Kinabukasan, bagaman hindi naman na masyadong umuulan, suspended pa rin ang klase. Kaya naman nagdesisyon silang pito na umuwi na lamang.
"Naloka ako kagabi," wika ni Ruby. "Ang init, grabe." Sakay sila ng kotse ni Josel. Nagpasundo kasi ito at nakisabay sila. Bale, ibababa lang sila sa may highway para sumakay ng jeep o kaya'y bus, depende sa uuwian nila.
"Nainitan ka pa?" hindi makapaniwalang sagot ni Michelle na katabi niya. Pinandilatan pa siya nito ng mga mata. "Ang ginaw kaya. Akala mo, naka-aircon ka pa rin."
"Oo, mainit," pagsang-ayon ni MJ kay Ruby. "Naka-brief lang kaya ako natulog kagabi. Kita tuloy 'yung b**b** ko, ay."
"Anu ba 'yan!" hirit ni Josel na nakaupo sa tabi ng driver na papa nito.
Samantalang, binatukan ni RJ ang kakambal. "T*** i** mo, Miguelito Juan. 'Yung bunganga mo nga."
Gumanti naman ito. "T*** i** mo rin! Mas matindi ka sa akin! Mali***!"
"Mas malala ka sa akin! Tandaan mo, ako, mali*** lang. Ikaw, pinakamali*** sa ating tatlo!"
"Hindi kaya! Ganito iyan. Mali***," tinuro nito ang sarili, "mas mali***," tinuro nito si RJ, "pinakamali***!" Tinuro nito si Kenneth na tahimik na naghe-head phone sa likod ng van.
"Ah, ikaw daw ang pinakamalibog sa atin, Kenneth, oh?" hirit ni RJ. "Payag ka do'n?"
"Pakisabi, pakyu kamo, hard," sabi lang nito saka kinalikot ang cell phone. "Nananahimik ako dito, ha?"
Natahimik naman si RJ. Ganoon din si MJ.
"Iyan kasi, bwinisit n'yo 'yung tao," natatawa na lang na sabi ni Josel. "Ano kayo ngayon?"
Wala nang nagsalita sa kanila hanggang sa makarating sila sa highway.
"Thank you po!" sabay-sabay nilang sabi sa papa ni Josel. Nagpaalam din sila kay Josel bago nila sinara ang pintuan.
Sakto rin namang mayroon nang Bataan Transit na papuntang Mariveles kaya nakasakay sila ka agad.
Taga-Pilar ang kambal habang si Ruby at Kenneth ay sa Limay tumutuloy. Of course, taga-Mariveles si Michelle kaya ito ang huling bababa.
Pinili ni Ruby na tumabi kay Kenneth para makaupo siya sa tabi ng bintana. Hindi kasi papayag sa ganoon si Michelle dahil doon din ang gusto nitong upuan. Ayaw naman niyang katabi ang isa sa kambal dahil sobrang kulit ng mga ito.
"Kenneth, d'yan ako sa may bintana, okay lang?" pigil niya rito nang uupo na sana ito sa gusto niyang pwesto.
"Ah, sige." Muli itong tumayo sa aisle para paraanin siya.
"Thanks."
Binigyan na sila ng ticket ng kundoktor. As usual, sixty pesos lang dahil estudyante sila.
Walang imikan sina Ruby at Kenneth habang bumibiyahe. Abala kasi sa paghe-head phone ang huli.
Siniko ni Ruby si Kenneth. "Uy, hindi ba malo-lowbat 'yung cell phone mo kaka-MP3?"
"Lowbat na nga ako, eh," tumawa si Kenneth saka niligpit ang head phone.
"Iyan, kasi," sambit ni Ruby, na umiling-iling.
"Okay lang, may power bank naman ako saka may generator kami sa bahay."
"'Di ikaw na." Ngumuso si Ruby. May kaya rin naman ang pamilya niya dahil parehong doktor ang parents nito pero ni minsan ay hindi naisip ng mga ito na bumili ng generator. Hindi naman daw kasi kailangan dahil madalas namang walang tao sa bahay nila.
"Nga pala, Kenneth, may tanong ako sa iyo," sabi ulit ni Ruby.
"Ano 'yun?"
Saktong nasa may Pilar na sila kaya nagpaalam na sa kanila ang kambal.
BINABASA MO ANG
On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]
Teen Fiction[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite some time, at idinadaan ng binata sa pang-aasar sa dalaga ang mga da moves nito. Katwiran kasi'y doon din naman nagsimula sina Dylan at Mic...