Aethan's POV
Wala akong ibang ginawa kung hindi ang suntukin siya. Galit ako sakanya, oo!Galit ako dahil muntik na niyang kagatin ang kapatid ko!
Galit na galit ako dahil kung hindi dahil sakanya mananatiling inosente pa sana si Arra! Malayo siya sa kapahamakan! Hindi niya mararanasan ang ganitong mga pangyayari.
Hindi niya malalaman ang tunay niyang pagkatao na isa siyang anak ng Hari, at nag-iisang prinsesa ng Castillo de Flowesiana!
"You will die."
•••
Arranna's POV
"Nasaan ako?" Inilibot ko ang aking paningin sa paligid ngunit iisa lamang ang aking nakikita, liwanag.Sa sobrang liwanag nito ay sumasakit na ang mga mata ko. Nakakasilaw, parang hindi ito ordinaryong liwanag lang. Sinubukan kong humakbang pero wala paring pinagbago. Kahit ang sahig na tinatapakan ko ay puting puti rin. Para akong nasa langit.
"Patay naba ako?"
Hindi! Hindi pa ako patay. Nakaligtas ako sa bampirang PV kanina dahil kina Kuya. Kaya malabong patay na ako.
Dumaan ang malakas at malamig na hangin na bumalot sa katawan ko. Ang damit ko. Anong klasing kasuotan 'to? Bakit ganito? Para akong isang prinsesa dahil sa mga disenyo nito.
"Mahal na prinsesa, hali na po kayo at gusto kayong makita ng inyong amang-hari."
Amang-hari?
"Sino ka?!"
"Victoria po ang aking pangalan. Ako katulong ninyo dito sa kastilyo, mahal na prinsesa."
Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Hindi ko siya maintindihan.
"Kung gan'on nasaan ako?"
"Nasa Castillo de Flowesiana po kayo, mahal na prinsesa."
Flowesiana? Bakit parang pamilyar sa akin ang salitang 'yon? Parang napuntahan ko na'to.
"Kung iniisip niyo po na pamilyar sa inyo ang lugar,opo, napuntahan niyo na ito. Isang linggo na po ang nakakaraan. Malapit lang po ang kastilyong ito doon sa ginanapan nang kamping ng paaralan kung saan kayo nag-aaral. Isla de Lowesiana— ang ginintoang isla ng Castillo de Flowesiana."
"Pero paano ako naging prinsesa? Paano ako nagkaroon ng amang hari, e palagi ko kasama ang aking pamilya sa bahay? At saka... wala silang nabanggit na tungkol sa pagiging prinsesa ko." nagtataka kong tanong.
Naguguluhan na ako beshy ko!
"Pasensya na po at hindi po dapat ako ang tanongin niyo tungkol diyan. Sumunod nalang po muna kayo sa akin at hayaan mong ang ama niyong hari ang magpaliwanag sa lahat ng mga katanungan niyo, mahal na prinsesa." Magalang na tugon sa akin ni Victoria.
Wala akong nagawa at sumunod nalang kay Victoria. Wala akong ibang pagpipilian. Gusto kong malaman lahat at maintindihan ang mga magugulong pangyayari ngayon sa buhay ko.
Akalain mo, nadapa lang ako sa parking lot at nakakita ng mga totoong bampira, sina Clave, Brazen at iba pa. Naging kaibigan ko pa nga ang mga 'yon tapos ngayon anak pa pala ako ng hari, at isang prinsesa pa! Shit, ang swerte ko!
Ano kaya itsura nina Daddy at Kuya bilang isang maharlika? Maganda ako e, syempre gwapo rin sila. Hehehe.
"Ano po ang tinatawanan niyo mahal na prinsesa?" Tumigil si Victoria sa paglalakad at hinarap ako. Nakakunot ang noo niya kaya halatang naguguluhan siya sa mga kinikilos ko.
Pasensya kana may sira na kasi utak ng prinsesa niyo.
"Ah a-ano... uhm...w-wala heheh. Napalalim ata pag o-overthink ko. Alam mo naman... minor moments." Wala akong maisip na tamang sagot kaya nag-embento na naman ako ng kung ano-ano.
YOU ARE READING
Who am I? (Empire 01)
VampirMortal and Immortal: Two types of life are far different from each other. Para sa mga tao bampira ay hindi totoo. Nabubuo lamang ito, sa isip at imahinasyon ng tao. Paano kung ang pinaniniwalaan mo na hindi totoo, Isang araw makikita at makakasama m...