Veintiocho (Critical)

573 45 0
                                    

"Greg, ayaw kong nagbibiro ka" sabi ko.

"Seryoso ako, im really really sorry nakalimutan ko talaga, sobrang gusto kong maalala ang pangalan mo, pero hindi ko magawa" sabi nya.

"It's fine and it's Irene my love, my name is Irene" sabi ko at hinawakan ang mukha nya.

"Lalabas lang ako to get something, sandali lang" sabi ko.

Binilisan ko ang pag labas at bumungad sakin si Gia

"Ma? Why are you crying? Ano nangyari?" She asked.

"Nothing love, wala, wala to' just tired, pumasok kana muna sa loob ok?" I said.

"No, why are you crying, tell me ma" pilit nito.

"Im fine, sige na anak, samahan mo na ang daddy mo sa loob" sabi ko.

Fast forward

"Hindi ko na alam ang gagawin ko manang, para akong nasaksak sa narinig ko" sabi ko habang patuloy na umiiyak.

"Ading, kailangan mo magpakatatag, magpalakas! Hindi magugustuhan ni Greggy na nagkakaganyan ka dahil sakanya, at hindi masusulusyunan ng pag inom yang problema mo kaya itigil mo na yan" sabi ni manang Imee.

Hindi ako sumagot at umiyak lang ng umiyak habang hawak ang isang glass ng wine.

"Ayaw ko ikumpara pero, tingnan mo ako, kahit wala akong asawa nakakaya ko lahat, para sa mga anak ko Irene, at alam kong kaya mo din, magpakatatag ka para sa mga anak mo, lalo na kay Gia, kailangang kailangan ka nya ngayon, at kailangan mo din sya, sila Luis at Alfonso, hindi ka nag iisa Irene, basta mag dasal lang tayo, gagaling si Greggy" sabi ni manang.

"Pero manang hindi tayo magkatulad, hindi ako kasing tapang mo" sabi ko at patuloy na umiyak.

"Ano kaba, ikaw pa? Alam kong mahirap tong pinag dadaanan mo ngayon, at halos naka depende ka talaga kay Greggy pero kailangan mo lumaban, kasi kung hindi, sino? Sino ang lalaban para sainyo?" Tanong saakin ni manang.

What's she's saying to me sure does make a lot of sense, nakakaya nya lahat para sa pamilya nya.

Matagal nang walang asawa si manang, pero kinakaya padin nya, pero ako? Hindi ko kaya nang wala si Greggy, he's all I ever known.

Hindi ko sya masisi minsan kung pakiramdam nya, sya ang pinaka pinagkaitan, wala syang asawa, nawalan sya ng anak, wala sya sa tabi ni daddy nung nawala ito. Kaya sa totoo lang, ang sobra sobrang pagmamahal na kaya kong ibigay, sakanya ko binibigay. Sobra akong saludo sa katatagan nya, she's our protector, advisor, our super ate. Hindi nya deserve ang kahit ano mang sakit na nararamdaman nya, hindi namin alam ni Bonget ang buhay kung wala si manang Imee, kawawa kaming lahat kung sa loob ng nalaka daming taon hindi lumaban si manang.

Fast forward
Alfonso's point of view

"I'll be fine, madali lang yun wag kana nag alala sakin" sabi ko kay Mavs.

"Pano si Andy? Pano ako?" Tanong nya.

"Nak nam, para namang mamamatay na ako nyan, wag naman ganun, di pa ako pwede mamatay, pakakasalan pa kita" sabi ko at kinindatan si Mav.

Kumunot naman ang kilay nya

"Hm! Dun ka na nga corny mo" sabi nito at nag walk out.

Ako pa nga naging corny.

Fast forward
Gia's point of view

It's been 1 weeks and kuya's getting ready for the operation, naging busy naman kami ni kuya Luis sa work dahil kami ang sumalo ng lahat ng trabaho ni daddy at kuya Alfonso.

There are days na gusto nalang namin tumigil eh, pero hindi pwede. Legacy ng dad ko ang pinag uusapan dito, hindi namin.

"Sige, set the meeting nalang mamayang six thirty pero hindi ako pwede nag OT ha? Pupuntahan ko si daddy- ay Rhenz please paki kuha naman ng schedule ni daddy kay Maureen, si kuya Luis ba umuwi na? kung hindi pa paki bigay sakanya yung natitirang irereview na papers" utos ko kay Rhenz.

"Copy ma'am" sabi ni Rhenz.

Napa sandal naman ako sa swivel chair dahil sa pagod. Kulang nalang dito ako sa office matulog dahil sa sobrang daming gagawin, gusto ko magpahinga, pero hindi ito yung time para dun, im sure magagalit saakin si mommy dahil sa pinag gagawa ko, kaso she's been so focus kay daddy na pati sa sarili nya nawawalan na sya ng time, nag hire na kami ng dalawang private nurse na mag aalaga kay daddy para kahit papaano makapahinga sya pero, hindi naman sya nakikinig.

Fast forward
Gia's point of view

"Your dad's condition is getting worse, kung patatagalin pa natin baka hindi na kayanin ng papa mo, kailangan na nating agad agad operahan sya" sabi ni doc Juancho.

"Then gawin nyo na lahat ng makakaya nyo! Tawagan na natin si kuya Alfy!" Sabi ko.

"mamayang midnight we'll do the operation, your dad is in good hands Gianna" sabi ni doc Juancho.

"As he should be" sabi ko.

Fast forward

Kasama kong nagdadasal si mommy sa chapel sa loob ng hospital, I can see the pain, and tiredness in her.

Kuya Alfy and dad is currently in the surgery room, we kept praying for their safety.

Nilapitan ko si mommy at niyakap ko sya

"Everything's gonna be okay, they're gonna be ok" sabi ko.

"I hope so, sa totoo lang Gia pagod na pagod na ako, I've never been this tired in my whole life" sabi ni mommy at humagulgol ulit ng iyak.

"Shh, andito ako mommy, alam kong pagod kana but we have to fight, pagod tayong lahat, I understand pero kung hindi tayo ang lalaban para sa pamilya natin sino? Pagod tayo, pero may mas pagod saatin" sabi ko.

She hugged me tight, tumatakbo naman na pumunta saamin si kuya Luis, halatang natataranta.

Kumalas ako sa pagkakayakap ni mommy

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko.

Hindi makasagot si kuya Luis.

"Hey! Speak up! What happened!?" Natatakot kong tanong.

Agad kaming tumakbo ni mommy sa labas ng operating room nila daddy.

"Nurse? Anong nangyayari?" Tanong ko.

"Ma'am, kabilin bilinan po ni doc na sya daw pi mag e-explain sainyo" sabi ng nurse at umalis.

Maya maya ay lumabas si doc Juancho

"Doc? Anong nangyayari?" Tanong ko.

"Critical na ang condition ng dad mo, pansamantala naming itinigil ang operation dahil kung itutuloy namin mawawalan sya ng vitals" sabi saamin ni doc Juancho.

Hindi naman na ako naka imik, hindi ko alam ang iisipin ko, ang gagawin ko, at kung may magagawa pa ako, alam kong ginagawa naman nila lahat pero pakiramdam ko may kulang pa.

Amando FamiliaWhere stories live. Discover now