BNKEW: [4]

23 0 0
                                    

Alarm alert. Time: 8:00


Nagising ako sa alarm ko pero mata lang ang nagising, tulog pa yung katawan ko. Napakahirap kayang mag-heels tapos maglalakad ka pa 'pagka-baba ko sa jeep.


"Celestine! Bumaba ka na." sigaw ng ate ko.


Joanna Amber Alvillar - ang pinaka-dabest kong Ate. Masungit 'to sa'kin palagi, minsan ko lang yan mapangiti pero dama ko naman ang care nya sa akin araw-araw. Parang nanay ko na nga sya e. Si mama kasi nasa ibang bansa nagta-trabaho kaya kami na lang ni Ate palagi magkasama. Mahal kong tunay yang si Ate.


"Ito na nga Ate." sagot ko. Pero sa totoo lang ayoko pa ding bumangon kasi feeling ko pagod pa din ako at nakukulangan pa ako sa tulog kagabi.


Pagkababa ko, nakahanda na kaagad ang pagkain at..."Ikaw?" nagulat ako sa nakaupo doon. Nagulat talaga ako kasi kaming dalawa lang naman talaga ni Ate JA ang nakaatira dito at wala ng iba pa bukod sa amin.


"Yeah. Sabi ko naman sa'yo susunduin kita kaya hurry up and pakibilisan." masungit nyang pagkakasabi sa akin.


Huwaw. Sya nga 'tong susundo sya pa 'tong masungit. Ni hindi nga ako umo-o sa sinabi nya sa akin kagabi. Kapal talaga ng apog nitong lalaking 'to.


Biglang sumulpot si Ate at nahuli kaming nagtitigan ng masama. Hay Ate, bakit mo ba pinapasok sa bahay natin 'to?


"Ate, a...ano... kaklase ko si...Sean Denver. He-he." sabay tingin kay Denver ng maki-ride sya at napapataas ang kilay nya sa akin. Malamang, alangan sabihin kong boyfriend ko sya edi nabatukan ako ng malakas ng Ate ko. Sasabihin nun naunahan ko pa syang mag-boyfriend.


"Ah. Akala ko manliligaw mo. Sige na dalian mo ng kumain. Pakainin mo na yang kaklase mo baka hindi pa nagbe-breakfast yan." utos ni ate. Ito pa ba. Malabong hindi kumain yan at mayaman yan. Baka nga isang katutak lagi ang breakfast nyan sa kanila e.


Sinimulan ko ng kumain, habang nakatingin naman itong si Denver. 'Di ko alam pero parang ang awkward naman na nandito sya sa hapag-kainan namin.


"Classmate pala ha. Bakit hindi mo na lang sabihin yung totoo?" deretsang tanong ni Denver.


"Anong totoo?" tanong ni Ate na nasa may pinto ng kusina. Patay ako nito.


"Ah...wala ate. Yung ano..magkaibigan talaga kami. Oo yun. Sige alis na kami ha! Bye! Tara na oy!" palusot ko. Hinatak ko na lang bigla ang braso ni Denver palabas. Nakakabugnot kasi, pinarinig pa sa Ate ko. Buti hindi nya sinabi yung "boyfriend thingy" na yun.


"Gago ka ba? Buti hindi nalaman ni Ate. Tara na! Nasaan na sasakyan mo?" pagtataray ko kay Denver. Leche kasi.


Napailing na lang sya at dumeretso sa kotse nya. Sumunod na lang din ako sa kanya at sumakay sa kotse nya. Syempre sasakay ako sabi nya sundo e 'diba?


"Takot kang malaman ng pamilya mo? Kung ganon, galingan mo ang pagpi-pretend. Remember my punishment." pagbabanta nya sa akin habang pinapatakbo nya ang kotse.

Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon