Arranna's POV
Hinawakan ko ang kamay ni Savannah para mapakalma siya kahit kaunti. Kung 'di ko pa siya sinampal kanina para matauhan, siguro tulala parin siya hanggang ngayon. Pinaupo ko siya at binigyan ng tubig galing sa tumbler ko. Inalalayan ko siya habang si Hans na walang alam sa nangyayari at si Brazen na umiigting ang panga dahil sa hindi ko malamang dahilan ang nagpatuloy ng project namin.
Sinenyasan ko si Van na tumahimik at hinaan nalang ang boses kung magsalita, baka kasi marinig pa ni Hans at malintikan pa lalo.
"T-tama ba ang... n-nakita ko?"
"O-oo." Bulong ko. "Yan ang gusto kong sabihin sayo noon, pero ayaw mong naniwala."
"Hindi ko kasi alam na totoo pala ang chismis mo." Sumulyap siya sa gawi ni Brazen bago ibinalik sa akin. Mukha siyang takot sa lalaki mula pa kanina. "N-natatakot ako s-sakanya Arra," isa-isa na namang tumulo ang mga luha sakanyang mata, kaya niyakap ko siya ng mahigpit at tinapik tapik ang likod.
"Shhh. 'Wag kang matakot sa kanya." Pagpapatahan ko. "Bulok daw kasi ang dugo mo. Hindi pasok sa standard niya." Biro ko kaya tumawa siya ng kaunti at ngumuso. Kinurot niya pa ang tagiliran ko, kaya impit akong napaaray sa balikat niya.
"Nako, Velgar! Kung hindi kalang siguro umiiyak ngayon. Kanina pa kita naihagis." Niyakap niya rin ako ng mahigpit pero sa pagkakataong ito, yakap na madadama mo ang isang tunay na kaibigan.
Our friends are also part of our family. In short, they are important to us.
"P-pumapatay ba siya ng—"
Alam ko ang sunod niyang sasabihin, kaya agad ko siyang pinutol. Hinarap ko siya at tiningnan ng diretso ang maluha niyang mga mata. "Hindi naman sa kinakampihan ko siya Van ha. Pero kasi hindi naman ata siya ganon ka tindi. Hindi siya tulad nang napapanuod natin sa mga movie na pumapatay ng sino-sino lang. Siguro pumapatay nga siya ng tao. Hindi niya pa kasi napapaliwanag saakin ang tungkol diyan eh. Pero satingin ko ang pinapatay lang nila ay 'yong mga taong makasalanan at hindi inosente."
'Yon ang sinabi ko sakanya kasi gan'on ang sinabi ni Clave sa akin. Hindi ko naman pwedeng hayaan nalang si Van na mag-isip ng kahit na ano, baka kasi kung ano pa ang magiging kinahihinatnan sa huli. Alam mo 'yon, 'yong tipong ayaw mo sa mga bampira, pero nililigtas mo sila sa mga hindi magandang iniisip ng mga tao dahil alam mong may buhay rin sila at may damdamin.
Naysss! Talino ko shit!
Pinunasan niya ang kanyang mata saka ngumiti sa akin. "Matagal na tayong magkaibigan Arra, kaya naman naniniwala ako sa mga sinasabi mo. Sana nga gan'on siya." Nginitian ko siya at niyakap ulit. Sana nga gan'on. Dahil kasi kapag hindi... Mukhang ako 'yong masasaktan ng sobra.
Dumaan ang ilang araw na walang umiimik sa pagitan ng dalawa, Van at Brazen dahil sa pangyayari. This is the day, at ngayon na magaganap ang camping ng school. Si Kuya ang maghahatid sa akin, kaya siya ang pinabitbit ko ng dala kong travel backpack. Bigat kaya!
"Saan ang location ng camping?" Tanong ni Kuya habang papasok kami ng school. Pinagsingkitan ko siya ng mata kahit alam ko namang gawain niya talaga 'yon as my Kuya.
"Palawan sa Isla de Lowesiana. Why?"
"Island?"
Malamang Kuya... Isla nga diba?!
"Yeah, 'yong coordinator ng school ang pumili n'on eh. Taga sunod lang kami." Kamot ulo kong sagot. Tumawa sya ng kaunti. Taga sunod lang talaga kaming student sa gusto ng school dahil sila ang may madaming alam at nagtitiwala kami sakanila. Alangan namang school ang susunod sa gusto ng student diba? Lugi kami! Kami na nga ang nag-aaral, kami pa ang mag-iisip? No WAYYY!!

YOU ARE READING
Who am I? (Empire 01)
VampireMortal and Immortal: Two types of life are far different from each other. Para sa mga tao bampira ay hindi totoo. Nabubuo lamang ito, sa isip at imahinasyon ng tao. Paano kung ang pinaniniwalaan mo na hindi totoo, Isang araw makikita at makakasama m...