BNKEW: [1]

27 0 0
                                    

Ang gwapo talaga nung teacher namin sa Statistics. Pakshet, talaga namang nakaka-inlove syang magturo ng lesson everyday. Napakasarap titigan, sana kaklase na lang namin sya kaso ngayon pa lang napakadami ng pumapantasya sa kanya e paano pa kung naging estudyante pa sya dito? Hay, buhay. Yung kapag alas-singko ng hapon titingin kami sa may bintana kasi dadaan si Sir tapos lahat kami magtitilian ng "SIR LOZANO!".


"Yes Ms. Alvillar?" biglang sabi ni Sir Lozano sa unahan. Nakakahiya. Bakit ba kasi ako nagde-daydream mag-isa habang nagkaklase? Ganito na lang ako tuwing lunes. Lutang sa katotohanan.


"Wala po Sir. Sorry po."


"Bruha ka. Ano't tunganga ka na naman? Lunes na lunes gusto mong napapahiya ka. Pasalamat ka nasa mood si Sir Lozano ngayon." sermon ni Gia. Magkakalapit kami e. Tatlo kaming magkakaibigan simula elementary, ni hindi kami naghiwa-hiwalay nung enroll-an pa lang. 'Di kami mabubuhay ng may kulang.


Gianna Medina - sobrang striktong kaibigan ko kapag nasa loob ng classroom. Pero kapag outside na, sobrang kalog naman. Gusto nya kasi seryoso kapag nag-aaral at nakikinig sa discussion lalo na ako kaya puro pangaral naririnig ko dyan 'pag labas ng classroom tapos biglang magbibiro. Kaya mahal ko yan e.


"Makinig ka kay Ateng Gianna, KC. Buti pa ako nakikinig." Pang-aasar ni Kath.


Kathleen Ortez - ang kaibigan kong napakalakas mang-asar sa akin palagi. Lagi akong inoolay nyan pero basag naman sa akin lagi. Pero kapag seryosong usapan, napakagaling maga-advice nyan at love na love ko yan.


"Titig ka lang sa teacher pero hindi ka nakikinig. 'Wag mo 'kong lokohin Kath!" balik ko kay Kath.


Tinitigan lang ako ng masama at nagsimula na ako sa pakikinig sa aming teacher kahit na alam kong patapos na ang lesson namin sa kanya ngayon. Patay ako nito kapag nag-quiz.


"Class dismiss." Sir Lozano


"O ano? May balak ba kayong kumain? Kasi nagugutom ako." sabi ni Gia. Tsk. Oo nga pala breaktime tapos may susunod pa pala kaming klase pagkatapos. Nakakatamad talaga. Manuod ba naman hanggang Alas-dose e, puyat na, bangag pa.


Punta kaming canteen. Tapos andaming seats na bakante, nakakataka kasi oras naman talaga ng kainan ngayon. Siguro may outside activity yung karamihan kaya naging ganito. Hmp, sana kami na lang yung nag-ganun para masiyahan ako at hindi sulat ng sulat ng lecture sa notebook palagi.


"Huy! Alam nyo na ba ang chika?" gulat sa amin ni Gia.


"Alam mo, kakaiba ka talaga. Hindi. Ano ba yun?" curious kong tanong kasi dito sa campus namin kada-araw may chismis na nasasagap 'tong kaibigan naming si Gia. Madalas tungkol sa estudyante, minsan sa mga teachers.


"Hulaan ko, kay Sean yan no?" sabi ni Kath.


Ha? Sinong Sean? Yung bang si Concepcion?


"Sean Denver Concepcion?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon