Arranna's POV
Pagkatapos ng mga pangyayaring, 'yon ay nakatulog na ako dahil sa pagod at panghihina. Nagulat nalang ako pagkagising kinabukasan na nasa loob na ako ng tent at nakahiga na ng ayos. Tinanong ko si Brazen tungkol doon at hindi naman niya tinanggi na siya ang nagdala sa'kin sa loob.Lumipas ang mga araw at maayos ang naging trip namin sa Isla. Mabuti nalang rin at walang nakakahuli sa akin/sa amin gabi-gabi na nagkikita para pasipsipin ko ng dugo si Brazen. Hindi narin nagparamdam si Clave. Ewan ko kung bakit. Ang last naming kita ay 'yong nagdrama ako sa kanya.
Naging okay ang lahat sa mga lumipas na araw. Kahit papaano ay nakikitawa at usap narin si Brazen sa ibang kaklase namin. Kahit si Savannah ay hindi na takot sa kanya. Pagdating naman sa'kin ay parang may mali. Sa mga araw na palihim kaming nagkikita ay palihim naring umiiba ang nararamdaman ko sa lalaki. Ewan ko kung ramdam niya, pero hinihiling ko na sana hindi ito totoo. Kasi mortal ako habang immortal naman siya. Malaki ang pagkakaiba.
Ang tanging magagawa ko lamang para sa puso ko ay pigilan ito hangga't sa makakaya ko.
Dumating ang araw na natapos na rin ang trip namin. We need to say goodbye to this beautiful island. Nagpasalamat muna kami sa mga staff na nag assist sa amin sa isla, pagkatapos ay sumakay narin kami ng yate pabalik sa lugar namin. The arrival goes fine. Tinulungan ako ni Brazen na ibaba ang mga gamit ko, and after that, kanya-kanya na kami ng uwi.
Naglalakad ako ngayon patungo sa condo ko ng maramdamang parang may sumusunod sa akin. Sa una isinawalang bahala ko lang 'yon, pero nang may narinig akong mga yapak ay naglakas loob na akong lingonin ito. And to my surprise... I saw nothing. I feel scared and nervous at the same time.
I'm already in front of my condo. Hinawakan ko ang doorknob saka pinihit 'yon at pumasok na sa loob daladala ang gamit.
"Nakakapagod naman." Kausap ko sa sarili bago dumeritso sa kusina para uminom ng tubig. Nakakauhaw rin.
Binuksan ko ang ilaw roon at sa hindi inaasahan, dalawang lalaking nakaitim at nakatingin sa akin ang agad kong nakita. Ang isa ay nakaupo, at ang isa naman ay nakatayo malapit sa kanya. Tumigil ako sa paglalakad dahil hindi makagalaw ang katawan ko nang bigyan ako ng nakakalokong ngiti ng lalaking nakaupo sa gitna ng lamesa na nasa harap ko.
"So you are Arranna, right?" Nakangisi niyang tanong. Oo o hindi lang ang sagot sa tanong niya, but it seems so hard for me to answer. Hindi ko alam kung tama bang aminin ko o hindi. Hindi ko rin alam kung safe pa ba ako o hindi. Tiningnan ko ang isang lalaking nakatayo malapit sa inuupuan ng lalaking nagsalita.
Tahimik lang siya at tanging ang kilos niya lang ang gumagawa ng ingay. Weird as always.
"Ano na naman ang kailangan niyo sakin?" Matapang kong tanong.
Kailangan mo maging matapang Arra. Tatagan mo ang loob mo.
"Na naman? Tss." Pag uulit niya na may kasabay pang nakakainsultong tawa. "Easy woman, ngayon palang ako pumunta dito para humingi ng pangangailangan ko, namin. Pwede mo ba maibigay sa amin 'yon?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagsimula nang humakbang papalapit sa akin. Gumilid lang ang lalaking nakatayo na feeling ko assistant niya para bigyan siya ng daan.
Bumalot ang matinding kaba sa katawan ko ng pumula na ang mga mata nito kasabay ng pag-usbong ng mahahabang pangil.
Iba ang isang 'to. Iba siya kina Clave at Brazen.
He looks like a... playboy? Yes, a playboy vampire. May piercing siyang apat sa kaliwang tenga at kulay puti ang buhok. May itsura sya ha pero hindi ko type... mukang delekado rin ang ugali. Addict tapos red flag.
Don't judge the book by its cover, Arra.
Pero, please, naman, can someone save me from this fvcking PV? Kung si Brazen sana 'to 'di ko na kailangan ng tulong at ako na mismo ang magpapaubaya sa sarili ko, mapakain lang siya. Charr.
"What are you thinking, Miss Adrasteia? Care to share?" Ay may pagkachismoso rin. Ang bilis niya kanina andon palang siya sa pwesto niya, pero ngayon nasa harapan ko na.
"It's none of your business." Pagtataray ko.
"Oh, okay." Nag hands up pa ito sa akin.
"Ahh!" Nagulat ako ng bigla niya akong itulak papunta sa pader ng buong pwersa. "Teka lang ano ba!" Tangina ang sakit!
Bakit ba kasi sa dinamidaming tao sa mundo na pwedeng pagkuhaan ng dugo ay ako nalang palagi? Kay Brazen pa nga lang nanghihina na ako paano pa kaya sa isang 'to?
Inilgay niya ang isang kamay sa pader, habang ang isa naman ay unti-unting lumalapit sa akin. Hinaplos niya ang mukha, mula sa ilong, sa labi, sa pisngi hanggang sa bumaba iyon sa leeg ko. Napakit nalang ako sa ginagawa niya dahil nakikiliti ako.
"Ano ba kasing k-kailangan mo sabihin mo na. 'Wag mo nang patagalin pa kasi pagod ako at gusto ko ng magpahinga."
"Simple lang, pagod ka diba? Sumama ka sa akin. Doon ka magpahinga sa kaharian ko aking sinta." bulong niya.
Yuck.
"Ayaw ko nga!" Sinubukan ko siyang itulak, pero wala man lang nangyari. Hindi siya natinag
"Ayaw mo? Ayaw mo maging reyna ng kaharian ko? Ayaw mo maging tagapamuno ng kaharian kong ginawa para sayo?" Panlinlang niya. Kapal ng mukha nito, hindi pa nga niya ako nakikilala may kaharian na agad ako.
"Reyna ng kaharian mo? Suss, reyna ng impyerno siguro!" Reyna-reyna siraulo ampota. Tumawa ito ng kunti. "Kahit gawin mo pa akong pinakamalakas na nilalang, kahit gawan mo pa ako ng rebulto ito lang ang masasabi ko sayo... wala akong P.A.K.I.A.L.A.M!" Napapikit siya dahil sa pagsigaw ko sa mukha niya kaya ginawa ko 'yong pagkakataon para tumakbo pero agad rin niyang nahigit ang damit ko sa likod.
Galit na siya!
Isinandal niya ako sa likod ng pinto. Galit niyang hinawakan ang dalawa kong kamay, gamit ang isa niyang kamay. Hindi ko alam kong anong gagawin niya, pero naramdaman ko nalang ang malamig niyang hininga sa bandang leeg ko.
"Don't, please," I begged.
"Sorry, but it's too late."
Umangat ang mukha niya, kaya nakita ko na binuka niya ang bibig niya dahilan para makita ko ng malapitan ang pangil niya. Those fucking fangs!
Pumikit nalang ako para 'di ko makita ang susunod niyang gagawin. I feel my eyes getting wet because of tears.
Nahugot ko ang hininga ko ng ilapit na niya ang bunganga niya sa leeg ko.
Brazen...
"I can't imagine that a fucking weak vampire can have guts to show in the mortal world." Napatigil ang bampirang PV sa gagawin ng may nagsalita sa likod niya. Sinubukan kong hanapin ang nagsalita ngunit ang tanging hulma lang ng katawan niya ang nakita ko. Nakasandal din ito sa pader malapit sa bintana sa may living room. Madilim roon, kasi hindi ko pa napaandar ang ilaw.
Nakaharap siya sa amin na para bang may pinapanood na pelikula sa TV. ang pinagkaiba lang live. Tss.
Tinitigan ko siya ng mabuti. Hinuli ko ang mga mata niya at sa hindi inaasahan pumula iyon. Mga matang siya lang ang mayroon. Mga matang, 'di mo aakalain na kayang makapatay sa isang titig lang. Mga matang may dugong Allarmante.
"B-brazen," wala sa sariling bulalas ko. Nginitian niya lang ako.
Akala ko siya lang mag-isa, pero nagkamali ako dahil may isa pang lalaking nahagip ng paningin ko. Nakatayo ito malapit sa lalaking tahimik lang kanina. Naka akbay ito sa lalaki. Feeling close, ang putekk. Wala namang paki, 'yong lalaki sa kanya.
"Kumusta mahal na hari?" Ani Clave.
Pinaharap ako ng bampirang PV kina Brazen. Pagkatapos, hinawakan niya ang pisngi ko para patagilirin ang mukha ko, revealing my neck. He made me feel like his hostage.
Kakagat sana ulit siya sa leeg ko nang may isang lalaki ulit na lumabas sa pinto-galing naman sa kwarto ko.
"Don't you dare to hurt my sister if you don't want me to make your life shortest like a dieng leaf." Si Kuya.
•••••••••••••••••••
>///<

YOU ARE READING
Who am I? (Empire 01)
UpířiMortal and Immortal: Two types of life are far different from each other. Para sa mga tao bampira ay hindi totoo. Nabubuo lamang ito, sa isip at imahinasyon ng tao. Paano kung ang pinaniniwalaan mo na hindi totoo, Isang araw makikita at makakasama m...