10

20 3 0
                                    

Clave's POV
 
 
Flashback!!
      
"Mahal na prinsipe saan ho ba kayo patungo?"
      
Kailangan ko siyang puntahan, kailangan ko siyang samahan. Nag-iisa siya at kailangan niya ng karamay sa lungkot na dala niya sa kanyang buhay.
   
"May pupuntahan lang ako. Pakisabi kina Mom and Dad na 'wag silang mag-alala sa akin." Utos ko sa kanang kamay ni Dad.
    
Nilisan ko ang imperyo para puntahan ang isla na ginaganapan ng camping nila. Ang isla kung saan siya ngayon. Fvck!! Hindi ko na maitatago pa ang nararamdaman ko para sakanya kasi masyadong ng malalim at hulog na hulog na ata ako.
     
'Ano paba ang kailangan kong gawin? Pagod na ako, eh.
    
She's really in pain.
      
Ends of Flashbacks!!
 

Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga para magpatuloy sa sasabihin. "Huwag kanang umiyak, 'di kana bata."
   
Alam kong hindi ito ang tamang panahon para magbiro, pero gusto ko lang maibsan ang nararamdaman niya kahit kaunti.
   
Tumango siya sa akin, kaya napahigpit ang yakap ko sakanya.

Dahil nalulungkot ako kapag malungkot ka.
      
"Thank you, Clave. Thank you so much," she said, umiiyak sa balikat ko. Sinuklay suklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Dinama ang init ng katawan niya.
      
Habang pinapatahan siya, may kakaibang presensya akong naramdaman na nakatitig sa amin mula sa tent, hindi kalayuan sa amin. Inangat ko ang aking paningin do'n para makita kung sino 'yon. Hindi naman ako nagkamali sa iniisip ko. I saw his Allarmante's powerful eyes. Sa presensya palang niya, malakas at nakakatakot na, kaya hindi malabong galit siya.
     
Si Brazen na may pulang mga mata at malamig na tumititig sa amin. Pinagmamasdan ang aming kilos, habang magkacross ang kamay sa ibabaw ng dibdib.
     
What the fvck is his problem!
      
"Ehem, Arra, okay, kana?"
      
Pinunasan niya ang pisngi na basa ng mga luha habang sisinghot-singhot na tumango sa akin.
      
Fvck! Why are you so cute!
       
"Good, that's my girl." Tinangka niya akong hampasin, kaya 'di na ako umilag, baka kasi magtampo dahil hindi nakabawi.
    
"That's my girl, your face bastard!" Singhal niya sa akin. I can't help but laugh. Kahit nakikita ko nang naiinis siya ay hindi parin ako tumigil. I just want to lighten the mood. Ngumiti siya sa akin. It feels like I did a great job!

Shit, I'm kilig!

•••

Arranna's POV
 
 
"Where have you been?"      
Gulat akong napalingon dahil sa biglaang tanong ng tao na nasa gilid. I faced him, and his dark eyes met mine. Ano kayang problema nito. "Any reason why I have to tell you?"
      
"I saw you two."
    
"What?"
      
"I saw you two." He saw me with whom? Eh si Clave lang naman ang kasama ko. Pero wait... What's the big deal, si Clave lang naman 'yon ah? My vampire's best friend.
    
Kahit naguguluhan nakipag laban parin ako ng titigan sa kanya. Mata sa mata! Hanggang sa bumuntong hininga nalang siya saka umiling bago tumalikod at naglakad papunta sa tent niya.
       
"Tss."
      
Lumipas ang buong gabi na 'di ako pinapansin ni Brazen. I mean, yes, 'di naman kami lagi nagpapansinan, but this time, hindi na talaga. Kapag lumalapit ako sa kanya, lumalayo siya. Kapag nakakasalubong ko siya sa daan, umiiwas naman siya. Kapag may tinatanong ako about sa mga preparation, tungkol lang man doon ang sagot niya pagkatapos ay aalis na rin.
     
Hindi ko alam kung bakit siya nagkakagan'on. Sinubukan kong intindihin siya, umiwas, nanahimik, nagpakabusy, pero may parte sa akin na nagtutulak na tanungin siya kung bakit.
     
Nang lumalim ang gabi napagpasyahan kong kausapin siya. Sinigurado ko munang tulog ang lahat bago lumabas ng tent at tumungo sa tent ni Brazen. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga para mabawasan ang kabang nararamdaman. Ewan ko ba kung bakit ako nakaramdam ng kaba. Siguro dahil ngayon lang ang unang beses na aayain ko siyang mag-usap, na kami lang dalawa.  
    
"Brazen," mahina kong tawag sa pangalan niya. "Brazen andyan kaba sa loob? Brazen. Woohooo." Do you want to build a snowman?
    
Mahina akong napahagikhik dahil sa mga naiisip ko. Brazen Hennessey, the man version of Elsa!
    
"What do you need?"
      
Agad akong napaayos ng tayo nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko. Hinihingal ito. Agad akong ring napaatras nang makita ko ang mukha nitong may dungis ng dugo. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang duguan rin. Napansin niya ata ang reaksyon ko, kaya dali-dali niyang itinago ang kamay sa kanyang likod.
    
Sunod sunod akong napalunok nang bumalik ang aking tingin sa kanyang mga mata na ngayon ay mapupula na at deritso ang tingin sa akin.
       
"B-bakit ganiyan ang m-mukha mo?" Utal kong tanong.
    
Pag-uusap ang punta ko, pero parang kainan ang mangyayari. Gosh!
       
"I'm thirsty. Do we have a problem with that?" Seryuso niyang sabi na para bang hindi, 'yon big deal sa aming mga tao. "Why are you here?"
     
"K-kakausapin sana kita pero parang n-next time nalang. Sige b-balik na ako." Hahakbang na sana ako paalis nang hawakan niya ang braso ko. Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak at agad na napakunot ang noo nang makitang may kagat ng tao ang nakahulma doon.
      
Bakit parang kagat ng tao ang naroon, e a bampira siya? Siya dapat ang kakagat.

Bumalik lang ako sa realidad ng magsalita siya mula sa likuran ko. "Bakit next time pa kung pwede naman ngayon?"
      
"B-brazen, did you bite your hand?" Tanong ko habang 'di parin kinukuha ang tingin sa kamay niyang naka hawak sa braso ko.
    
Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya, kaya nilingon ko siya. Nakayuko na siya ngayon na para bang may ginawa siyang kasalanan. Ang kabang naramdaman kanina ay napalitan ng awa dahil sa rason na kinagat niya ang sariling kamay dahil sa nauuhaw na siya.
    
"Are you still thirsty?" Ewan ko kung tama ba 'tong ginagawa ko, pero ito lang ang alam ko para hindi siya mauuhaw. I smiled when he slightly nodded at me as his answer.
    
Walang pag-alinlangan kong hinigit siya papunta sa loob ng mapunong lugar para doon gawin ang nasa isip ko.
      
"What are we doing here?" Kahit nagtataka pinanatili niya parin ang kalmadong mukha.
       
Binitawan ko siya at hinuli ang mga mata niyang mapupula parin saka ngumiti. I don't want him to think na napipilitan lang akong sabihin ito.
     
"Hindi man ako bampira, pero alam ko ang pakiramdam na uhaw-na-uhaw na." Ibinaba ko ang sweater na suot. Nakasando naman ako, kaya wala namang problema do'n. "I'll let you suck my blood tonight. Sana makatulong."
    
Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang, 'yon ay hinigit niya ang bewang ko papalapit sa kanya. Yumuko siya papunta sa'king leeg para kagatin 'yon. The first bite he took there, I could already feel the pain and trembling in my knee. Kaya naman kumapit na ako sa kanyang leeg, to support myself even though he was holding my waist.
 
Hinyaan ko siyang sipsipin ang dugo ko hanggang sa maibsan ang uhaw niya. I just want him to survive his thirst. Ramdam ko na rin ang pagbigat nang aking talukap dahil sa pagod at antok. Napapikit nalang ako. Pero bago mawala ang ulirat ko naramdaman kong tumigil na siya sa pagkakakagat at pagsipsip sa aking dugo. Akala ko tapos na siya, pero hindi ko alam na bibigyan niya pala ako ng marahan na halik sa aking labi. Simple at banayad lamang 'yon, pero iba ang epekto sa katawan ko. Parang kinukuryente ako. Parang gusto ko pang halikan niya ako ulit.
    
There's something different that I can't explain.
   
"Thank You."
•••••••••••••••••••
>///<

Who am I? (Empire 01)Where stories live. Discover now