BNKEW: [13]

13 0 0
                                    

Anong nangyayari dito sa taong 'to at pinipigilan ang gusto kong gawin?


Humarap ako sa kanya at nagsalita. "Pake mo ba? Hindi naman ikaw yung niyayaya." inis kong sabi sa kanya. Ano ba naman kasi masama sa pagkakape naming dalawa ni Jared? Parang iinom lang naman ng kape. Tapos na. Pakielamero talaga 'to.


"Yeah. We'll just have to drink coffee and nothing more. May masamaba dun pre?" tanong ni Jared kay Denver.


Ang sama-sama ng tingin sa amin ni Denver. Siguro wala na naman 'to sa mood nya kaya ganito sya. Bakit hindi na lang nya yayain ang mga bully nyang kaibigan? Tutal sila naman ang nagkakasundo-sundo palagi.


Bumaling ang tingin nya sa akin. Sumunod kay Jared. Parehas nya kami tinitigan ng masama. Nakakabuwisit talaga ugali nito.


Bigla nyang hinatak ang braso ko papunta sa kanya at nadala naman ako sa pagkakalakas ng hatak nya.


"Back off. She's my girl, kaya wala kang karapatang yayain sya kahit saan." pagkakasabi nya kay Jared.


Hindi na ako nagulat dahil alam kong wala namang ibig sabihin 'to. Pwes magkaalaman na ng totoo. Tutal, ayoko na din namang magpanggap na girlfriend nya at boyfriend ko sya dito sa campus. Hindi ko na kaya. Nasasaktan na ako sa ginagawa ko.


Bigla nyang hinatak ang braso ko at kinaladkad na naman ako kung saan.


Sa time na 'to, nararamdaman ko yung galit nya. At nasasaktan ako sa kapit nya ngayon unlike nung dati. Sa rooftop nya ako dinala.


Sa lugar na pinapangarap kong dalhin ako ng taong magmamahal sa akin. Kaso mali ako. Dinala ako dito ng lalaking ginamit lang ako. Yung taong pinagkatanga-tangahan ko. Nababasa at napapanood ko kasi yung mga ganitong senaryo. At madalas dito sila nagpo-propose o kaya naman nagso-sorry kapag may alitan sila sa isa't-isa.


Ayoko na. Ayoko na ng ganito.


Tuloy-tuloy kami hanggang sa buksan nya yung pintuan at bigla kong hinatak yung braso ko pabalik sa akin.


Nakaharap lang sya sa akin at nakatingin. Walang emosyon ang nakikita ko sa mukha nya ngayon.


"Tumalikod ka." utos ko sa kanya. Seryoso ako ngayon at walang halong biro ang mga sasabihin ko sa kanya ngayon. "Tumalikod ka sabi. Sundin mo naman ako kahit ngayon lang! Walang mahirap sa pagtalikod. Haharap ka lang kapag sinabi ko." dagdag ko pa. Sa oras na 'to, pinayagan nya ako sa gusto ko. Sinunod nya ang utos ko na tumalikod sya. Ayokong makita nya na nasasaktan ako.


Biglang tumulo yung luha ko sa mga mata ko at naramdaman ko ang patak nito sa aking pisngi. Ito yung iyak na masakit, yung nararamdaman mo lungkot. Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ako magsalita. Kinagat ko ang gilid ng labi ko para mapigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Tsaka ako magsasalita.


Huminga muna akong malalim. "Alam mo ba kung anong pinasok ko? Katangahan. Katangahan Denver!" lumunok ako pinipigilang maiyak. "Pumayag ako na magpagamit sa'yo kahit na ang totoo e ayaw ko kasi ayokong may mangyaring masama sa akin at sa mga kaibigan ko. Alam mo ba yun? Ginamit mo ako para pabalikin ang girlfriend mo. Alam mo, ang tanga-tanga ng plano mo e sa totoo lang. May nasasaktan ka na sa ginagawa mo. Ako. Sabi ko nung una, wala namang mangyayaring kung ano kaya sige go. Pero habang tumatagal kasi nag-iiba Denver. Kung ikaw constant, pwes ako hindi. Inconstant ako. Nagbago ako nung pumasok ako sa relasyon nating peke. Sa mga ginagawa at sinasabi natin, alam mo bang nadadala ako palagi? Simula una hanggang nung nag-birthday ang mother mo. Nung niligtas mo ako nung tumawid tayo, nung nahimatay ako sa gym at nung nasa mall. And that time when you danced me. Sobrang saya ko noon kasi akala ko seryoso ka sa ginagawa mo noong gabing yun. Kinuha mo yung first dance ko at ako naman 'tong si tanga na pumayag kasi akala ko seryoso at totoo. Kahit na nangako ako sa sarili ko na ibibigay ko yung first dance ko sa taong mamahalin ako. Sige, pagtawanan mo ako, hindi mo kasi pinapahalagahan ang mga maliliit na bagay kahit na sayaw lang yun." hinto ko saglit dahil hindi na kinayang tumaas pa ang luha ko. Haharap na sana sya kaso pinigilan ko ulit. "Hindi pa ako nagsi-signal na humarap ka kaya tumalikod ka pa din." utos kong muli. "Matagal ko ng alam at napatunayan sa sarili ko na kakayanin ko lahat. Tapos mapapatunayan ko lang ngayon na hindi pala. Kasi naging tanga ako. Tanga sa'yo. Naniniwala sa lahat ng ginagawa mo yun pala hindi totoo at puro pagpapanggap lang. Masakit. Kasi nararamdaman kong nagugustuhan na kita sa mga ipinapakita mo sa akin pero wala. Constant ka nga 'diba? Para ding bato. Kasing manhid mo. Nagugustuhan ko yung mga ginagawa mong mabuti sa akin at doon ko sinimulang magustuhan ka pa lalo. Kahit na hindi mo napapansin ang nararamdaman ko sa'yo, kahit balewala lang. Napagawa mo kasi sa akin yung mga bagay na ayaw ko. Tangina mahal na kita e! Kahit ilang beses kong binura sa isip ko yung salitanh mahal, ayaw maalis. Pinapahalagahan na pala kita ng hindi ko alam. Nalulungkot ako kapag sasabihin mong panggap lang yung nangyari. Kung iniisp mo pa din si Cindy, 'wag na 'wag mo na akong gagamitin muli. Tandaan mo yan. Kung mahal mo pa sya, ikaw mismo sa sarili mo ang gamitin mo o bakit hindi mo na lang tanungin sya? Hindi kita pinapapili sa amin dahil alam kong sya naman ang mahal mo. Wala akong karapatan sa'yo. Tangina ngayon na nga lang ako nagmahal tapos ganito pa. Kaya tama na Denver. Tapusin na natin 'to. Ayoko ng magpanggap. Ayoko ng masaktan. At please, 'wag ka munang magpapakita sa akin. Please. Hayaan mo muna ako." sabi ko at umalis na akong tuluyan sa rooftop. Hindi ko na sya nagawang paharapin pa dahil mas masakit. Dali-dali akong bumaba sa hagdan at tumakbo palabas ng campus.


Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko nararamdaman ang pagod. Nararamdaman ko yung sakit. Kasi masakit naman talaga. Wala akong pakielam sa itsura ko, sa ayos ko ngayon.


Hanggang sa makita ko ang bahay namin. Tuloy-tuloy ako sa kwarto namin at nag-lock ng pinto. Dito ko ibinuhos ang sama ng loob ko kaya iniyak ko na lahat ngayon kahit na hindi matapos ang pagtulo ng luha ko sa mga mata ko. Bigla kong naalala yung binili nyang cellphone sa akin. Kinuha ko 'to at tinanggal ang battery pati na ang simcard nito. Nagtaklob na lang ako ng unan sa lungkot. Ngayong lang mangyayari sa akin 'to. Hindi na mauulit kailanman.


Pangako.



Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon