A/N: My first tagalog story! please support!
Alena POV:
''ALENA!!!!! GUMISING KA NA DYAN!! MALE-LATE KA NA!" Sigaw ng nanay kong nagger.
*ugh* ouch sakit ng ulo ko... nasobrahan 'ata ako ng pagba-basa kagabi.
"ALENA!!ANO BA?!" Sigaw ulet ng nanay ko.
Ang aga-aga ang ingay -ingay... tumayo na ko, nag-stretching muna nang konti... inat sa kanan... inat sa kaliwa.
"Andyan na po!" Mabilis kong inayos ang mga gamit kong naka-kalat sa sahig, libro, laptop ng ate ko na hindi ko pala na-off oopsss patay, ang pinaka-mahal kong ballpen oy!friction pen 'to no, mga papel na ginawang scratch paper, basura ng mga chi-cha, putek ang kalat! parang hindi babae nagka-kwarto, yari na naman ako nito kay nanay...
"ALENA!ISA PANG TAWAG KO SAYO MAY SIPA KA NA!" Tawag ulet ng nanay ko...and this time i'm sure, aakyatin na nya ako.Nagmadali akong linisin ang kwarto ko...well actually...partly, sinipa ko lang kase sa ilalim ng kama ko yung mga basura at ibang mga libro na hindi ko dadalhin sa school. Mamaya ko na lang lilinisin. :P
"Taray ha, nagmamadali?" Oh! di ba nag-joke pa ko... tiningnan tuloy ako ng masama ng ate ko. "Joke!!!!vice ganda lang ang peg." Sabay ngiti ko at umupo na para kumain. Pagkatapos ko mag-sandok dinala ko yung pagkain ko sa sala para manood ng "umagang kay ganda" oh yes! maka-channel 2 kase ako, at hindi yon matitibag! Guest sa "UKG" (Umagang Kay Ganda) si Charice Pempengco eh... manonood talaga ako, grabe kase yung boses nya! nagta-tayuan mga balahibo ko kapag napapanood and at the same time naririnig ko siyang kumanta. Especially, kapag napanood mo yung jaw-breaking performance nya sa STAR KING sa South Korea, GRABE! MAGIGING PROUD KA... OA ba? well that's me eh.
"Sige manood ka pa..." Sita ng ate ko. 6:30 am na kase and ang klase ko 8:00 am kung susumahin kasya lang ang one and a half hour para sa kilos ko at byahe papuntang school.
"Saglit lang... guest si Charice eh." Sabay puppy eyes.
"Ang pangit mo." Kantiyaw ng ate ko saken sabay tawa.
"Nag-salita." Banat ko at nag-patuloy akong manood, kinanta ni Charice yung pusong bato... ayoko ng kantang 'yon para saken kase ang pangit ng lyrics(PLEASE DON'T BE MAD IT's MY OWN OPINION) but nung si Charice na yung kumanta Keri lang pakinggan. Hindi rin ako kuntento na nanonood lang kailangan may reaction, kaya naman react ako ng react. "Grabe!ang ganda talaga ng boses nya...grabe!" and because of this....
"Ale! ang ingay mo!" Oh! di ba? another sita? :)
"Sorry..." :P
WHOOOPS! let me say this first, hindi po ako singer... frustrated pwede pa, ewan ko ba kung bakit hindi ako biniyayaan ng magandang boses...hai...pero sabi nga nila you can't have everything..wew.. pagkatapos ni Charice, Kumilos na ko ng mabilis...6:45 am na! Mabilis akong naligo sabay na rin ng toothbrush, mabilis na punas sa katawan, bihis ng uniform, patuyo ng hair and BWALA! Ready for school! 7:30 am na! sakto! may oras pa para sa byahe...maaga pa ko nito.!
"NAY! alis na 'ko." Paalam ko.
"Sige ingat." Sabi ni Nanay, kahit na two words lang yon, masaya ako kapag naririnig ko 'yon kaya hindi ko nakakalimutang mag-sabi na aalis na 'ko dahil feeling ko safe talaga ako kapag naririnig ko yung two words na 'yon. As always, pag-labas ko ng gate namin ang tingin nang aming mga kapit-bahay sa akin ay mula ulo hanggang paa. Sanay na ko, lagi naman ganon, pero minsan din nahihiya ako since na parang kinikilatis nila yung suot kong damit. hai...nakalagpas din...
Ok now..since na nasa byahe na 'ko, let's do the introduction......
Ako nga pala si Alena Cademar, 16 yrs. old at 4th yr. student sa Mababang Paaralan ng St. Nicolas and i'm proud to say na running ako for VALEDICTORIAN ng batch namen. Favorite ko lahat ng subject pero hindi masyado ang math. sus me,! sino bang may gusto ng math? :D active din ako sa mga academic activities, Sports writer ng School Newspaper, President ng Supreme Student Goverment o mas kilala bilang Student council, lumalaban din ako sa mga quiz bee mapa-division o regional level pa, ilang beses na rin akong nag-akyat ng karangalan sa school namen...kaya nga laging naka-tarpaulin yung pagmu-mukha ko sa gate ng school namin ang tendency tuloy lahat ng mga students sa school namin kilala ako mapa-freshmen,sophomore,junior and lalo na mga seniors. Active din ako sa non-academics o extra-curricular activities I'm a ASST. RADIANT LEADER of ROVER SCOUTS. Minsan nga iniisip ko, napapagod kaya ako?XD

BINABASA MO ANG