BNKEW: [6]

12 0 0
                                    

Kalalabas ko lang ng clinic kasama sina Kath at Gia.


"KC, restroom muna ako ha. Gia, una na kayo." pagpapaalam sa amin ni Kath.


Tumuloy kami patungo sa classroom palakad. Malayo-layo din kasi ang clinic dito. Sa kabila pa yung classroom namin pagkalagpas ng gymnasium.


Habang naglalakad kami, napansin kong kanina pa busy si Gia sa kakakalikot ng kanyang phone. Hindi naman sya usually ganyan. Siguro may katext o baka katext ang isa sa mga 4B's.


"Gia. Okay ka lang? Parang busy ka yata sa phone mo. New game?" pag-iiba ko ng pokus nya.


Inilingan lang nya ako ng ulo, pero patuloy lang kaming dalawa sa paglalakad.


Kinuha ko na lang yung earphones ko sa bag at ipinasak ko sa tenga ko ito. Namili ako ng gusto kong kanta at pinatugtog ko ito. Hindi ko maintindihan ang mga tao ngayon. Parang nagiiba-iba sila ng anyo. Si Gia kasi hindi naman yan mahilig magkalikot ng phone, usually kapag may nag-text or tumawag lang.


Humarang naman bigla sa harap ko si Gia.


Napataas na lang ang dalawa kong kilay sa kanya. "Gia. May problema ba?" pagtataka ko sa kanyang tanong.


Hinatak nya bigla ang braso ko at nagmadaling maglakad. Hindi na lang ako nagsalita. Pero nakakataka bakit parang ang wirdo nitong si Gia? Tangina pinag-drugs ata nina Lloyd 'to e. Patay talaga sa akin yung mga yun.


Itong way na dinadaanan namin ngayon ay parang yung dinaanan ko nung isang araw nung time na pinasunod-sunod ako ng kampon ng mga bullies. Ito yung may underground e. Mga lamang-lupa kasi ang ugali kaya siguro ganun ang lungga nila.


Ayoko dito. Kailangang mahimasmasan 'tong kaibigan ko.


"Gia. Mali yata 'tong dinadaanan natin? Bumalik na tayo. Ayoko dito." pagkukumbinsi ko kay Gia.


Tumigil kami saglit at napabuntong-hininga sa harap ko si Gia.


"I'm sorry Kaye. Ayaw ko naman talaga pumayag na pumunta ka dito kaso ayokong magpunta ka ng mag-isa dito. Kaya mas pinili ko na lang na samahan ka." paliwanag sa akin ni Gia.


Ngumiti ako at tumango ako sa kanya. Sobra talaga ang pag-alalala nya sa akin. Sobrang nakakatataba ng puso. Ang sarap sa pakiramdam na may kaibigan ka na ganito.


Pero hindi ko mapapalagpas 'tong nangyayari ngayon. Sinabi ko na lang kay Gia na hintayin nya na lang ako dito sa may bench. Pumayag naman sya at tumuloy na ako sa lungga ng mga bullies.


Dire-diresto ako pababa at nung pinihit ko na yung doorknob, naka-lock. Wow. Leche ang pintuan napaka-high-tech. May camera na nakatapat sa akin. Siguro naman nakikita na nila ang pagmumukha ko sa loob?


Maya-maya, sumilip ang isa sa kanila. Si Zack.


Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon