Sa pagkakaalam ko, wala akong ginagawang masama. Estudyante lang naman ako at nag-aaral sa classroom namin. Walang pakielam sa mga issues or kung anumang kababalaghan ang nangyayari sa campus. Tapos itong isang 'to ako ang sinisisi?
"You ruined everything! Sino ka ba para manghimasok sa buhay namin?" galit na sabi sa akin nung leader nila na si Sean Denver. Ako naman 'tong si nagulat na naman ang reaksyon.
"WALA AKONG ALAM SA NANGYAYARI. PAKAWALAN NYO NA AKO!" sigaw ko sa harap nilang lahat. Parang labas sa tenga naman lahat ng sinasabi ko sa kanila. HIndi ganun kahina ang boses ko para hindi nila marinig ang sinasabi ko.
Bigla namang yumuko ang isa sa kanila at mukhang may sasabihin sa akin dahil tumalikod ang kanilang leader na may kausap sa phone.
"Kiersten ka 'diba? Ang kwento kasi, ikaw daw yung nahuling kasama ni Denver last SSG meeting nung isang linggo. Nahuli kayo ni Cindy kaya ayun. Alam mo na kasunod." kwento ni Zack sa akin. Bigla namang humarap sa amin si Sean Denver.
"What now? Natatandaan mo na ba? Kiersten Celestine?" sarkastikong tanong ng leader nila sa akin. Jusme. Parang iyon lang pinagselosan agad ng girlfriend nya?
Natatandaan ko na. Kasi yung time na yun, padaan din kami dun sa Student's Council Room e tamang-tama na paglalakad namin ni Kath noon e may nasalubong kaming billboard at doon pala nakasulat yung plataporma ng SSG. Malay ko kung sinong presidente namin hindi naman ako bumoto. Haha. Tapos nung binabasa ko, may biglang lumapit na lalaki and take note yun pala ang leader nila na si Sean Denver Concepcion. Psh.
Tinanong lang naman nya ako kung anong masasabi ko sa plataporma, ako naman itong si sagot na keri na. Pero ang totoo napakapanget ng plataporma nya. Malay ko ba na sya pala ang presidente, sinabi lang ni Gia sa akin nung nakaraan yun.
"Ah. Ikaw pala yung nagtanong sa akin kung anong masasabi ko sa plataporma mong bulok? Peste naman. Sabihin mo dyan sa girlfriend mo nagtanong ka lang. Idadamay nyo pa ako." paliwanag ko sa kanya.
"You will not do anything? Go and make a move. May reward ka sa akin kapag bumalik sa akin ang girlfriend ko." utos nya.
Leche ano raw?
"Umasa ka. Tanga ka e pinakawalan mo girlfriend mo, edi ikaw gumawa ng paraan!" sigaw ko sa kanya. Humalakhak naman ang tatlo nung sinabi ko yung linya ko. Totoo naman kasi. Lalong uminit ang ulo ni Denver. Ano ka ngayon?
"Hahaha! Lintik dre. Sapul ka dun ah!" pang-aasar ni Lloyd kay Denver.
"Anong sapul? Sapul na sapul!" dagdag pa ni Calvin.
"Tagos hanggang likod. Nga naman. Hahaha!" habol pa ni Zack sa pang-aasar sa leader nilang si Denver.
Napakasama ng tingin sa akin tuloy. Anobanamanito.
"Will you stop teasing me?! Shut up!" utos ni Denver. "And you? Hindi pa tayo tapos. Humanda ka. Makaka-isip din ako ng paraan." pagbabanta nya sa akin. "Go. Alis na!" sabay pagtataboy sa akin. Wow. Parang hayop lang ako na kung ano. Napakasama mo talaga Sean Denver. Gagantihan kita, humanda ka din. Pero sa ngayon, uuwi muna ako. Anong oras na? Gabi na.
Pagbalik ko sa bahay namin, tinawagan ko kaagad ang mga kaibigan ko. Lintek 20 miscalls simula nung dinakip ako nung 4Bs kanina. Conference na 'to para madali.
"Walang nagyari. Puro pag-iinarte lang lahat ang naganap kanina. Tangina kasalanan ko pa ba yun? E gago naman kasi yung girl masyadong nagpapakamatay sa selos." bungad ko dun sa dalawa. Mga tulog na siguro 'to.
["Alam mo, itulog mo na lang yan. Right Gia? Goodnight KC. Bye!" sagot ni Kath.]
Parehas binaba yung call ko. Mga buwisit. Effort ko pagtawag tapos ganun? Magte-text na lang ako sa kanila. Nahiya naman ako kasi binabaan nila ako ng phone, para naman pag-gising nila alam nila nangyari sa akin kanina.
[1 message received from: 09*********]
Sino naman 'to? Si Kath at Gia and yung family ko lang ang maya alam ng number ko. Hindi naman sa exclusive, hindi lang talaga ako mahilig magtext.
Mai-open.
["Kung akala mong titigilan na kita, pwes hindi. - Sean Denver."]
OMG. Juicecolored. Pati ba naman sa text? Seenzoned ka sa akin.
[1 message received from: 09*********]
Taragis. May pahabol pa?
["Kindly save my number or else, you're dead."]
Tangina, umasa ka. Akala mo naman ise-save ko number mo. 'Pag nagkaload ako, ihuhuyu kita. Ide-delete ko na lang 'tong message mo para wala ng bumabagabag na message dito sa cellphone ko. Para walang halimaw na nakalagay.
I dyed my hair. Hahaha! Ang ganda! :)
BINABASA MO ANG
Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]
RomansaThis was very unexpected. Nakakagulat.