Sumailalim si Ruby sa x-ray para matingnan kung gaano katindi ang damage ng leeg niya. So far, wala namang nakitang na-damage sa buto niya kaya nasabi ng doktor na strained muscle lang ang nangyari sa kanya. Sinabi pa nga nitong isang malaking himalang ganoon lang ang tinamo niya. Kalimitan kasi'y nako-comatose ang mga sakay ng mga bumaligtad na kotse.
Samantalang, sumailalim naman si Kenneth sa MRI. Dahil grabe ang lagay nito, mas binantayan ito ng mga doktor. Iyon nga lang, syempre, hindi ganoon kadali ang pag-interpret sa nakuhang image mula sa MRI kaya tatagal pa raw ng ilang araw bago masabi kung ano ang kundisyon ng binata.
"Pero 'yung consciousness niya, hindi pa ho natin masasabi kung gaano katagal bago bumalik," paliwanag ng doktor ng itanong ng mama ni Kenneth ang tungkol doon. Naibalik na noon si Kenneth sa kwarto nito at nahihimbing na habang si Rubh naman ay nasa tabi nito. "Sa totoo lang ho kasi, Misis, medyo... hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang lunas sa kundisyon niya."
"Pero ho, 'di ba po may gumaling nang pasyenteng ganoon?" sabat ni Ruby.
"Meron naman, hija, pero hindi maipaliwanag kung paano talaga sila gumaling," magalang namang tugon ng doktor. "Ang masasabi ko na lang ngayon ay bantayan nating mabuti ang pasyente. Hintayin na rin natin ang resulta ng MRI para malaman kung ano ang mga damage niya." Pagkatapos, nagpaalam na ang doktor.
Ibinaling ni Ruby ang tingin sa mama ni Kenneth. She didn't say a word, though. Hindi nga rin niya alam kung bakit iyon ginawa.
Lumapit ito sa kanya. "Ruby, hindi ba dapat nagpapahinga ka?" anito. May halong concern ang boses nito.
"Okay naman po ako. Saka wala po akong kasama sa kwarto ngayon." Iniwan kasi siya saglit ng mama niya para bumili ng pagkain.
Bumuntong hininga ito. "Hija, ano ba kasing nangyari kagabi?"
Actually, nasagot na niya ang tanong nito kanina. May dumating kasing pulis para tanungin sila tungkol sa nangyari kagabi. Of course, umamin naman siya. Sinabi rin niya na kung tutuusin ay kasalanan nila ang aksidente dahil biglang sumakit ang ulo ni Kenneth kaya nawalan sila ng kontrol.
"Alin po ba, Tita? 'Yun pong bigla na lang siyang nawalan ng kontrol?"
"Oo."
Bumuntong hininga siya. "Tingin ko po, may nangyari sa kanya. Alam n'yo po ba 'yung 'thunderclap headache'? Iyon po 'yung bigla na lang sasakit nang sobra ang ulo mo tapos may cases din po na hinihimatay ang pasyente," paliwanag niya. Then, she realized that she never mentioned that to the doctor. Napatakip tuloy siya ng bibig. "Tita, hindi ko po pala nasabi 'yung sa doktor."
Akmang magsasalita pa ito pero inunahan niya ito.
"Isa pa po pala, minsan po kasi nagco-complain siya na biglang sumasakit 'yung ulo niya. One time pa nga po, nanlabo 'yung mga mata niya saka lumaki 'yung pupils niya," sabi niya. "Sinabi ko po sa kanya na magpatingin na siya sa doktor pero sabi niya wala lang daw po iyon. Hinala ko nga po... may sakit na talaga siyang malala."
Kumunot ang noo ng ina ni Kenneth. "Kailan pa iyon? 'Yung sumasakit ang ulo niya?"
"M-Matagal na po."
"Naku! Kailangan talaga nating sabihin iyan sa doktor. Sandali, pupuntahan ko lang." Tumayo ito at lumabas.
Ibinaling niya ang tingin kay Kenneth. Tulog pa rin ito.
Bumuntong hininga siya. "Kung nakinig ka siguro sa akin dati, baka hindi ito nangyari sa iyo." Nag-init ang sulok ng mga mata niya. "Tingnan mo tuloy kung ano ang nangyari sa 'yo!"
Tuluyan na siyang napahagulhol ng iyak.
THE following day, binisita sila nina Josel at ng kambal. Sayang lang dahil wala si Michelle sapagkat nagpapagaling pa ito. Well, naiintindihan naman niya iyon dahil mahirap din ang makunan.
BINABASA MO ANG
On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]
Novela Juvenil[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite some time, at idinadaan ng binata sa pang-aasar sa dalaga ang mga da moves nito. Katwiran kasi'y doon din naman nagsimula sina Dylan at Mic...