Chapter One

16.1K 198 16
                                    

Perfectly Seven Series consists of seven different tales that mostly revolve around the college squad consist of Michelle, Dylan, Ruby, Kenneth, Josel and the de Jesus twins, RJ and MJ.

ON THE SEVENTH DAY OF MAY is the SECOND book of the series. It would focus on how Ruby and Kenneth, who are secretly in love with each other for the long time but rather to shy to admit it, realize that they are actually compatible. Although stand-alone, reading the first book is HIGHLY suggested to prevent confusion.


***





Ruby Escodero

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ruby Escodero



Huling araw bago ang pasukan ng second semester, nagpunta na si Ruby Escodero sa St. Macias dormitory, ang kaisa-isang dormitory sa loob ng Colegio de San Juan de Letran - Bataan campus, para ayusin ang gamit at doon na rin magpalipas ng gabi.

Pangarap ni Ruby maging isang doktor at napili niya ang Psychology bilang pre-med niya.

Dahil ala-cinco pa lang noon, siya pa lang ang naroon kaya namang medyo bored siya.

"Hay, makapag-FB na nga lang ako." Kinuha niya ang laptop sa bag saka nagtungo sa lobby kung saan may access ng internet.

Sa totoo lang, mas gusto niyang mag-internet sa cell phone kaya lang mahina kasi ang signal ng Globe sa lugar niya. Nasa bundok kasi. Sayang nga lang dahil may free Facebook pa namang promo ang nasabing network.

Nang makababa sa lobby para makigamit ng cable, siya'y napangiti na lamang nang makitang walang gumagamit ng internet. Yes! Mabilis ang net! Ngingisi-ngisi pa niyang monologo habang kinakabit ang kable sa laptop niya.

Hindi naman nagtagal, nakapag-Facebook na siya. Una niyang tiningnan ang mga notification. So far, wala namang makabuluhan dahil puro likes lang naman sa status niya saka apps invitation.

Dahil wala namang friend request, binuksan na niya ang message.

"Grabe naman itong group chat namin!" bulalas niya nang makitang may 340+ unread messages siya sa group chat. "Ano na naman kayang pinag-usapan nang mga ito?"

Ang mga nasa group chat ay ang barkada niya. Kinabibilangan ito nina Michelle Anderson, Josel Mae Doña, Kenneth Cristobal, Dylan Cortez at ang de Jesus twins na sina Michael John o MJ at Robert John o RJ. Maliban kay Dylan na nag-migrate sa Italy noong summer lamang, lahat sila ay estudyante ng Letran-Bataan campus sa iba't ibang kurso at kasalukuyang nasa ikatlong taon.

On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon