Vientidós (Phone call)

702 40 10
                                        

Gia's point of view
"Kuya Luis! Ibalik mo na kasi yung cellphone ko!" Irita kong sabi habang dalawang oras na akong nasa office nya.

"Hindi ko nga kinuha!" Sabi nito.

"Liar! Huling huli ka na nga sa cctv na dala mo yung cellphone ko eh, ano bang gusto mo dun? I have a freaking iPhone X, na napaka baba na ng storage at isang bagsak nalang finish na!" Sabi ko.

"It's not about what it is, it's about what's in it" sabi ni kuya.

"Oh? Ano bang meron dun?" Tanong ko.

"Sabi ni Alfy andun daw yung multi million proposal para sa  bagong investors natin" sabi nito.

"Naniwala ka naman dun? Anong kinalaman ng cellphone ko dun!? Ikaw ang laki laki  mong tao naloloko ka!" Sabi ko.

"Nagbabakasakali lang naman, and oh may nag message sayo di ko naman binubuksan check mo nalang" sabi nito at ibinalik sakin ang cellphone ko.

I opened the message and red it.

"Hindi ka Elizalde"

Kumunot ang noo ko

"What?" I said out loud.

"Bakit may problema ba?" Tanong ni kuya Luis.

"Look at this" sabi ko at ipinakita sakanya ang message.

"Who's is it from?" Tanong nya.

"Hindi ko alam, unknown number eh" sabi ko.

"That's ridiculous" sabi ni kuya Luis.

"Yeah, it is, ano namang trip ng taong to" sabi ko.

Nagulat ako ng biglang tumawag sakin ang number, hindi ako nagdalawang isip na sagutin iyon.

"Hello?" Tanong ko.

"Gianna Louise Elizalde Araneta, sigurado kaba? Sigurado ka bang Elizalde ka?" Tanong nito.

"Please, ano bang gusto mo!? Anong pakikipag ululan ba tong ginagawa mo!?" Tanong ko.

"Pano mo naman nasabi na nakikipag lokohan ako? Ha? Mukhang walang sinasabi sayo ang taong marami dapat sabihin sayo, mukhang walang sinasabi sayo ang abuelo Hugo mo" sabi pa nito.

"Bakit hindi ikaw ang magsabi sakin kung may alam ka!? Ha!? Bakit sinasabi mong may alam si lolo Hugo na hindi ko alam" sabi ko.

"Dahil meron talaga! Dahil pagakatao mo ang itinatago nya sayo, tandaan mo ang sinasabi ko. Hindi ka Elizalde" sabi nito at pinutol ang tawag.

Nabagsak ko ang cellphone ko dahil sa kaba, galit at pagtataka.

"Gia, anong sabi sayo?" Pag aalalang tanong ni kuya Luis.

"K-kuya, the guy k-kept telling me, hindi daw ako Elizalde" sabi ko habang namumuo na ang mga luha sa mata ko.

"Ano?" I heard a voice that came from the door.
And it's dad.

"Gia ano yung narinig ko?" Tanong nito.

"A random number called Gia, the guy kept telling her na hindi sya Elizalde or something" pag e-explain ni kuya Luis.

Kita kong kumunot ang kilay ni dad.

"Ano pang sinabi sayo anak?" Tanong nito.

"Dad, he said na may alam daw si lolo Hugo, dad gusto ko syang makausap to have clarity" sabi ko.

"Sige, but for now we have to track kung sino yung tumatawag sayo, iuutos ko na agad sa mga private investigators natin" sabi ni daddy.

"Alam mo dad, naisip ko tuloy ulit yung babae dun sa polo club, he was saying namatay daw yung anak ni mommy? Kailangan ko na tanungin si Abuelo" sabi ko.

Fast forward
Luis's point of view

"Then? Ano pa nangyari?" Tanong ni kuya Alfy.

"Ayun, natataranta sya about it, and I feel bad for her" sabi ko at umupo sa table.

"Hindi mo ba napapansin? On how big the possibility na anak ni mommy si Gia?" Tanong ni Alfy.

"What!? You're out of your mind!" Sabi ko.

"At bakit naman? They're resemble a lot lalo na sa voice, minsan kapag nagsasalita si Gia akala ko boses ni mommy eh" sabi nito.

"So.. matanda na pakinggan si Gia?" Tanong ko.

"Hindi, I mean yung tone ng boses nila pareho" explain ni Alfy.

"Malay mo ganun lang talaga kapag magkasama sa-" pinutol nito ang sasabihin ko.

"Wag moko simulan na "malay mo ganun lang talaga kapag magka sama sa isang bahay" bakit tayong dalawa? Simula nung iniluwal ka ni mommy magkasama tayo pero mas pogi at mas maganda naman yung boses ko, di katulad mo na kapag kumanta akala ko may alaga kaming kambing" patol nito saakin.

"Anong kambing!? Excuse me! Ako kaya ang nagmana kay mommy sa magandang boses, di katulad nyo ni daddy trying hard kumanta!" Sabi ko.

"Ah trying hard!? Sumbong kita kay daddy!" Sabi ni Alfy.

"Edi magsumbong ka! Ganyan ka naman eh sumbongero ka talaga simula bata pa tayo!" Sabi ko.

"Ano ba kayong dalawa!? Bata!? Ano kayo mga anak nyo!? Ang tatanda nyo na kung maka asta kayo parang nga bata ah, kung kayo ang isumbong ko sa daddy nyo at hindi kayo mga nagtatrabaho?" I heard a voice coming from the door and it's mom.

"Ma naman eh" sabi ko.

"Anong ma naman, Luis mag trabaho kana dun chismisan kayo ng chismisan dito" sabi pa ni mommy.

"Kanino mamana ng kadaldalan eh diba sayo?" Mahina kong sabi bago lumabas.

"Ano sabi mo!?" Tanong ni mommy.

"Wala sabi ko si Alfy sabi para ka daw kambing" sabi ko.

"Gago ka ah!"  Sigaw saakin ni Alfy at tsaka ako tumakbo papalabas ng office nya.

Fast forward
Gia's point of view

"Everything's gonna be fine" sabi ni daddy at hinimas ang likod ko.

"I just don't know bakit may mga ganito, for God sake's thirty na ako, am I not worthy to be an Elizalde?" Tanong ko habang umiiyak.

"Shh, no wag mo isipin yan, dad kung ikaw? Sa tingin mo ba anak mo ako?" Tanong ko pa.

"Of course, anak kita" sabi ni daddy.

Walang nabanggit yung tumawag sakin na hindi ako Araneta, he just kept insisting na hindi ako Elizalde, bakit? Kung hindi ako Elizalde at sinasabi saakin na hindi si Mommy ang nanay ko, ibig bang sabihin nun na hindi din ako Araneta? Bakit wala manlang sinasabi yung tumawag saakin? Bakit sinasabi nya lang na hindi ako Elizalde? Posible bang Araneta talaga ako?

Amando FamiliaStories to obsess over. Discover now