Back to school na naman. Kahit ba medyo nabitin sa bakasyon, masigla pa ring bumangon si Ruby. Katunayan, siya pa nga ang gumising kina Josel at Michelle.
"Uy, mga bakla, wake up na!" aniya habang tinatapik ang mga pisngi nito. "First day of resumption ng klase. Besides, alam kong pare-pareho tayong eight ngayon!"
Pupungas-pungas namang bumangon ang dalawa.
"Opo, Madam," tamad na tamad na sabi ni Josel. Para itong zombieng dalawang linggong hindi nakakain ng utak kung magsalita.
Samantalang, bumangon naman si Michelle at naghilamos sa banyo.
"Tara na. Kain tayo," aya niya sa mga ito nang matapos siyang magsuklay.
Lumabas na sila. Sakto namang pababa na rin sina Kenneth at ang kambal nang makalabas sila ng girl's dormitory.
Agad na may sumilay na ngiti sa labi ng binata nang makita siya. "Good morning," bati nito sa kanya. Tapos, inakbayan siya nito. "Kumusta tulog mo? Mahimbing ba?"
Napangiti siya sa sinabi nito. Bakit ba ganoon? Kaunting sweetness lang ni Kenneth, abot-langit na ang kilig niya.
"Ehem!" sabi ni Josel na gumising sa kamalayan niya. "May kinikilig na naman. Kaaga-aga." Nginisian siya nito.
"Tse!" Inirapan niya ito saka hinarap si Kenneth. "Ito, okay naman. Medyo nabitin lang ako nang konti sa bakasyon pero keri lang. Ganoon talaga ang buhay. Kailangang mag-aral."
Bumaba na sila at nagtungo sa canteen para um-order ng pagkain. Nang matapos, nagtungo na sila sa paborito nilang pwesto. Of course, si Kenneth ang nagdala ng pagkain niya.
"Thanks, Kenneth." Nginitian niya ito saka umupo na.
Habang kumakain sila, napansin niyang tahimik na tahimik si Michelle. Parang malalim na naman ang iniisip.
Please, don't tell me, si Dylan na naman iyan? Napailing-iling na lang siya. Hindi pa rin kasi nagpaparamdam ang binata. Magdadalawang buwan na rin iyon.
Siguro, pareho sila ng iniisip ni Josel. She snapped her fingers in front of Michelle's face.
"Hoy, Cornflakes!" anito.
Napitlag naman ang dalaga. "Ano ba! Huwag ka ngang manggulat!" medyo asar na asik nito. Pumiyok pa nga ito. Nagtawanan tuloy ang kambal.
"Kasi naman, sabaw na sabaw ka na naman d'yan. Saang planeta ba ng mundo lumipad ang utak mo?"
"Planeta ng mundo?" kunut-noong ani Michelle.
Muling natawa ang kambal. Ganoon din sila ni Kenneth.
"Ay!" Napalo ni Josel ang noo. "I mean, universe! Gad! Sabaw din ako."
"Mukha nga." Inirapan nito si Josel saka muling pinagpatuloy ang pagkain at naging tahimik.
Bumuntong hininga si Josel. "Alam mo, Mich, may mga bagay talagang dapat e kinakalimutan mo na lang. Promise, gagaan ang buhay mo. Tingnan mo na lang si Kenneth. Dati, ayaw niyang nalalamang ampon siya."
Nakita niya sa sulok ng mga mata niyang napitlag ang binata. Then, he made gestures which suggested he was not comfortable with it. Tuloy, hinawakan niya ang kamay nito. When he looked back and asked why, she smiled and whispered, "It's okay, Kenneth. Mahirap lang sa simula pero makakalimutan mo rin yung past mo."
Lumipas muna ang ilang segundo bago ngumiti si Kenneth. "Thanks," sabi nito. "Mabuti na lang talaga nand'yan ka."
At kinilig na naman ang ating bida. "Welcome, Kenneth." Then, she faced the group and noticed that they were staring at them. "Oh, bakit?"
BINABASA MO ANG
On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]
Teen Fiction[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite some time, at idinadaan ng binata sa pang-aasar sa dalaga ang mga da moves nito. Katwiran kasi'y doon din naman nagsimula sina Dylan at Mic...