LINGGO ng hapon. Pumasok si Ruby sa kwarto nila sa dorm at nadatnan niyang nagsasalamin si Josel. Titig na titig ito sa sarili at mababakas sa mukha nito ang disgusto. Tila ba nandidiri ito sa sarili.
Bumuntong hininga siya saka ito nilapitan. "Josel?"
Napasinghap ito saka humarap sa kanya. "Oy, Ruby, nand'yan ka na pala?" Her voice sounded weak, hindi tulad ng dati na buhay na buhay.
She frowned. In-examine niya ang mukha nito, pagkatapos. Namumutla ito!
Muli siyang bumuntong hininga. "Josel, kumain ka ba kanina?"
Josel flinched. "Ah? Eh? Oo naman! Nag-Jolibee ako kanina! Ang dami ko ngang nakain, eh," sagot naman nito. Her tone was quite defensive.
Her eyes squinted. "Kung nag-Jolibee ka, ano'ng binili mo? At magkano? At nasaan ang resibo?"
Napamaang ito, marahil ay dahil hindi nito inaasahan ang pagiging persistent niya.
Niyaya niya itong umupo sa isang monoblock chair. "Josel." Tinapik niya ang balikat nito. "May problema ka ba?"
Napaiwas lang ito nang tingin. Nakakagat labi pa nga ito at nang tingnan pa niya ang kamay nito, nakita niyang may mga random gesture itong ginagawa. Nanginginig din. Doon pa lang, alam niyang may tinatago nga talaga ang kaibigan pero hindi pa ito handang magsalita.
Bumuntong hininga siya saka kinuha ang isa pang upuan at pinuwesto sa harapan ni Josel bago umupo roon. Tuloy, para silang nagka-counselling.
"Josel," hinawakan niya ang mga kamay nito, "hindi pa ako ganap na Psychologist pero I know na matutulungan kita sa kung anuman ang problema mo. We are friends, right? Matagal na tayong magkasama at magkakilala kaya bakit hindi mo ikwento sa akin kung anuman ang bumabagabag sa iyo."
Josel was once again reluctant. Her lips remained sealed while she was looking down on the floor. However, Ruby could feel Josel's melancholy. Any moment, Josel would burst out crying, she predicted.
Pinisil niya ang kamay nito. "We are friends, right? Come on, Josel, spill it out," malumanay na aniya, sounding like how a mother console her problematic child.
So, her gut-feeling was rather prophetic. Bigla na lamang humagulhol ng iyak si Josel.
"Ruby, bakit ganoon?" saad na lamang nito. "Bakit ang pangit ko?"
Natigilan na lamang siya saka napakunot ng noo. "Ano?" Since kailan naging ganito kung magsalita si Josel?
"Ang pangit-pangit ko," palahaw ng kaibigan niya. "Kahit ano'ng pilit ko, hindi ko magawang maging maganda kahit wala akong make up. Ang dami kong pimples. Ang itim ko. May mga barya pa ako sa binti. 'Buti na lang, sabi nila, sexy raw ako but still, bakit hindi ako katulad ninyo ni Michelle na effortless ang ganda?"
Napamaang siya. Iniisip niya iyon? "Kailan ka pa naging ganyan, Josel?" hindi niya namalayang nasabi niya nang malakas. "I mean, dati ka pa nai-insecure sa amin ni Michelle?"
Tumango ito.
Napalunok siya. "S-Since when?" sabi niya ulit.
"M-Matagal na rin. H-Hindi ko na matandaan."
Bumuntong hininga siya saka hinawakan ang balikat nito. "Josel, dinadamdam mo ba 'yung pang-aasar namin sa iyo ng hipon?" She crossed her fingers. Please, don't tell me, 'yung pang-aasar namin sa kanya na hipon siya saka negra, dinidibdib niya iyon?
Totoong maitim si Josel at natural nito iyong kulay. Pagdating naman sa itsura, hindi naman talaga pangit ang dalaga. Maganda naman ito. Ang ganda nga ng ilong nito. Ganoon din ang mata. Katunayan, isa si Josel sa mga kilala niyang gumanda lalo dahil sa eyebags. Marami lang talaga itong pimples at hindi maganda ang buhok.
BINABASA MO ANG
On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]
Teen Fiction[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite some time, at idinadaan ng binata sa pang-aasar sa dalaga ang mga da moves nito. Katwiran kasi'y doon din naman nagsimula sina Dylan at Mic...