Mag-iisang buwan na ring bakasyon noon pero sa kabila niyon ay patuloy pa ring siyang nililigawan ni Kenneth. Tuloy, madalas siyang kantiyawan ni Josel nang: "Ikaw, masyado kang pa-chicks. Three months nang nanliligaw 'yung tao, uy. Kelan mo plano sagutin?"
Well, the truth was kahit siya'y hindi niya alam. Mahal niya ang binata, noon pa man ay inamin na niya iyon sa sarili niya. Katunayan, gusto na nga niya itong maging boyfriend. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila ba may pumipigil sa kanyang sagutin ito. Hindi niya maipaliwanag kung ano iyon.
Anyway, papunta sila noon ni Kenneth sa bahay nito. Niyaya kasi siya ng mama nito na makikain ng dinner. Gusto raw kasi siyang makilala ng papa ni Kenneth.
"O? Bakit parang wala ka yata sa mood?" tanong nito habang binabagtas nila ang overpass sa Townsite, Limay.
Bumuntong hininga siya. "Sumasakit kasi ang ulo kina Mich at Dylan, e."
"O, bakit na naman?" kalmadong tugon nito.
"Sus, alam mo naman siguro kung ano ang nangyari sa kanila, 'di ba? Nabuntis si Michelle. Tapos, napagtripan siya sa kanto. Iyon, nalaglag 'yung baby nila. Kamuntikan pa yatang ma-rape." Napahilamos siya ng mukha. "Ito naman kasing si Dylan, inutil. Tama ba namang pabayaan si Mich na maglakad sa dilim, e alam nang babae iyon?"
Nakita niya sa sulok ng mga mata niya na natawa si Kenneth.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Tinatawa mo d'yan?"
Umiling ito. "Wala lang. Ang cute mo kasi."
Lalo siyang nainis sa sinabi nito. "CUTE?! So cute pa pala ako ngayong nagagalit ako?"
Muli itong natawa. "Pasensya naman, Ruby, pero naku-cute-an talaga ako sa iyo."
Inirapan niya ito. "Hmp!"
Binalot sila ng katahimikan.
Hindi nagtagal, nasa may intersection na sila. Hinihintay noon ni Kenneth na maging clear ang daan nang bigla siyang kutuban.
Bakit ba pakiramdam ko, may masamang mangyayari ngayon? Kunut noong tanong niya sa sarili. Parang--
Walang anu-ano'y biglang napaliyad si Kenneth. Nang ibaling niya ang tingin dito'y hawak na nito ang ulo at dumadaing ng sakit.
"Kenneth, ano'ng nangyayari sa iyo?" taranta niyang tanong.
"'Y-Yung ulo ko. A-Ang sakit." Mababakas sa boses nitong sobrang kirot ng ulo nito. "Parang binibiyak!" Bigla nitong iniuntog ang ulo sa manibela.
"Kenneth, 'wag--"
Hindi niya naituloy ang sasabihin nang biglang umandar ang kotse nila. Naalis nito ang paa sa pagkakatapak sa breaks! Pabulusok pa man din ang dinadaanan nila kaya tuluy-tuloy silang umandar.
Nataranta siya. "Kenneth! 'Yung break!"
Patuloy pa rin sa pag-inda ng sakit ang binata. Iyon marahil ang dahilan kung bakit mali ang natapakan nito. Sa halip na breaks, accelerator ang natapakan nito!
Napairit na lamang siya. "Kenneth!" Hinawakan niya hand break. "'Yung accelerator ang--"
Natigilan na lamang siya nang makakitang mayroong paparating na truck na sasalpok sa kanila. Nanlaki ang mga mata niya. Naging blangko rin ang isip niya.
And before she realized it, the truck struck them head-on, followed by sounds of screeching tires and crunching metal, catapulting Kenneth's car that flipped three times, shattering all the windows.
Then, everything stopped. Silence prevailed.
Binuksan ni Ruby ang mga mata. Everything was blurred and dark. Hindi siya near-sighted pero hindi niya maaninag kung ano ang nasa harapan niya. She knew, though, that they were upside down.
BINABASA MO ANG
On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]
Teen Fiction[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite some time, at idinadaan ng binata sa pang-aasar sa dalaga ang mga da moves nito. Katwiran kasi'y doon din naman nagsimula sina Dylan at Mic...