"ANG laking hipon naman niyan?" bulalas ni Ruby nang makita ang isang pinggan ng sugpo na ipinatong ni Michelle sa harapan nila. "Hiiipooowwwn na yata iyan." Pinalaki niya ang boses.
"Gaga, sugpo iyan," pagwawasto naman ni Michelle.
"Hindi kaya!" hirit naman ni MJ. "Alam n'yo kung ano ang tawag d'yan?"
"Ano?" sabay-sabay nilang turan.
"RJ." Humalagpak ito nang tawa. "RJ ang tawag d'yan, kalahi niya iyan, eh."
"'T*** i** mo," walang kagana-ganang sagot ng kakambal nito. Halata sa mukha ni RJ na wala ito sa mood. Natahimik tuloy si MJ.
Magkakasama silang anim sa bahay ni Michelle. Birthday kasi ng mama nito at may kaunting handaan.
Nagsimula na silang kumain.
"Ang sarap naman ng caldereta, Mich!" kumento ni Ruby habang nilalantakan ang pork spareribs na ginamit na laman ng nasabing putahe. "Tagos hanggang buto 'yung lasa. Ano'ng sekretong pampalasa n'yo dito?"
"Secret! Kaya nga sekreto, 'di ba?" Tumawa ito. "Joke lang. Vetsin lang iyan tapos nilagyan namin ng gata 'yung sabaw para mas masarap."
"Sekreto daw, sinabi rin naman?" she murmured. "Ganoon lang pala iyon? Ang sarap talaga, promise." Muli siyang sumubo ng kanin.
Ibinaling ni Michelle ang tingin kay Josel at napansin nitong hindi nito ginagalaw ang pagkain. "Uy, madam, kumain ka kaya?" Dahil unfair naman kung sila lang ang may petname, nagdesisyon silang madam ang itawag kay Josel. Mula iyon sa apelido nitong Doña.
Josel flinched saka umiling. "B-Busog ako, eh." Napaiwas ito nang tingin.
Nagkatinginan sila ni Michelle; iisa lang ang laman ng isip nila. Nitong nakakaraang araw kasi'y napansin nilang parang hindi halos kumakain ang kaibigan.
"Josel, nagda-diet ka ba?" tanong niya rito. "Bakit parang recently, hindi ka yata nagkakakain?"
"Diet? Bakit naman ako magda-diet?" medyo defensive ang pagkakasabi nito.
Nagkibit-balikat siya. "I don't know pero para ka kasing—"
"Hindi ako anorexic!" Bigla itong tumayo. "Sige, aalis lang muna ako. Ano... maglalakad. Maghahanap ng pogi." Umalis ito.
Sinundan nila ito ng tingin. Josel didn't sound enthusiastic kaya sigurado siyang hindi ito magbo-boy hunting. Sadyang iniiwasan lang sila nito.
"Guys, ano'ng nangyari doon?" nagtatakang tanong ni Kenneth sa kanila.
Ruby sighed. "Hindi pa ako graduate ng Psych pero feeling ko nagkakaroon ng anorexia nervosa itong si Josel. Recently kasi, ayaw niyang magkakain, lagi siyang tahimik at nagkukulong sa banyo. What's funnier kapag wash day, lagi siyang nakaharap sa salamin. Parang conscious na conscious siya sa itsura niya."
Ibinaling ng mga lalaki ang tingin kay Michelle, asking for confirmation.
Tumango ang dalaga. "True 'yon, guys pero mukha namang hindi niya pinapasuka ng pilit 'yung sarili niya kasi wala namang ingay sa banyo kapag nagkukulong siya doon."
Tumangu-tango si Kenneth. "Nakakaalarma naman. Natatakot ako para kay Josel, ay. Bakit naman kaya siya nagiging ganyan?"
"Ewan ko ba pero feeling ko 'yung pang-aaasar natin sa kanya 'yun. Remember, tinatawag natin siyang hipon minsan?" saad niya habang nakatingin sa sugpo. "What if dinadamdam pala niya iyon, hindi lang niya sinasabi?"
Michelle sighed. "Mabuti pa, sundan ko na lang si Josel. Kausapin ko?"
"Wait, Mich," pigil niya rito. "Ako na lang siguro. May mga bisita pa kasi kayo. Saka Psych naman ako, mas maalam ako pagdating sa ganito."
BINABASA MO ANG
On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]
أدب المراهقين[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite some time, at idinadaan ng binata sa pang-aasar sa dalaga ang mga da moves nito. Katwiran kasi'y doon din naman nagsimula sina Dylan at Mic...