KINABUKASAN, wala nang ulan pero malaking bahagi pa rin ng Bataan ang walang kuryente. Tuloy, napasugod sina Ruby at ang kambal sa bahay ni Kenneth para tumambay roon maghapon.
"Oh, bakit kayo narito?" takang-takang tanong naman ng binata. Hindi kasi ito informed.
"Makiki-wifi lang," prangkang pag-amin ni RJ. Dahil wala talaga itong hiya, pumasok ito sa loob ng bahay kahit hindi pa iniimbita, umupo sa sofa at nilabas ang Samsung S4 sa bulsa para makapag-internet na.
"Ang kapal talaga ng mukha ng kakambal mo kahit kailan," bulong ni Ruby kay MJ. Tapos, hinarap niya si Kenneth. "Bumibisita lang po kami. Wala po kasi kaming magawa, eh. Okay lang po ba?" Sinadya niyang magsalita na parang batang paslit.
Natawa naman si Kenneth. "Ang cute mo, Ruby. Bagay talaga sa iyong magganyan. Haha!" Umusog ito para patuluyon sila.
Medyo nag-blush naman siya sa sinabi nito.
Tapos, pumasok an sila at umupo sila sa sofa.
"Guys, gusto n'yo ng lomi?" alok ni Kenneth. "Nagluto ako."
"Naks, iba talaga itong si Kenneth. Pwedeng pwede nang mag-asawa!" hirit ni MJ.
Noon pa man ay alam na nilang marunong talagang magluto si Kenneth. Ayon nga rito, noong bata ito, pangarap nitong maging chef kaya in-enroll ng mga magulang sa cooking class hanggang sa manawa ito at nangarap na lamang maging isang programmer. Kaya ngayon, tinatapos nito ang kursong Information Technology.
"Sige nga raw, Kenneth, pahingi kami," ngingiti-ngiti naman niyang sabi rito. "Tingnan natin kung masarap ba ang lomi mo."
"Sige, hintayin n'yo na lang ako rito." Nagtungo na ito sa kusina para ihanda ang meryenda nila.
"Hindi man lang ba natin tutulungan si Kenneth?" tanong ni Ruby sa kambal.
"Huwag na. Si Kenneth lang 'yun. Mabait naman iyon," ani RJ habang kinakalikot nito ang cell phone.
Samantalang, wala namang imik si MJ dahil maging ito'y abala sa pagwa-wifi.
"Walang hiya talaga ang dalawang ito kahit kailan." Napaikot na lamang siya ng mga mata. "Basta, ako, tutulungan ko si Kenneth." Hindi na niya hinintay na sumagot ang mga ito dahil agad niyang sinundan si Kenneth.
Nadatnan niyang nagsasandok si Kenneth ng lomi mula sa isang kaserola.
Nang makita niya ang itsura ng lomi, halos maglaway siya. Itsura pa lang kasi'y katakam-takam na.
Lumapit siya rito. "Uy, mukhang masarap iyang lomi mo, ha?"
"Ay, p****g—" Pinigilan ni Kenneth na mapamura dahil sa gulat. "Nagulat naman ako sa iyo, Ruby," ngingiti-ngiting anito.
"Grabe, ha? May nakakagulat ba sa ginawa ko?"
"Bigla ka na lang kasing sumulpot."
"So, mushroom ako, ganern? Ganda ko namang mushroom."
"Wala naman akong sinasabi, ha?" Tinakpan ni Kenneth ang kaserola. "Gusto mo ba ng sawsawan?"
"Toyo-mansi sawsawan nito, 'di ba?"
Tumango si Kenneth. Tapos, kumuha ito ng mangkok at kubyertos sa tauban ng plato.
"Sige raw. Meron na bang naka-ready? Ako na lang maghihiwa ng kalamansi," pagboboluntaryo niya.
"Ah, sige. Nasa ref, doon sa drawer sa baba 'yung kalamansi."
Natawa siya sa term nito. "Drawer talaga, Kenneth?"
Lumapit siya sa refrigerator na nasa gilid ng sink at kumuha ng kalamansi sa pinakailalim na compartment. Hiniwa na rin niya iyon pagkatapos habang si Kenneth naman ay nagtitimpla ng iced tea.
BINABASA MO ANG
On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]
Ficção Adolescente[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite some time, at idinadaan ng binata sa pang-aasar sa dalaga ang mga da moves nito. Katwiran kasi'y doon din naman nagsimula sina Dylan at Mic...