Chapter Fourteen

1.6K 59 0
                                    

Lumipas ang maghapon, hindi na muling nakausap ni Ruby si Kenneth. Kahit nga noong dinner. Hindi kasi ito bumaba. Ayon sa kambal, busog daw ito. Of course, hindi siya naniniwala dahil alam niyang iniiwasan lang siya ng binata.

Ito siguro ang epekto ng pakikielam ko, ano? Malungkot niyang monologo sa sarili. Nakahiga na siya noon at tulog na ang dalawang roommate niya. Mukha sigurong magkakaroon ng gap sa pagitan namin. Dapat yata hindi ko na siya pinakielaman.

The following day, naalimpungatan na lamang si Ruby dahil naramdaman niyang tila pinipilipit ang puson niya. Tuloy, hindi niya mapigilang mapasigaw sa sakit. Mabuti na nga lang, gising na noon sina Michelle at Josel.

"Sapphire, what's happening? Binabangungot ba you?" tarantang sabi ni Josel.

"A-Ang sakit ng puson ko. God!" Bumaluktot siya at niyakap ang sarili. Hindi rin niya mapigilang mapaluha. "Ang sakit, grabe!"

Samantalang, taranta namang naghanap ng pain reliever si Michelle sa medicine box niya. "OMG! Wala ka nang Mefenamic acid!" sabi nito. "Josel, ikaw ba, meron? Wala akong ganoon."

Umiling ito. "Ibuprofen lang meron ako d'yan. Allergic si Ruby do'n."

"G-Guys, pahingi ng hot compress," mangiyak-ngiyak niyang pakiusap sa mga ito. "M-May hot water bottle ako d'yan.  Nakalagay sa may lalagyan ko ng underwear."

Matagal na niya iyong binili dahil medyo madalas talaga siyang atakihin ng dysmenorrhea. Ayon sa doktor na nakausap niya noong pinakonsulta niya ang kaso niya, maaga raw kasi siyang nagsimulang magkaroon ng buwanang daloy. Nine years old, to be exact, which is considered not normal dahil ang ideal age ay 11. Nasa dugo kasi talaga nila ang maagang puberty.

Agad namang tumalima si Josel. Hindi rin nagtagal, bumalik na ito.

"Here, Ruby." Inabot nito ang rubber bag sa kanya.

Agad niya iyong nilagay sa bandang puson niya. Hindi naman nagtagal, medyo nabawasan na nang kaunti ang sakit.

"Gosh, napakahirap ba ng ganitong buhay," sabi ni Ruby. Nagpawis ang noo niya dahil sa sakit.

"Correct ka d'yan, girl. Naloka ako noong bigla kang sumigaw, 'lam mo 'yun? 'Kala ko binabangungot ka," kumento naman ni Josel. "Teka, chika ko lang kila Tempo 'yung nangyari."

Si RJ ang tinutukoy ni Josel. Mula iyon sa Tempura. Hipon daw kasi si RJ.

"Sira-ulo talaga itong si Madam," ani Michelle na napaikot naman ng mga mata. Pagkuwa'y hinarap siya nito. "Hindi ka ba nahihilo, Ruby? Or nasusuka?"

"Hindi naman. Mild lang naman ito."

"Mild pa 'yan?" Nanlaki ang mga mata ni Michelle. "E, halos tumirik ang mga mata mo kanina, ay."

"Ito pa 'yung normal ko, ano ka ba. May mas matindi pa rito, 'yung hinihimatay na ako. Ganoon."

Tumango ito. "So, kumusta ka naman ngayon niyan? Kaya mo pa bang pumasok?"

Normally kasi, kapag nakakaramdam siya ng dysmenorrhea, halos maghapon siyang hindi makatayo at makalakad. Minsan tuloy, maghapon siyang nakahiga sa infirmary ng school nila. Pero alam niyang hindi siya pwedeng mag-absent dahil may long test siya.

"Oo. May exam ako later, e. Major iyon saka mahirap maghabol."

"Sure ka ba d'yan, Sapphire?" sabi ni Josel na kakayari lang mag-text. "Pwede ka namang magpa-special quiz na lang kung hindi mo talaga kaya. Legit naman 'yung excuse mo, e. Saka, mahirap magsagot kapag may sakit ka, haler."

"Hindi, guys. Kaya ko ito, trust me. Besides, sayang 'yung ni-review ko kagabi. Dami no'n." Inalis niya saglit 'yung bag sa puson niya para tingnan kung may pain pa. Nang may maramdaman, binalik niya ulit. "Saka iinom naman ako ng gamot, e. Dadaan na lang ako kay Mama Nurse later."

On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon