Chapter Three

4.3K 99 2
                                    

Sa PsychLab ang unang klase ni Ruby nang araw na iyon. Dahil maaga siyang pumasok, siya ang unang tao roon.

Habang hinihintay niya ang mga kaklase at ang professor, iniisip niya si Kenneth.

Meron talaga akong naaalala kay Kenneth, promise. Hindi ko lang talaga masabi.

She sighed. To be honest, she had been trying to answer that question since she was having her breakfast. Masyado kasi siyang nahiwagaan sa kanyang naramdaman.

Natural naman sa kanya ang maging thoughtful. Siguro kung si Michelle ‘yung hindi makakain ng breakfast, for sure makikipagpalit din siya rito. Umiling-iling siya. Wah, of course hindi niya gagawin iyon. Hindi niya dapat gawin. Baka magselos si Dylan, bugbugin pa siya pag-uwi dito. Ke macho pa naman nu’n, wala siyang laban. Hehe.

She sighed again. Pero ano nga ba kasi 'yung naaalala ko? Leche, sumasakit na ulo ko. Hindi ko maisip kung ano. Kinamot niya nang marahas ang ulo. “Shocks! Naloloka na ako!”

Sa wakas, dumating na rin ang mga kaklase niya. Syempre, dahil first day of school, hindi mawawala ang kamustahan.

“Ruby!” bungad sa kanya ni Misha. Nakipag-beso-beso pa nga ito. “How are you? Ang ganda talaga ng hair mo kahit kailan, kala mo bagong rebound lagi.” Hinawakan nito ang buhok niyang itim na itim at bagsak na bagsak.

“So, buhok ko lang ang maganda, ganern?” kunwaring nagtatampong aniya. “Hindi ako maganda?”

“Grabe, ha?” pabiro siya nitong inirapan. “Wala naman akong sinabi! Although, syempre, mas maganda rin ako.” Ngumisi ito. “Kamukha ko kaya si Nina Dobrev!” Hinawi nito ang bangs sabay tuck sa likod ng tenga.

Pinandilatan naman niya ito ng mga mata saka tiningnan mula ulo hanggang paa. “Wow, ha? Ang layo kaya.”

“Oo kaya! Saka kaboses ko rin si Whitney Houston.” Bigla nitong binirit ang “I Will Always Love You” kahit wala naman sa tono, strained tapos pumiyok pa. “'Di ba?”

Napakamot siya. Alam niya kasi ang ugali ng kaklase – may pagka-feeler ito minsan. Although maganda naman ito, hindi totoong kamukha nito ang nabanggit na Hollywood actress at lalong hindi nito kaboses si Whitney Houston.

“Alam mo, Misha,” tinapik niya ang balikat nito, “hindi ko alam kung nagjo-joke ka ba or seryoso ka pero I suggest na huwag mong ipilit ‘yung alam mong hindi sa ‘yo. I mean, maganda ka naman, ah? Bakit kinakailangan mong sabihing magkamukha kayo ni Nina Dobrev kahit mula Jupiter ang layo? ‘Di ba?”

Hindi naman niya intensyon na awayin ang kaklase. Sadyang ayaw lang niya sa mga taong hindi pinagtutuunan nang pansin ang pagkakaroon ng self-identity. Everyone is created and is meant to be unique. Bakit kailangang pagpare-parehuhin? Ano ‘yun, naggagaguhan lang?

“Oh, huwag mo akong sermunan, leche ka.” Tumawa ito. “Nagjo-joke lang, eh. Napaka-KJ mo talaga.”

Napakamot siya ulit ng ulo. “Sorry na. Ayoko lang ba kasi sa mga taong masyadong trying hard para gayahin ang iba—“

Napatigil siya. She had realized the answer to her question earlier.

Napatakip siya ng bibig. Bakit nga ba hindi ko agad na-realize iyon? Bakit hindi ko agad naisip na para palang si Dylan kung umasta si Kenneth?

MALAKAS na tili ni Josel ang bumungad kay Ruby nang pumasok siya sa kwarto nilang tatlo.

“KIYAH! Hindi nga, Mich? Love story ninyo ito ni Dylan?” malakas na sabi ni Josel habang nakatingin sa hawak nitong kulay light green na libro. “Paano nangyaring na-publish ito?”

On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon