Veintitrés (DNA)

740 52 13
                                    

Gia's point of view

"Ano bang tinatago nyo sakin!? Abuela gulong gulo na ako!" Sabi ko.

"Apo kumalma ka" sabi ni Abuela.

"Pano ako kakalma?" Tanong ko.

"Abuelo magsalita ka! Please" pilit ko dito.

"Walang katotohanan yung sinasabi nila, wag kang maniwala" sabi ni Abuelo.

"Pero san nangaling yun? Bakit may mga ganung nagsusulputan nalang bigla bigla?" Tanong ko.

"Maniwala ka sakin, wag mo nalang pansinin yun kasi none of it is true" sabi sakin ni Abuelo.

"Ganun ganun nalang? Abuelo you're not like this! You'd take control agad bakit sinasabi mo sakin to!" Pasigaw ko pang sabi.

"Ano bang magagawa ko? Hija you need to understand na time changes and I do also" sabi nito.

"This is nonsense!" Sabi ko at tsaka padabog na umalis.

Fast forward

"Dad, they won't do anything!" Sumbong ko.

"And what do you want me to do? Hindi ko kontrolado ang mga utak nila, baka kapag ako ang gumawa isumbat nanaman nila na pinapakielaman ko ang buhay mo" sabi nito.

"You should! Tatay kita! You have every right" sabi ko habang paiyak na.

"Saan kaba natatakot? Sabihin mo sakin" tanong nya.

"Kasi pakiramdam ko may tinatago nga saakin si Abuelo, dad natatakot ako, natatakot ako na baka totoong hindi ako Elizalde" sabi ko at tuluyan nang umiyak.

Irene's point of view

"Kasi pakiramdam ko may tinatago nga saakin si Abuelo, dad natatakot ako, natatakot ako na baka totoong hindi ako Elizalde" rinig kong sabi ni Gia.

Ano? Anong hindi sya Elizalde?

"Ma? Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ni Luis.

Hinila ko naman si Luis sa isang guest room

"You tell me, what I heard, anong hindi Elizalde si Gia?" Tanong ko.

"Ma, may tumawag nga kay Gia ganun yung sinasabi na hindi sya Elizalde and wala daw ginagawa yung lolo Hugo nya about dun" sabi saakin ni Luis.

"Kung hindi sya Elizalde, ampon sya? Hindi sya anak ng daddy mo? Eh asan yung anak nila ni Nadia?" Tanong ko.

"Ma hindi pa namin alam kung totoo yun, although si kuya Alfy gusto nya ipa dna is Gia at si Daddy" sabi ni Luis saakin.

"Ng palihim? Nasisiraan na ba ang kapatid mo ng ulo akala ko ba't business ad ang tinapos nya, kailan pa sya naging private investigator" sabi ko.

"Simula nung pinaghihinalaan nya na anak mo hindi po talaga anak ni tita Nadia si Gia at posibleng anak nyo talaga sya ni Daddy" sabi ni Luis.

"Ano na bang nangyayari sa kapatid mo? That's impossible" sabi ko.

"Sinabi ko din yan, hindi naman nakikinig eh lagi syang "malakas ang feeling ko about dito" about how you Gia have the same mannerisms and how you talk and how the both of you does look like a little bit, and alam mo ma, yung tumawag kay Gia never sinabing ampon sya or hindi sya Araneta sinasabi lang na hindi sya Elizalde eh" sabi nito.

"Well, it could be just a coincidence. Sabihin mo kay Alfonso ikalma nya, hindi teleserye ang buhay natin para mag assume at umarte sya ng ganyan" sabi ko at tsaka umalis.

Alfonso's point of view

"Lagot ka kay mommy, kung ano ano daw pinag gagawa mo, masyado ka nga kasing praning eh, chill ka lang" sabi saakin ni Luis.

"Luis, kung hindi ako kikilos sino? Sa ganyang akto ni daddy hindi kikilos yan. Hindi nya para pakielaman o pag hinalaan, isipin mo nalang kung gaano magiging masaya si mommy if napatunayang ko na si Gia at si Celest ay iisa lang" sabi ko.

"Eh imposible nga yang iniisip mo, kuya patay na si Celest! Diba sa hospital! Wag mo na silang paasahin" sabi nito.

"Bahala ka, basta im doing this for us, for Gia at sa ikakatahimik nya" sabi ko at umalis.

Luis's point of view

Bakit ba lahat nalang nag w-walk out? Ang a-arte nila akala mo naman, wala na akong ginawa kundi mag kwento ng mag kwento, baka hindi na ako paswelduhin kasi pinapairal ko nalang eh yung kadaldalan ko. Sisihin ng mga magpapa sweldo sakin sarili nila, sakanila ako nakamana ng kadaldalan eh, lalo na nanay ko.

I decided to go to a near by cafe para magkape, malamang alangan namang i-chismis ko sa barista yung mala teleserye na nangyayari sa pamilya namin diba?

I saw a familiar figure si sir Javier ba yun? Ano ginagawa nya dito?

"Just keep doing your job, dyan hihina si Gia, alam kong walang magagawa si papa, dapat malaman ni Gia na hindi sya Elizalde, at lalong hindi talaga sya anak ni Nadia" rinig ko.

"One caramel macchiato for Luis!" Sigaw ng barista.

Agad naman akong lumapit, so totoo na hindi sya Elizalde, at hindi sya anak ni tita Nadia? At si sir Javier ang nagpapatawag kay Gia?

I can't absorb kung ano yung mga narinig ko kanina, I just know I need to leave immediately kasi baka makita pa ako dito, I left the coffee shop and went straight to Alfy's office

Alfonso's point of view

"What? See! Sabi ko sayo ikaw lang naman ang ayaw maniwala, we need to tell dad about it ngayon na!" Sabi ko.

Luis overheard Javier Elizalde, na may kausap sa isang coffee shop, at nanggaling mismo sakanya na sya ang nagpatawag kay Gia, oh that bastard, may araw din yung lalaking yun.

We went to dad's office and immediately told him about it, my dad couldn't believe nakita ko ang panghihina nya.

"Hindi ko anak si Gia?" Tanong ni dad.

"Magpa DNA test kayo dad para ma sure mo, we need to tell Gia immediately" sabi ko.

"Kung hindi sya anak ni Nadia, hindi ko sya anak!" Malakas na sabi ni daddy.

"No! Hindi mo pwedeng sabihin yan, dad can you please just try, try to take a DNA test you also need to consider the fact na never sinabi nung tumawag kay Gia na hindi mo sya anak, we need to look at every possibility here, kasi kapag hindi we might loose her, and I do not want that" sabi ko.

"Alfy's right dad, and we also need to tell her immediately, mas hindi healthy para saatin kung itatago natin to' sakanya" sabi ni Luis.

Amando FamiliaWhere stories live. Discover now