ay lubos ko siyang pasalamatan. Hindi ko na kailangan pang mag overthink kung bakit ako lagi ang nilalapitan ng mga bampira.

Pero bakit nga ba tinatago nila sa akin ang katotohanan? Bakit parang ako lang ang walang alam sa mga nangyayari? I think everyone around me knew everything, except me.

It's already one in the afternoon. Saturday naman ngayon, kaya walang pasok okay lang maggala. Kasalukuyan kami ngayong nasa loob ng kotse ni Brazen dahil pinilit ko siyang pumunta kami sa mansion ngayon. Gusto ko nang maka-usap si Kuya. Atat na akong malaman ang totoo.

"Ready yourself." Kalmadong sambit ni Brazen habang nasa daan ang tingin.

"Hmm?" Hindi ko maintindihan kung ano ang pinupunto niya.

"Do you want to know the truth, right? Then you should have to accept the consequences behind that."

"Mayroon pang consequences?"

"Of course. One of the reasons why they hid the truth from you is because they want you to live a life. Live like an ordinary person. But since you insist on knowing the truth, expect that your life will change. It's sad to say this, but I'm not happy for you to know the truth."

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko dahil sa mga sinabi ni Brazen. Kung ganon may posibilidad na hindi ko na makita ang mga kaibigan ko kung sakaling sabihin na sa akin nina Kuya ang totoo. Hindi na ako makakapasok sa school, hindi na ako makakagala, talagang may posibilidad ngang mawala ang lahat ng 'yon. Pero bakit nga?

Malungkot at nakakunot noo ko siyang tingnan. "Gan'on ba talaga 'yon?"

"Yup." Napabuntong hininga nalang ako. Napahawak ako sa dulo ng palda kong suot. Naikuyom ko ang mga palad ko dahil litong-litong na ako lahat. Kung kanina nangibabaw ang lakas ng loob ko, ngayon parang nangibabaw na ang kalungkutan sa puso ko.

Hindi pa pala ako ready.

"Hindi nalang pala ako magtatanong." Nakatungong ani ko sa kanya. Hihintayin ko nalang na sina Dad o Kuya ang magkusang magpaliwanag sa akin.

Ang hirap talaga kapag hindi magkaintindihan ang puso at isip ng isang. Para kang mababaliw kung sino sa dalawa ang susundin mo. Pareho naman silang may punto, magkaiba nga lang ang pinaglalaban.

Bumaba ako sa sasakyan ni Brazen at deritsong pumasok sa loob ng bahay. Lumilipad ang utak ko... Mula batanes hanggang hullo saan ka man ay hali na kayo—charot. Basta lutang akong bumaba ng sasakyan ni Brazen. Tsk.

Dahil sa kalutangan ay hindi na ako nag abalang tapunan ng tingin ang taong kasalubong ko maglakad. Papasok ako habang siya naman ay palabas na ng pinto. Nang makalampas na ako sa kanya ay ramdam kong tumigil siya at nilingon ako, pero wala na akong pakialam n'on nang makita ko na si Dad sa may pool. Nakaupo ito sa patio set na naroon habang nagbabasa ng diaryo.

"Dad!" I shouted to get his attention. He put down the newspaper and looked at me without any reaction. But when he realized that it was me, he immediately stood up and plastered a smile on his face.

"Arra," he said, hugging me tight. "I expected that you would visit me this weekend. I miss you, sweetie." He rubbed my back gently.

"I miss you, dad." I kissed him in the cheeks. Napansin kong maliban kay Dad, Brazen, me, and the maids ay wala nang ibang tao sa mansion sa mansion. "Where's Kuya and Mom, Dad?"

"Your mom is having her business meeting in the company while your Kuya is meeting someone he used to know." Someone he used to know? Who then?

"Who?" I was feeling confused.

"I don't know, he didn't tell me." Tinuro niya sa akin ang isang upuan pahiwatig na maupo ako roon. "Introduce your friend to me too, sweetie."

Oh yeah, I almost forgot. Tumingin ako sa pintoan at nakita roon si Brazen na nakasandal habang nakahalukipkip ang dalawang kamay sa bulsa ng short niya. Deritso ang tingin nito sa amin ni Dad, na para bang kanina pa ito nandoon at pinagmamasdan kami. Walang reaction ang mukha nito, pero sobrang gwapo parin.

Lumapit ako kay Brazen. Kinuha ang isang kamay niya at hinila 'yon para ma-iharap ko siya kay Dad. "Uhm, Dad, si Brazen, Brazen Hennessey. My friend." Pagpakilala ko kay Brazen kay Dad. "Brazen si Dad." Pagpakilala ko naman sa Daddy ko kay Brazen.

"Nice to see you, Brazen." Nakangiting inilahad ni Dad ang kamay Kay Brazen. Tinitigan 'yon ni Brazen ng ilang segundo bago tinaggap. Wala paring reaksyon ang mukha.

"Nice to see you too, sir," he coldly said at agad ring binawi ang kamay kay Daddy. Pagkatapos kung ipakilala sila sa isa't isa ay umupo na rin kami. Nakatalikod ako sa pool. Katabi ko si Dad, habang kaharap niya naman si Brazen na nasa kanan ko.

"So, Arra," baling sa akin ni Daddy. "What do you want for today?"

Marami Dad. Sobrang dami kong tanong sa inyo ni Kuya, pero hindi pwede dahil ayaw kong mawala ang buhay na mayroon ako ngayon. Alam kong nagiging advance ako sa pag-iisip, pero mabuti na 'yon kesa sa delayed.

Pinilit kong ngumiti sa kanya. Ngiting hindi niya mapapansin na pilit lang. "Nothing, Dad. I just want you to visit here. How are you?"

"I'm fine, sweetie. How about you?"

"Same. HAHAHAHAH."

Nagkuwentohan lang kami Dad buong araw hanggang sa sumapit na ang 6 PM ng gabi. I decided to go to the kitchen to help Manang prepare our dinner. Iniwan ko si Brazen kay Dad. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa kanya, kasi suot niya naman ang bracelet niya. Hindi naman siguro siya mahahalata ni Dad na bampira, mukhang tao naman siya e.

Si Manang Lucita ang matagal na naming katulong sa bahay. Mahigit 15 years na siyang nagt-trabaho sa amin, 50 years old na siya ngayon at may tatlong anak na tinataguyod. Pero isa nalang pala ngayon kasi graduate na ang dalawa habang ang isa ay nasa high school palang. Malayo ang bahay nila sa mansion, kaya 3x a month ay umuuwi siya sakanila para bumisita. Pamilya narin ang turing namin sa kanya at sa iba pang katulong dito sa mansion dahil kung wala sila, wala talagang buhay ang bahay kapag umaalis sila Dad sa bahay.

Habang nagluluto ay nagk-kwentohan kami ni Manang tungkol sa mga pangyayaring naganap dito sa bahay ng lumipat ako sa condo. Malungkot daw siya na wala na ako sa mansion. Wala na daw nanggugulo sa kanya tuwing magluluto siya, ngayon lang ulit. Palagi silang mga katulong lang ang natitira sa bahay buong araw kapag nasa kompanya sina Dad, Mom, and Kuya. I felt sad too, pero wala akong magawa. It was my mom's decision.

Biglang nagpop-up sa utak ko ang lalaking kasalubong ko kanina. Hindi pamilyar sa akin ang postura niya, kaya sigurado akong bisita siya.

"Ahh manang, sino 'yong lalaki kaninang hapon? Hindi siya pamilyar sa akin eh." Nilipat ko sa malinis na bowl ang niluto kong sinigang na baboy. Dad's favorite.

"Iyong kasalubong mo kanina, Arra?" Tanong nito sa akin.

"Opo." Magalang kong sagot Kay Manang.

"Ahh si Sir Clave 'yon. Bisita ng Daddy niyo." Napatigil ako sa pagsandok ng sabaw dahil sa narinig.

"Clave po?" Tanong ko ulit. Baka kasi nagkamali lang ako ng rinig sa sinabi ni Manang sa akin. Tumindig ang mga balahibo sa katawan ko. Ay joke si O.A.

"Oo nga, si Sir Clave Eiverson, kaibigan mo siya hindi ba?"

••••••••••••••••••
>///<

Who am I? (Empire 01)Where stories live. Discover now