Treinta y cinco (Lost Love)

475 32 0
                                    

❗️❗️MENTION OF : M!sc@rr!ege , Bl00d ❗️❗️
3 months later...
Gia's point of view

"Do you really have to work!?" Tanong ko kay David.

"Yes, I have to, we're almost half way and I need to start working again for our baby" sabi nya habang inaayos ang suot nyang polo.

"You're talking as if we don't have money to raise this baby!" Sabi ko.

"Gia, that's not the point, I need to provide for us, ayaw kong isipin ng dad mo na dito lang ako, na wala akong gagawin. As much as I want to stay with you here all day, I can't. Kailangan na ako sa trabaho and we need this ok?" Sabi nya.

Kahit anong paliwanag nya hindi ako tinatablan, It's like im obsessed. I just know that this baby will be so cute, dahil kung hindi si David ang paglilihian ko, si mommy. in a few weeks malalaman na ang gender ng baby namin, David wants a girl, sabi nya he wants a little me, habang ako naman gusto boy, hindi kami magkasundo, but as long as the baby is healthy it's fine.

We're planning to host a gender reveal party, with our close family and friends, hindi ko pa alam kung kailan since he still needs to check his schedules, nagseselos na nga ako sa laptop nya dahil lahat ng atensyon nya ay nandun, as much as possible hindi na sya naglala-labas at nag m-meet up ng kliyente.

Maya maya pa ay naka alis na si David, I was wearing my good old panjamas and big t shirt my hair tied up, wearing my glasses.

I went downstairs to get water, hindi ko namalayan na meron palang mga importanteng tao sa baba, kaya pala gayak na gayak si mommy kanina?

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at pumunta sa kusina, nakita ko si ate Jenny na nag pupunas ng counter top.

"Hi Ma'am! Blooming ikaw ah, feeling ko babae baby mo!" Sabi nito.

"Baliktad kayo ng hula ni kuya Bert, sabi nya lalaki, kasi daw nga blooming ako" sabi ko naman at umupo sa may bar chair.

"Basta Ma'am, cute talaga yang baby mo, pogi pogi ba naman ni sir David ang bait bait pa!" Sabi saakin.

"Pwede bang saakin naman ang credit ate? Lahat kayo kay David naka tingin eh" sabi ko.

"Naku Ma'am syempre naman!" Sabi nito.

"Ang bilis noh? Parang kailan lang kararating ko lang dito, then ganito na, ate? Tingin mo malungkot sila Mama at Daddy kasi magkaka baby ako ng hindi pa ako kasal?" Tanong ko.

"Well, sa palagay ko ma'am oo, kasi syempre mahal na mahal ka nyan nila Ma'am Irene at Sir Greggy, pero ayan ang tadhana mo Ma'am eh, pati hindi mo naman ikababawas yun kasi alam ko naman na dun din ang punta nyo ni Sir David, sa nakikita naming pag aalaga sayo ni Sir David alam namin na kayo na You talaga ang magkakatuluyan nyan, pati madaming dahilan Ma'am, kasi magkaka baby na kayo eh, kaso lang nung nalaman daw ni Ma'am Irene na buntis ka, nakita daw yan nila Maya na umiiyak, natatakot daw na baka mapatulad sa kuya Alfy nyo, kawawa daw yung baby" sabi saakin ni ate Jenny.

I understand my mom, kahit ako natatakot padin, yet this is my faith, dito ako nilagay ng Diyos. We will just try our best in everything, the best that we can do to be parents for our little bundle of joy.

Fast forward

Kakatapos ko lang maligo when my tummy started hurting, akala ko it was just the baby but then, there's blood.

"MOMMY!" I screamed.

I started panicking and crying seeing the blood on the floor.

"Anak? Did I heard you screa-" hindi na natapos ni mommy ang sasabihin nya dahil sa nakita nya, I was holding on a small cabinet why blood continuesly flows.

•••

"Im sorry but, wala na ang baby mo" sabi saakin ng doctor.

Para akong nabingi, hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan ko.

"Im so sorry for your loss Ms. Araneta" sabi pa saakin ng doctor.

Tila hindi nag s-sink in saakin ang mga naririnig ko, nakatitig lang ako sa pader, hinang hina.

David's point of view

I was holding my tears, seeing Gia like this, knowing this kind of news makes me and her weak.

I hugged Gia tightly, ramdam ko ang paglabas ng doctor sa room kung saan naka admit si Gia.

At hindi na ako nakapag pigil, I know I needed to be strong for her, I silently sobbed while hugging her. It was no one's fault, yet I felt like I failed.

"H-hey, it's ok, im f-fine" mahinang sabi ni Gia saakin as she held my arm.

"Im sorry, I know I need  to be strong for you, for us yet you're still the one who's comforting me, im sorry Gia" sabi ko as my sobs loudens.

"Shh, it's not your fault, it's no one's fault" sabi nya habang umiiyak.

I got up and wiped her tears, I kissed her forehead while tears continuesly ran down from my eyes.

"We'll be ok" mahina nyang sabi.

Gia's point of view

It's been a week since my Dilation and Curettage surgery has been done, hindi ako naglala-labas ng kwarto ko, David has been back to work because of an important case that he needs to handle, my niece and nephews wanted to see me kaso, hindi ako pumayag, what happened was still so fresh to me.

Dati wala naman  akong paki alam sa mga random babies na nakikita ko online and also mga kids, pero ngayon, nalaka sensitive ko, iniiyak ko lahat kasi sobrang sakit, I expected everything, kahit na hindi namin plinano yun we embraced it. Ni hindi ko manlang nalaman if it's a boy or a girl, andaming tumatakbo sa isip ko, yung naging name nya. What he/she like, who he/she looks like.

Thought like those ran in my head until I fell asleep.

David's point of view

I just got home, I bought Panda Express for Gia as a pasalubong, I went inside our room and she was sleeping, these past few days, laging ang aga aga nya matulog, tinatanong ko kayla tita Irene kung kumakain ba sya ng maayos, o lumalabas manlang, pero hindi daw, sa ngayon si tita at si tito lang ang kinakausap nya pati ako, kahit mga kapatid nya hindi nya pa nakaka usap, seeing how much this affected her, us, hurts me. And hindi ko ma-imagine how much it's hurting her too.

Amando FamiliaWhere stories live. Discover now