Nagbabasa noon ng libro si Ruby sa sala nang bigla na lamang siyang gulatin ng kaniyang kapatid.
"Hold-up ito!" Tinutukan siya nito ng pellet gun sa tagiliran.
Napairit naman siya sa labis na gulat. As usual, makabasag-salamin na naman ang tinis ng boses niya ala Mariah Carey... rather, Maria Callas dahil talagang eir-piercing na sa taas.
Hinarap niya ang humahalakhak na kapatid saka hinampas ng throw pillow.
"Ano ba, Kuya Netnet!" asik niya rito. "Nakakagulat ka naman, eh."
Napakamot ito ng ulo. "Bakit ba 'Netnet' ang tawag mo sa akin? Ang pangit, ay," reklamo nito.
Kenneth din ang pangalan ng kapatid niya, at wala naman itong nickname. Siya lang talaga ang nagbigay ng palayaw rito dahil ayaw niyang malito sa dalawang Kenneth na kilala niya. Hindi nga lang niya alam kung bakit 'yung kuya pa niya ang binigyan niya ng pangalan.
"Ba't ba? Trip ko, eh. Magagawa mo." Inirapan niya ito saka pinagpatuloy ang pagbabasa. "Doon ka na nga. Inaabala mo ang pagbabasa ko, eh."
Nilubayan naman siya nito ka agad.
Or maybe not.
Pinaputok nito ang baril.
"Kiyah!" irit na naman niya, OA as usual. Muli niyang hinarap ang kapatid na kinakasa naman ang baril. "Ano bang problema—waaah!" Kinalabit nito ang trigger ng baril kaya agad niyang kinuha ang unan para iharang sa katawan.
Tumawa si Netnet. "Haha! Ang OA ni Ruby!" Para itong batang uhugin kung mang-asar. "Wala namang bala ito, ay. Kung makairit, ke-OA."
Totoo ang sinabi nito. Sadyang OA lang talaga si Ruby kahit kailan.
"Nakakainis ka ka'mo, eh!" Nilapag niya ang libro sa coffee table at kinuha ang throw pillow sa tabi niya. "Tigil-tigilan mo nga ako, leche!" Hinampas niya ng unan ang kapatid.
Muli na naman itong natawa habang todo-salag.
Bigla na lamang siyang napatigil. 'Pagkuwa'y napangiti.
"Nangiti ka d'yan?" saad ni Netnet nang mapansin niya ang pagbabago ng reaksyon niya.
"Wala!" sabi naman niya habang pilit na tinatago ang pamumula ng mukha. "Sige, akyat na lang ako sa kwarto ko para huwag mo akong bulabugin." Kinuha niya ang libro saka dali-daling pumanhik. Narinig niyang inaasar siya ng kapatid pero hindi niya ito pinansin.
Agad niyang ni-lock ang kwarto nang makapasok saka nagtatalon sa labis na kilig.
Hanubey! Naalala ko na naman 'yung scene last week! Kinikilig niyang monologo. Malamang, ang tinutukoy niya ay 'yung kasatan nila nina Kenneth at ng kambal sa bahay ng una. Si Kuya naman kasi, eh. Naglabas pa ng baril-barilan. Imbis na dapat naka-move on na ako doon.
Minsan talaga'y masarap kurutin sa singit itong si Ruby. Hindi kasi talaga siya madaling maka-getover sa mga nakakakilig di-umanong moment niya with her crush. Tulad na nga lang nang kaganapang iyon kung saan mangilang ulit silang nag-holding hands ni Kenneth. Ewan ba niya kung bakit hanggang sa sandaling iyon ay ang lakas pa rin talaga ng tama niya kay Kenneth.
Natigilan na lamang siya nang biglang mag-vibrate ang cell phone niyang nasa bag niya. Nag-text pala si Kenneth sa kanya.
Shocks! Alam kaya niyang iniisip ko siya? Binasa niya ang mensahe at laking-dismaya niya nang mapag-alamang group message lang pala iyon na naglalaman ng quotation tungkol sa pag-abot ng pangarap at pagbati ng magandang hapon sa mga nasa contact nito. Kainis, akala ko pa naman. Umasa pa naman ako... Nag-depress-depressan naman daw ang ating bida.
BINABASA MO ANG
On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]
Novela Juvenil[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite some time, at idinadaan ng binata sa pang-aasar sa dalaga ang mga da moves nito. Katwiran kasi'y doon din naman nagsimula sina Dylan at Mic...