Biyernes ngayon at may pasok. Parang ayokong pumunta sa eskwelahan, parang nakakahiya na hindi ko maintindihan. Magulo pa ang isip ko ngayon, kaso wala din naman akong gagawin kung hindi ako papasok.
Pagtingin ko sa salamin kanina bago ako maligo, parang zombie sa sobrang mugto at puyat ko kagabi. Feeling ko namatayan ako sa ginagawa ko. Namatayan ako ng pagmamahal. Para hindi magmukhang mgto at namamaga ang mata ko, nilagyan ko ng nilagyan ng concealer ni ate yung ilalim ng mata ko para naman pagkadating ko sa school e hindi na nila mapansin yung mata ko. Isa din 'to sa dahilan ko. Tangina talaga, lecheng pag-ibig.
Pagdating ko, napansin kong pinagmamasdan nung guwardya yung mata ko. Halata pa din siguro pero wala na akong pake, tuloy-tuloy na lang ako papunta room. Ang galing lang, nandito na pala kaagad ang teacher namin sa Math.
Lahat ng kaklase ko nakatingin sa akin, pati teacher namin. Even Gia and Kath. Kahit na may clue na sila kung bakit ganito ako, malamang naikwento na siguro ng bullies sa kanilang dalawa.
Pumunta ako sa upuan ko at nilapag kaagad ang bag ko. "May exam ba ngayon?" tanong ko kay Kath na kanina pa din ako tinitingnan.
Tumango naman sya sa akin. Naglabas ako ng papel at ballpen, kahit na alam kong wala akong maisasagot ngayon. Kasalanan ko naman 'to kaya sige, okay lang na bumagsak sa ngayon.
"Kaye, alam na namin. Sana nag-excuse ka na muna kung hindi ka pa okay. Pwede namang mag-special exam e. Gusto mo ako magsabi? Maapektuhan yung grades mo 'pag bumagsak ka ngayon." paliwanag sa akin ni Gia. Sobrang concern nya talaga lalo na kapag grades na naming tatlo ang pinag-uusapan.
Umiling naman ako. "Okay lang Gia, ngayon lang naman." sabi ko at bigla akong ngumiti sa kanya. Nginitian din nila akong dalawa. Ngiting nag-aalala.
Nagsimula ang exam. Puro problem. Isa lang sinagutan ko at nakatulala na ako sa test paper. Nakatulala ako hindi dahil wala akong maisagot kundi dahil naiisip ko naman si Denver. Kagabi pa sya sa utak ko hindi na nawala. Kahit gusto kong tanggalin bumabalik pa din. Siguro nga ganito kapag nagmamahal. Mas iniisip mo pa yung tao kesa sa sarili mo.
Tumayo ako at nag-excuse ako sa teacher namin. Pumayag naman sya at dumeretso ako sa comfort room. Inayos ko ang sarili ko at pagkatapos ay tumuloy ako sa locker. Kukunin ko yung earphones ko, naiwan ko pala dito nung isang araw. Pagkabukas ko, may envelope. Walang kung anong nakasulat sa labas at kung kanino galing pero kinutuban ako kaagad kung kanino nagmula ang isang 'to. Sinarado ko muna ang locker bago ko basahin ang sulat.
Binuksan ko ito at may isang papel na nakatiklop sa loob. Napansin kong, mahaba ang sinabi ng naglagay nito sa locker ko.
Kiersten,
I know na galit ka sa akin at ayaw mo akong makita. Kaya dito sa letter na ito ko sasabihin lahat-lahat.
At first, nung nakilala kita wala lang sa akin. Kasi alam kong gagamitin lang kita for Cindy. Kasi yun yung gusto kong mangyari. Pero habang tumatagal pakiramdam ko nag-iiba nga talaga. Nung una tinanong ko kung mahal ko ba talaga si Cindy kaya ako gumawa ng paraan. I thought you will not fall for me kasi fake lang naman tayo. I feel sorry kasi hindi ko nakikita na pinapahalagahan mo pala ako. Oo pinapahalagahan ako ni Cindy kaya ko nasabing mahal ko sya pero hindi pala. I realized that I only need her. I cannot see her as my girlfriend and love, I see her as my sister. Kasi iniintindi nya ako palagi. Pero iba ka sa kanya. Remember that time when you reached the road? Muntik ka ng mabangga. Kaya sinagip kita. And the time that I danced you. Ang totoo nun, wala talaga si Cindy. I was also surprised that time kasi may nagtulak talaga sa akin na isayaw kita noong gabing yun. I felt something nung natapos tayo. And then the following day, binilhan kita ng new phone kasi alam kong nawala yun sa mall. Pumunta ako sa bahay nyo para i-check ka dun ng hindi mo ako nakikita. Tapos, nung unuwi ako, nag-isip-isip ako. I lay in my bed that time looking at the stars, the clear sky and the endless horizon. Hindi ko maamin sa sarili ko na iniisp kita palagi. Kung okay ka lang ba, kung ligtas ka. I never believed in magic. Kasi wala naman talaga, lahat may daya. But when I saw your smile and that pagka-mainisin mo, I realized that you are a magic to me. Kasi you turned my world into paradise. Kahit na naiinis ka na, hindi ka sumusuko sa akin. You are the reason why even at the most boring part of my life, I smile. And now, aaminin ko na gusto na din kita. I also realized that I don't need another day now para kamitin lahat ng gusto ko. Kasi isa ka pala dun. Isa ka sa mga nakamit ko. I just wanna say that, the moment I met you, my life changed. Everything I saw, everything I heard, everything I felt and all the scenery around me, it started to take a color. That's why my world become to sparkle. And this time I just wanna say sorry. Naisip ko kasi na siguro mas mabuti ng lumayo muna ako ngayon. But, I promise to you na babalikan kita. Hihintayin mo ako. Kahit na hindi pa din ako nakaka-alis ngayon. I often catch myself constantly wondering how you are, with my mind set so far reminiscing your smile, your voice and touch. Damn this life! I'm missing you now. I'm missing you too much. I may not get to see you now as often as I like, but deep in my heart I truly know now that you're the one that I love and I can't let you go. This time is for real. I love you Kiersten.
BINABASA MO ANG
Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]
RomansaThis was very unexpected. Nakakagulat.