Arranna's POV
Anong ginagawa ni Kuya dito?Bakit parang 'di siya nagulat sa mga nakikita niya?
May alam ba siya na hindi sinasabi sakin?
Anong connection nila sa isa't isa?
'Yan ang mga katanungan na bumabagabag sa'kin ngayon. Wala akong alam sa mga nangyayari at lalong wala akong alam sa mangyayari sa kanila. Wala manlang akong ideya kung bakit alam nilang narito ako, at talagang sabay pa silang tatlo. Nakakapanghinala naman.
Grabe hindi ko na kinkaya lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Ang sakit na ng ulo ko kakaintindi sa kanila. Halo-halo na ang mga iniisip ko at dumadami ang problema ko.
What if kilala na nila ang isa't isa? What if, ako lang pala ang walang alam sa nangyayari? What if, may malalim silang lihim at mahigpit nilang tinatago sa akin?
Omygadd! Ang sakit naman sa head mag-overthink!
Naramdaman kong lumuwag ang pagakakahawak sakin ng bampirang PV, kaya kinuha ko na ang pagkakataong 'yon para tumakbo at lumapit kay Kuya. I hugged him as tight as I could. Feeling a little safe.
He hugs me back. "Shhh. It's okay. Kuya's here na. No one can dare to hurt you, lil sis. Not again. I promised you that." Tumango ako kahit patuloy parin sa panginginig ang katawan ko dahil sa takot.
"Oh, Adrasteia, nice to see you again." Muling nagsalita ang bampirang PV, kaya napalingon ako dito. Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Kuya sa bewang na para bang ayaw niya akong lumayo sa kanya. I looked at him. Sinenyasan niya akong pumunta sa likod niya, kaya tiningnan ko kung may anong meron sa likod niya at agad kong nakita si Brazen na nandoon parin sa pwesto niya kanina. Walang emosyon ang muka habang nakatingin sa akin.
Tumango muna ako kay Kuya bago naglakad papunta kay Brazen. Nag alinlangan pa ako nong una pero dahil alam kong walang oras para sa kaartehan ay sinunod ko nalang siya agad.
"How's your neck?" Talagang inalala pa niya ang leeg ko kesa sa pakiramdam ko ha. amazing.
"My neck is perfectly fine. Don't worry, mapapakinabangan mo pa naman," I sarcastically said. Kumunot naman ang noo niya.
"What's wrong with you? I was just asking if your neck is okay. I didn't ask kung may mapapakinabangan pa ako o wala."
"Okay, sabi mo 'yan eh."
"Look, I'm trying to be nice here."
"Whatever."
"May problema ka ba? May problema ba tayo?" Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang mga sinabi niya. Tayo? May kami ba?
Kung meron man... edi wow.
"Wala." Hindi na ako nagsalita pa dahil pakiramdam ko, kahit anong oras mahihimatay ako. Hinawakan ko ang ulo ko dahil bigla itong sumakit."You okay?" Nag-aalalang boses ni Brazen.
"Ayos kalang, Arra?" rinig kong tanong ni Clave.
"I'm tired."
"Shhh, come here. Dito ka sa akin magpahinga. Gusto mo buhatin pa kita—aray." Kinurot ko ang tagiliran niya.
"Umayos ka nga. Gusto mo ikaw buhatin ko tas hagis narin kita diyan sa bintana. Gusto ko rin makita talent mo kung lumilipad ka ba o hindi, dali." Kunwari masaya kong sabi. Siraulo.
"Nagbibiro lang naman eh." Hinawakan niya ang ulo ko at dahan dahang inilapit sa may balikat niya. Matangkad si Brazen sa akin, kaya 'di ako nahirapang isandal ang ulo ko sa balikat niya. I smelled his expensive perfume, kaya naman ilang minuto lang ang lumipas at nakatulog narin ako.
•••
Aethan's POV
"Oh, Adrasteia, nice to see you again."Ilang taon na ang nakalipas, pero 'di parin nagbabago ang pagiging loko ng isang 'to.
"What do you need, asshole?" Walang emosyon kong tanong.
"Your sister..." naikumos ko ang aking mga kamao dahil sa mga sinabi niya. "So beautiful and delicious." Pinaikot niya pa ang dila sa ilalim ng labi niya.
"Shut up!" Clave suddenly shouted. Sabay kami ni Jacks na lumingon sakanya. His eyes were set on fire due to anger. Na para bang kahit anong oras pwede kang masunog sa pamamagitan lang nang kanyang mga mata.
"Eiverson, don't tell me you like her?" Jacks and his bullshit. Para mapaamin ang isang tao—mortal man or immortal, pinipikon niya ito, at kapag napikon na ang biktima, then target locked. Kasi wala kang ibang pagpipilian kundi ang aminin na nalang ang totoo. Nadulas ka eh, kasi uto-uto ka.
Tiningnan niya ako saglit na para bang tinatantsa pa ang magiging reaksyon ko sa sasabihin niya. "S-so what if I am? Wala ka paring karapatang bastusin si Arra." As if I let you come close to my sister, fucker.
I'm not that fool; para hindi mapansin ang mga kinikilos nila ni Brazen para sa kapatid ko. They always take care of her, especially Brazen, but I can't deny the fact that someday, when Arra knows everything, she will hurt, and I won't let that happen. I will do anything to protect her from her hidden life. Kahit ang kapalit no'n ay ang kamuhian niya ako.
"Ang kawawang Eiverson, nagmamahal ng babaeng malabong mapasayo. Hindi mo ba nakikita? You are nothing but her comforter, a friend, not a lover."
Biglang sumugod si Clave kay Jacks, pagkatapos ay tinulak niya ito at sinuntok ng malakas dahilan para ma-out of balance ang lalaki. Gusto ko ngang hayaan nalang si Eiverson na gawin iyon kay Jacks, pero nakakawalang angas naman kapag titingnan ko nalang silang dalawa. Tsk.
"Enough!" I shouted, trying to get their attention. Tumigil naman si Eiverson kakasuntok kay Jacks na hindi manlang nakabawi ng suntok at nakahiga na ngayon. Pero kahit ganon kilala ko siya. Kilala ko ang nagiisang Jacks Javier sa mundo ng mga bampira. The powerful villain vampire in the world.
But I don't care. I won't let his power beat mine, because we, the Adrasteia, are the greatest nightmares of reality.
"Stand up, idiot, and answer my question. WHY.ARE.YOU.HERE?" May diin ang bawat salitang binitawan.
Tumayo si Clave na may matalim na titig parin sa kaaway. Doon lang din nagawang makaupo ni Jacks sa sahig. Nakayuko ito habang nakapatong ang dalawang braso sa magkabilaang tuhod niya.
"Hindi paba halata? Metro lang ang pagitan natin pero amoy na amoy ko ang dugo niyong magkapatid. You know who you are and your sister is and was; stop pretending, stop hiding the truth. Prince Adrasteia."
Tumingin ito sakin habang nakangisi. Nilabanan ko naman ang titig niya. Ilang taon na ang nakalipas nang huli kong narinig ang mga katagang iyon. Taon kung kailan hindi na ako bumalik sa mundong aking tunay na pinanggalingan.
"Fine. Do you want her blood, right? Then I'll give you a fvcking bloody fight."
••••••••••••••••••
>///<

YOU ARE READING
Who am I? (Empire 01)
VampirosMortal and Immortal: Two types of life are far different from each other. Para sa mga tao bampira ay hindi totoo. Nabubuo lamang ito, sa isip at imahinasyon ng tao. Paano kung ang pinaniniwalaan mo na hindi totoo, Isang araw makikita at makakasama m...