Chapter Sixteen

2.1K 56 0
                                    

NEW YEAR, nag-usap ang barkada na puntahan ang bagong tayong carnival sa likod ng SM Pampanga. Sakto rin kasing may lisensya na ang kambal at kaya na ring mag-drive hanggang sa Pampanga.

Iyon nga lang, laking dismaya nila dahil umuulan nang dumating sila.

"Ay, bad trip," iiling-iling na lang na sabi ni MJ. "Gusto ko pa namang i-try 'yung roller coaster nila."

"Tara, guys, nood na lang tayo ng sine," suhesyon ni Josel. "Shake, Rattle and Roll tayo?"

Sumang-ayon naman ang lahat maliban kay Ruby. "'Di, kayo na lang guys. Saka wala akong pera."

Alam nang lahat na takot siya sa horror films kaya naman inasar na naman siya.

"Sus, Ruby, huwag ka nang mag-deny. Takot ka lang!" Tumawa si MJ. "Laki-laki na, takot ka pa rin sa multo."

Hindi na lang siya umimik. Ang totoo kasi niya'y gusto lang niyang mapag-isa... at mag-isip... at makaiwas kay Kenneth.

She heaved a deep sigh. Iniiwasan niya ang binata? Bakit? One answer: may nararamdaman siya rito... and it was something more than simple infatuation.

When did it begin? Ewan niya. Basta isang araw, nagising siya na tingin niya ay may nararamdaman na siya rito.

However, she kept on denying it. Baka nako-confuse lang ako, iyon ang katwiran niya. Masyado lang talaga akong nadadala sa kagwapuhan niya. Wala akong pagtingin sa kanya aside sa crush ko siya—

Naudlot na lamang ang pag-iisip niya nang biglang magsalita si Kenneth.

"Guys, tama na iyan," sabi nito saka tumabi sa kanya. "Sasamahan ko na lang si Ruby. Hindi ko rin trip manood ng sine, alam n'yo naman iyon, 'di ba?" Totoo iyon. Mas gusto kasi nitong manood nang tahimik kaya ayaw nitong nagsisine.

Nataranta naman siya. Aba, kaya nga ayaw niyang sumama manood dahil gusto niyang mapag-isa, tapos, sasamahan pala siya ni Kenneth na iniiwasan nga niya? Matindi.

Pero bago pa man siya makatanggi, iniwan na sila ng mga kabarkada.

"Sige, text na lang kami kapag tapos na, ha?" sabi pa ni Josel bago tinulak ang kambal papunta sa escalator para makapunta naman sa movie house sa second floor.

Nawala muna sa paningin niya ang tatlo bago nagsalita si Kenneth.

"Saan tayo?" sabi nito.

"E-Ewan." Kinuha niya ang cell phone at nagkunwaring may ka-text. "Sa Hypermarket na lang siguro? Bili na lang ako ng pan-stock sa dorm."

"Sige."

Naglakad na sila papunta sa destinasyon. Habang naglalakad sila, nasa cell phone ang buong atensyon niya at dahil maraming tao nang araw na iyon, ilang ulit siyang nabunggo.

Hanggang sa hindi na marahil nakatiis si Kenneth. Pinigilan siya nito.

"Ruby, mamaya ka na mag-text d'yan, okay lang?" Ewan ni Ruby kung imahinasyon lang niya iyon pero feeling niya'y nairita si Kenneth sa kinilos niya. "Mamaya ka na mag-text, kapag nasa maluwag na lugar na tayo. Hindi mo ba naisip na baka ma-snatch iyan sa iyo?"

Hindi na lang siya umimik; binulsa na lang niya ang cell phone.

Pinagpatuloy nila ang paglalakad hanggang sa napatingin siya sa stall ng Dairy Queen.

"Gusto mo, Ruby?" tanong ni Kenneth. "Masarap ang blizzard nila d'yan."

She agreed. Sa tuwing nagpupunta nga sila ng SM, isa sa lagi niyang pinupuntahan ay ang nabanggit na ice cream parlor. May kamahalan nga lang pero sulit naman.

On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon