BNKEW: [8]

15 0 0
                                    

[Incoming Call: Gia]


Ay leche. Wala na nga akong pasok ngayon pero ang aga pa din ng gising ko. Dapat mamaya pa ako gigising e, pamabasag lang ng himbing 'tong si Gia.


Sinagot ko na din kasi hindi naman ako titigilan nito.


["Kaye!" sigaw nya kaagad sa akin.]


"Alam mo, ang aga pa. Bakit ka ba tumawag?" inis kong sabi sa kanya. Hindi naman 'to nagagalit sa akin kasi sanay na syang ginigising ako kapag may kailangan.


["Let's go to mall. Gusto kong gumala. Sa Ayala ha, 10am sharp. Bye!" utos nya at kasabay noon ang pagbaba nya kaagad ng telepono.]


Wala pa nga ako sa wisyo kumilos, tapos pinapaalis na kaagad ako ng bahay. Si Ate naman umalis din gawa nung sa pinaga-apply-an nyang trabaho. Tuwing weekends, binibigyan na lang ako ng allowance ni Nanay kasi nga madalas ako lang nandito sa bahay.


Maghapon akong nandito kapag walang pasok. Hindi ako mahilig gumala sa kung saan. Hindi ko din hilig mag-internet, minsan-minsan lang. Mas gusto kong manuod ng mga movies at matulog maghapon sa kwarto.


Gumagala lang ako kapag may nagyayaya sa akin, kagaya nitong si Gia. Malapit lang kasi kami sa mall. Isang sakayan lang ng jeep tapos nandun ka na kaagad. Buti may natira pa sa allowance ko kahapon. Hindi ko pwedeng gastusin yung allowance ko ngayon kasi sa amin ng Ate ko 'to. Kaya iiwan ko na lang 'to sa drawer ko.


Naligo na ako kaagad. Mamaya na ako kakain, pagkadating doon. Binilisan ko na lang ang kilos papunta sa mall.


Nagtext si Gia na doon daw kami magkita sa may malapit sa Coffee Bean. Doon ako nagpunta, sa second floor lang naman ito at 'di naman ganun kalaki ang mall para hindi kami magkakitaan.


Pagkapunta ko, nakita ko na kaagad si Gia. Talagang inunahan nya para sabihan ng tagtamad na naman ako ngayon.


"Ang bagal. Alam mo, pumapanget kaya kapag tulog ng tulog. Kailangan mo din ng exposure kaya tara, kain muna tayo." sabi nya atsaka nya ako niyaya.


Pumunta kami sa isang restaurant. Sasabihin nito, kesyo nakakain na daw sila ng family nya dito kaya dito din kami kakain. Pinabayaan ko na lang sya ang um-order kasi hindi naman ako pamilyar sa mga pagkain.


Nga pala, wala si Kath. Kasi maghahatid yung family nya sa tatay nya sa airport. Maayos naman din ang pamumuhay nyan, pero kung tutukuyin mo sa aming tatlo kung sino ang pinakang-angat ay si Gia. Business workers ang parents nya n at naikukwento nga sa amin ni Gia minsan na sobrang workaholic ng parents nya kaya lagi syang wala sa bahay at gumagala kasa kami.


"Let's eat. Hindi pa din kasi ako kumakain." sabi ni Gia at saka kami kumain na dalawa.


Masarap naman yung food. Kaso parang ang konti ng tao dito sa restaurant na'to. Baka high-quality o classic restaurant ang isang 'to. Naalala ko nung kumain kami ni Monster Denver sa McDo. In-order ba naman lahat.

Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon