Foundation Week ng Letran noon. So far, wala naman masyadong interesting para kay Ruby. Naging boring kasi, hindi tulad noong nakaraang taon, dahil halos walang katao-tao. Hindi kasi nagsipagpasukan ang ibang estudyante.
Well, except siguro sa muling pagbabalik ni Dylan sa Pilipinas.
Unang araw ng Foundation Week nang magtungo ito sa school para bisitahin sila. Syempre, tuwang-tuwa naman siya. Bukod sa na-miss niya ito, naisip din niya na sa wakas ay titigil na ang pagda-drama ni Michelle.
But Michelle didn't, and Ruby knew why. Para kasing ang cold ni Dylan kay Michelle. Para bang ayaw nitong kausapin ang huli. Tuloy, lalo na naman siyang na-stress sa dalawa. Imbis kasi na maging okay na ang lahat dahil balita niya'y hindi na babalik si Dylan sa Italy, lumala pa.
Ay naku! Kung hindi ko lang talaga sila kaibigan, hindi ko na sila pinansin! Monologo na lang niya. Ang sarap iuntog ng ulo ko sa abs ni Siwon dahil sa inyong dalawa, ay!
Anyway, last day na ng Foundation week noon, and they will celebrate it through Arriba Fest. Kasama niya noon si Michelle at si Kenneth. Hindi niya alam kung nasaan ang kambal habang umuwi naman si Josel dahil sinugod daw sa ospital ang papa nito. Hindi niya alam kung pupunta si Dylan.
"Iced tea, oh?" alok ni Kenneth sa kanila ni Michelle.
Agad naman siyang napangiti. "Thanks, Kenneth!" Mahaba kasi ang pila sa may drinks kaya nag-volunteer si Kenneth na ito na lang ang kukuha ng inumin.
"Welcome." Ngumiti ito sa kanya.
Nakita niya ang dimples nito at natukso siyang kurutin iyon. Ang pogi ba talaga niya, nakakainis!
Ininom na niya ang iced tea. "Uhhmm." Napatigil siya. "Ang gara ba ng lasa nitong iced tea. Parang may ibang lasa, e. Saka medyo mapait." Binuhos nito ang inumin sa lupa.
Nanlaki ang mga mata ni Michelle dahil sa ginawa niya. "Huy, bakit mo tinapon?"
"Hindi masarap, e."
"Gaga! Kahit na ba. Sayang pa rin 'yun." Napaikot ito ng mga mata saka inubos ang iced tea.
Ibinaling niya ang tingin kay Kenneth at napansin niyang kakaiba ang ngiti nito. "Oh? Ano'ng nginingiti-ngiti mo d'yan?"
Umiling naman si Kenneth. "Wala lang."
"Asus! Please, don't tell me, may naiisip kang kalokohan?"
Napitlag ito. "Huy, wala, ah? Saan mo naman iyon nakuha?" defensive na sabi nito.
"So meron nga?" Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Huwag kang magsinungaling sa akin, Kenneth. Tandaan mo, pinag-aaralan ko ang pag-a-analyze ng behavior ng tao!"
"Wala nga—aray!" Napangiwi na lamang si Kenneth nang kurutin niya ang pisngi nito. "Tama na, Ruby. Masakit," reklamo nito, bagaman natatawa naman.
Napangiti naman si Michelle sa ginawa niya. Bakas sa mukha nito ang kilig. Tapos, tumayo ito. "Guys, wait lang, ha? May pupuntahan lang ako, saglit." Iniwan na sila nito kahit hindi pa sila sumasagot.
"Saan kaya pupunta 'yun?" nagtatakang tanong ni Kenneth.
"Sus! Hindi ba halata? Malamang binibigyan tayo ng moment," labas sa ilong na aniya.
Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Bakit parang ayaw mo naman yata?"
"May sinabi ako?"
"Ang sungit mo na naman." Ngingiti-ngiti ito habang ginugulo ang buhok niya.
BINABASA MO ANG
On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]
Teen Fiction[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite some time, at idinadaan ng binata sa pang-aasar sa dalaga ang mga da moves nito. Katwiran kasi'y doon din naman nagsimula sina Dylan at Mic...