"Hey Screamy Girl." boses mula sa likod ko. Kilala ko na syempre, si Concepcion na naman 'to.
Liningon ko naman kaagad. "Kailangan mo?" mataray kong tanong sa kanya na bigla namang ikinataas ng isang kilay nya.
"Forget what I said to you last night. I didn't mean it. Sadyang tanga ka lang talaga tumawid." sabi ni Denver.
Sobrang seryoso naman 'to ngayon. Pero sanay na ako, iba-iba naman kasi ang mood nyan.
Hindi ko na lang pinansin at tumuloy na lang ako sa locker room. PE kasi namin ngayon kaya makakapag-palit ako ng PE uniform namin. Si Gia naman nai-text na ako na sumunod na lang daw ako sa gymnasium kasi nauna na sila ni Kath doon. Late na naman kasi ako ngayon pumasok. Lagi na lang akong napaghuhulihan.
Pagkapunta ko, nagbihis na kaagad ako ng t-shirt at jogging pants pati rubber shoes ko. Dumeretso na din kaagad ako sa gym pagkatapos ko dito.
Sinalubong naman ako kaagad nung dalawa. Pinagsimula na kami ng teacher namin mag-grupo sa tatlo. Yung activity kasi namin yung sa Physical Fitness Test.
"KC, sigurado ka bang kaya mo mag-PE ngayon?" pag-aalalang tanong sa akin ni Kath.
"Oo nga Kaye. Kaya mo ba talaga ngayong mag-PE?" tanong ni Gia sa akin.
Ganyan nila ako kamahal. Hindi, kasi simula pa lang lugi na talaga ako sa PE subject namin. Kadalasan kasi lagi akong namumutla. Pero nung last year okay ako kasi bumalik ako sa doktor noon. Sana naman okay pa din ngayon.
"Oo naman! Ako pa ba. Sige na. Nasaan na yung activity card? Gia ikaw na mag-lead sa ating tatlo." utos ko kay Gia. Ayoko kasing maging leader. Ikaw yung pagagalitan kapag may mali sa kagrupo mo.
Sinimulan na namin ang activity. Nauna yung sit and reach tapos sumunod yung standing long jump. Nakakasabay naman ako. Alam kong okay pa ako kaya nakikisabay ako sa activity para naman may score ako kahit papaano.
Pinagpatuloy lang namin hanggang sa umabot kami sa sit-ups. Pangalawa sa huli 'to e.
"Kath, bilangan mo si Kaye ha. Ready, go." pagpapasimula ni Gia sa akin.
Nagbibilang ako habang umuupo-higa ako. Sa sarili ko lang. Pero naka-15 lang ako. Hirap ako sa ganito, lalo't ang hilig ko pang matulog palagi sa bahay kapag walang pasok. Haha.
"15 sit-ups Kaye. Nice. Sabihin mo kung pagod ka na ha? Para malaman kaagad ng teacher natin." paalala ni Gia sa akin.
Okay pa naman ako ah. Buti may dala akong tubig ngayon.
Bigla namang nag-signal yung teacher namin kaya humarap kami kaagad sa kanya. "Okay class. Your last activity is the 50 meter sprint. Mula dulo ng gym pabalik sa kabilang dulo. Got that? You may start now." instructions nya sa aming lahat.
"Okay ka pa Kaye?" tanong muli sa akin ni Gia.
BINABASA MO ANG
Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]
RomanceThis was very unexpected. Nakakagulat.