Chapter Fifteen

1.9K 55 0
                                    

Lumala ang dysmenorrhea ni Ruby. Nakaranas na rin siya ng pagsusuka at pamamanhid ng kalamnan. Tuloy, napilitan ang nurse na isugod na siya sa pinakamalapit na ospital.

Injectable contraceptive  ang binigay na lunas sa kanya. Dahil injectable naman nga, mabilis niyang naramdaman ang epekto. Mga thirty minutes lang, halos kurot na lang ang sakit na naramdaman niya.

 "Take a lot of rest saka apply hot compress din. Wala ka naman nang iinuming gamot kasi okay na 'yung tinurok sa iyo," sabi ng doktor sa kanya. Sinabihan din siya nito na magdala parati ng pain killer para hindi na maulit ang nangyari sa kanya.

Pagkatapos, bumalik na sila ng Letran. Syempre, para hindi na siya mapagod, dineretso na siya sa dorm.

"Narinig mo 'yung sinabi ng doktor, Ruby? Magpahinga ka daw muna, ha? Saka hot compress—ay teka, wala ka palang hot bag d'yan. Pahiram ko muna 'yung sa—"

"Okay na po, Mama Nurse. Meron naman po ako."

"'Yun pala. Buti naman," nakangiting sabi nito. "Sige, hija. Sabihin mo na lang sa mga ka-room mo kapag nagkaroon ng emergency, ha?"

"Opo."

Hinatid muna niya ito ng tanaw bago nagdesisyong pumasok na. Nang paakyat na siya'y nakasalubong niya sina Michelle at Josel.

"Oh my gosh! Si Sapphire!" bulalas sa kanya ni Josel sabay yakap. "Kumusta ka na? Balita ko, lumala 'yung cramps mo?"

"Oo nga, e. Sinugod na kaya ako sa ospital. Grabe na kasi 'yung sakit. Para na akong hihimatayin."

"Hala ka," sabi naman ni Michelle. "Ano'ng ginawa sa iyo?"

"Tinurukan ng gamot. 'Yun, naibsan naman 'yung sakit."

"Tsk, tsk, tsk." Umiling-iling pa si Michelle. "Sabi ko naman sa iyo, magpahinga ka na lang, 'di ba?"

"Oo na po. Huwag mo na akong sermunan. Gusto ko na pong magpahinga."

"Kumain ka na ng lunch?" tanong ulit ni Michelle

"Oo, kanina sa ospital. Binilhan ako ni Mama Nurse ng burger. Saka wala akong appetite kumain, e. Gusto ko lang matulog."

"Ah, sige. Samahan ka na namin ni Josel paakyat, ha?" alok nito.

"Ah, hindi na. Kaya ko naman na." Tiningnan niya ang wrist watch. "Saka male-late na kayo, e. Three minutes na lang, oh?"

"Sure ka, ha?"

"Oo nga!" Kulang na lang ay ipagtulakan na ni Ruby ito. "Thanks sa pag-aalala, by the way. Kinilig naman ako, bae."

"Haha." Hinarap ni Michelle si Josel. "Tara na, Madam." Binigay muna nito ang susi ng kwarto nila kay Ruby saka umalis.

Nang makaalis na ang dalawa ay saka umakyat si Ruby. Sakto namang naitapak na niya ang paa sa second floor nang mahagip nang tingin niya si Kenneth. Palabas ito ng boy's dormitory pero naka-t-shirt lang ito kaya tingin niya'y hindi pa ito papasok.

Well, as if she cared kung saan ito pupunta. Galit siya sa binata dahil sa ginawa nitong pagpatay-mali kanina. Tuloy, hindi siya tumigil at tuluy-tuloy lang na pumasok sa girl's dormitory.

"Ruby," pagtawag nito. "Sandali!"

Napatigil naman siya sa paglalakad bagaman hindi niya ito nilingon.

"Kumusta ka na?" sabi nito nang naramdaman niyang nasa likod na niya ito. "Nabalitaan ko kanina na sinugod ka raw sa ospital?"

Hinarap niya ito. "Wow, buti naman naisip mo ring mag-alala sa akin," mataray niyang tugon. "Hindi tulad kanina na hindi mo man lang ako pinansin noong tinawag kita."

On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon