Arranna's POV
 
 
'Gorgeous babe of mine.'

'Gorgeous babe of mine.'

'Gorgeous babe of mine.'

Aishh! Ano ba'yan nababaliw na ata ako. Kanina pa pabalik balik sa utak ko ang mga salitang 'yan. Hindi ko maalala kong sino ang nagsabi ng mga salitang 'yon. Ang alam ko lang pagkagising ko ang apat na salitang, 'yan ang bumabagabag sa isip ko buong araw. Ang mas ipinagtataka ko, ay 'yong kagat ni Brazen sa leeg ko, bakit biglang nawala? Nasahuwisyo pa ako n'ong kinakagat niya ako, hanggang doon lang.

"Totoo ba 'yon o panaginip lang ang lahat?" mahinang tanong ko sa sarili saka ginulo ang buhok. Baliw!

"Ang alin?"

"Ay baliw!" Nagulat ako sa biglang paglitaw ni Savannah sa harapan ko. "Ano ba Van, nakakagulat ka naman."

"Ang lalim ng iniisip mo ah. Sa sobrang lalim nakaligo na ako, nakabihis na ako, nakakain na ako, tapos biglang umulan ng katangahan at hindi ka nakasilong kaya ayan, utak mo nalunod na!"

"Bakit ba?" Kahit kailan epal talaga 'tong babae na 'to eh.

"Ayy bakit? Uyy teh alas kwatro na oh." pinakita niya sa akin ang oras sa cellphone niya. "Uwian na girl, jusko! Ang iba nasisiyahan sa uwian, pero ikaw, nako parang may lamay, na nasa eskwelahan ang mesa."

"Peste! Oo na.. oo na. Ito na boss magliligpit na po. Daming sinasabi e." Isa isa kong pinasok sa bag ang mga nakakalat kong gamit sa mesa.Kami nalang pala dalawa ng maingy na si Savannah ang natira sa room.

"Peste daw ako?" Tinuro niya pa ang sarili. "Eh anong tawag sayo?" Turo niya sa akin sabay taas ng kilay.

"Maganda." Taas noo kong saad sabay hawi ng buhok. Haba ng hair.

"Oo nga noh, maganda ka." Nagkunwari pa siyang namamangha. "Magandang pader. HAHA!!"

Putcha! Hinampas ko siya ng bag ko dahilan para deri-deritso siyang mahulog galing sa lamesang inuupuan niya. Peste talaga.

"Aray ah! Baka masakit, ah?" Tumayo siya at hinimas himas ang puwet na naunang bumagsak sa semento. 'Yan talaga ang mapapala mo sa akin!

"Baka lang? Ayaw mo ng kalabaw?" Pang-aasar ko.

"Kalabaw lang? Ayaw mo ng semento? Pandagdag sa umbok sa pader mo." Asar rin niya pabalik. Pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko dahil sa inis sakanya. Bakit may kaibigan akong ganito ang ugali. Huhu.

"Grabe ka na talaga sa akin ah. Pader. May bundok kaya oh. Porket malaki lang ang sayo ganiyan kana makapglait sa akin." Pagtatampo ko kunwari.

"Sino nagsabing nanlalait ako. FYI, I'm just stating facts, and that's the fact's noh." Tumakbo siya palabas ng room na tumatawa, kaya hinabol ko siya. Bwesit talaga. Nakita ko siyang pababa ng hagdan, kaya agad akong tumakbo. Tumingin pa siya sa akin saglit at ngumiti ng nakakaloko. Humanda ka sa akin Savannah Lourainee Velgar. Papatayin kita. Charr.

Huminto siya sa harap ng exit at kinuha ang cellphone sa bulsa. Kinuha ko ang pagakakataon na'yon para makalapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa balikat at tinapik tapik 'yon. Nginitian niya ako saka ibinalik ang mata sa cellphone na hawak. Dahil dakila akong chismosa, sinilip ko 'yon at nakita kong si Tita ang tumatawag. Ang Mommy ni Van.

"Wait lang sasagutin ko muna 'to. Tumatawag eh." Paalam niya sa akin at tumabi malapit sa walang taong bahagi ng floor.

Umupo muna ako sa waiting area ng building dahil napagod ako kakatakbo. Kinuha ko ang cellphone sa bag dahil nabored ako sa mga nakikita sa paligid. Wala namang bago. Puro mga naglalambingang magjowa habang hawak kamay na naglalakad papalabas at papasok ng building ang nakikita ko. 'Yong feeling na sa paaralan ko, pero parang nasa park ka dahil sa mga naglalandiang magjowa sa cafeteria. Tss.

Who am I? (Empire 01)Where stories live. Discover now