Kenneth Cristobal
Hanggang kinabukasan ay hindi pa rin makalimutan ni Ruby ang nangyari. Tuloy, para siyang ninja habang pababa ng hagdan, checking whether Kenneth or the de Jesus twins were around.
Nabatukan tuloy siya ni Josel na kasabay din niyang bumaba. Kasama rin nila si Michelle na tatawa-tawa naman at nasa kabilang side niya.
"Aray!" reklamo niya. "Brain cells ko! Binawasan mo na naman ng fifty-two!"
"Para ka kasing t**** d'yan, duh." Napaikot pa ito ng mga mata.
Samantalang, hindi na napigilan ni Michelle na mag-comment. "Kalma lang, Ruby, okay? Kung iniisip mo 'yung nangyari kahapon, huwag mo nang isipin iyon."
Pasasalamatan na sana niya ito sa pag-comfort kung hindi lang nito dinagdagan ng, "Kumalat na iyon at naging scandal nang wala sa oras kaya kung ako sa iyo ay chill ka na lang. Walk with confidence and ignore the haters and just say, 'B**** please, I'm fabulous!'," sabay ngisi.
At ito namang si Josel, humirit din. "Right ka d'yan, friend. Kung ako sa iyo, gayahin mo na lang si Chito Miranda na walang pake sa mga hater niya noong kumalat ang scandal niya."
"TSE!" Padabog siyang naglakad pababa. "Nakakairita kayo, ay! Pwede bang huwag na nga ninyong ulitin ang tungkol doon. Nakakaloka kayo, promise."
Sabay namang natawa sina Michelle at Josel.
"Eh, kasi naman, para kang aning," sabi ni Michelle. "'Di ba, sabi naman sa iyo ni Kenneth, sorry daw saka wala lang sa kanya 'yung nangyari. Hindi niya bibigyan ng malisya?"
Kaya ko nga siya iniiwasan, eh! Kasi, para bang wala lang sa kanya 'yung na-kiss niya ako nang wala sa oras! Gusto sana niyang isumbat kaso pinili niyang huwag na lang at pumasok na lamang sa canteen para um-order ng almusal.
She was overacting? Maybe, pero wala namang makakasisi sa kanya. After all, kahit ba medyo alembong rin siya kung tutuusin, naniniwala siyang ang first kiss ay parang virginity lang – binibigay lang sa taong handa mo at handa kang mahalin habambuhay. Iyon kasi ang laging pangaral sa kanya ng kanyang yumaong na Lola Cion.
Anyway, may pancake sa canteen nang araw na iyon. Dahil first time iyon, nakaramdam siya ng excitement. Iyon nga lang, agad ding napatungan ng disappointment nang malamang dalawang piraso lang pala kada order.
Fifty pesos na ba ito? Napaikot siya ng mga mata. Hay naku. Kaya ayokong prepaid 'yung meal, eh. Kasama kasi sa bill ng dorm ang pagkain nila. Bale, 150 pesos per day iyon, excluding the snacks, kaya umaabot ng P 3,000 kada buwan. Mahal iyon at kaya nga siya nagrereklamo.
As usual, pinili nilang pumwesto sa harap ng TV.
"Ano ba iyan? Hindi naman masarap 'yung syrup, eh," muli na naman niyang reklamo nang tikman ang pancake. Strawberry ang flavor na nilagay. She likes strawberry, though, hindi lang talaga masarap 'yung nabiling syrup ng canteen.
BINABASA MO ANG
On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]
Teen Fiction[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite some time, at idinadaan ng binata sa pang-aasar sa dalaga ang mga da moves nito. Katwiran kasi'y doon din naman nagsimula sina Dylan at Mic...