"Pass your papers now." utos nung teacher namin sa Sociology.
Pinasa ko naman din kaagad kahit na kulang-kulang pa ang mga sagot ko. Paano ba naman ako makakakumpleto ng sagot kung puro ang inaatupag ko ay ang nararamdaman ko kesa sa utak ko na kailangan mag-aral. Hindi naman ako ganito, ngayon lang.
Nung makalabas ang teacher namin, niyaya ako nina Kath sa tambayan namin tuwing break time.
Sumama ako kaagad. Dito yun sa may malaking puno ng eskwelahan na kung saan, kaming tatlo lang palagi ang nagpupunta dito. Kapag may problema ang isa sa amin, dito kami naglalabas ng sama ng loob. Nakakagaan kasi ng pakiramdam yung sariwang hangin na taglay nitong punong 'to at yung paligid nya, sobrang peaceful tingnan.
Pagdating namin, kinuha na nila kaagad yung sako na itinago para kapag pupunta kami, may latag kami sa damo. Minsan dito kami kumakain ng tanghalian kapag matagal yung time namin. Palipasan ng oras namin itong lugar na 'to.
Napatingin naman sa akin ng masama si Gia. "May problema ka ba Kaye?" tanong nya nag-aalala dahil sa itsura ng mukha nya ngayon.
Umiling ako. "Wala. Inaantok lang siguro ako." sabi ko sa kanila.
"Kwentuhan nyo nga ako kung ano ng mga nagaganap sa buhay nyo. Feeling ko kasi simula nung makilala ko ang mga bullies parang minsan-minsan na lang tayo magkakasama. Hindi na kagaya nung dati." pagda-drama ko sa kanilang dalawa.
Naunang nagkwento si Gia.
Sa kwento nya, masaya sya. Ang kwento kasi nya ganito, nakakilala sila ni Calvin dahil sa akin. Iyon yung time na pinadakip ako ni Denver Monster sa canteen. Tapos ayun na, nagkakuhaan ng numbers at ang unang dahilan pa nga ng pagkuha ng number ayon kay Gia e si Calvin rad ang nauna. Kasi daw para kapag pinapatawag ako sa lungga o kailangan ako ng leader nila e madali daw akong masasabihan kung sakaling hindi ko dala o walang bateriya ang phone ko.
Sa isip-isip ko, palusot lang nila yun pareho. Balik tayo, pero ayun na nga. Tapos yung time na nasa mall kami dahil nga manunuod kami ng sine, pinapunta nya talaga si Calvin doon. Dapat kasi sasabihin na nya sa akin noon na parang nagkakaunawaan na nga daw sila kaso umeksena lang ang leader nina Calvin kaya hindi natuloy. Si Calvin din ang nag-aya sa kanya na maging date sya noong birthday ng mother ni Denver.
At ang pinakamagandang nasabi nya, simula daw nung nakasama nya si Calvin e hindi na daw ito nang-asar sa kanya kahit minsan. Sya daw ang nang-iinis dito palagi. Nabaligtad sila ng sitwasyon.
Napangiti na lang ako. Masaya akong masaya ang kaibigan kong si Gia.
"Ako naman sunod!" sigaw ni Kath.
Ito namang sa kwento ni Kath, ibang-iba kay Gia.
Nagkakilala daw sila ni Lloyd sa isang bar. Iba kasi din 'tong si Kath, may gala palagi tuwing weekends. Lalo na kapag gabi. Madalas nasa bar kasama ng mga naging friends na din nya doon. Hindi naman namin napipigilan kasi iyon talaga ang hilig nya. Marunong naman sya sa sarili nya kung iisipin, kasi hindi sya kailanman napariwara sa ginagawa nya.
BINABASA MO ANG
Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]
RomansaThis was very unexpected. Nakakagulat.