Sean Denver Concepcion's Point Of View
Una sa lahat, hindi ko hilig ang mang-bully. Sa aming apat kasi ako palagi ang nasusunod. And they think I'm bossy so they chose me to lead our group. Pangalawa, ako din ang presidente ng Student's Council namin. Kaya ganito ang nangyayari ngayon. Ang hindi dapat makilala, nakilala ko. Ang hindi dapat mangyayari, nangyari. Ang hindi dapat gagawin, ginagawa. At ang hindi dapat iiwan, naiwan. How rude.
Ito yung time na nakita kami ni Cindy sa harap ng Student's Council na board. Bigla na lang may nagtext sa akin at sya na nga ito. Magkita daw kami sa rooftop. Agad naman akong nagpunta dahil baka may kung anong pakulo na naman sya. I feel so excited that day.
Nang naka-akyat na ako, napansin kong nakatikod sya at hindi nya man lang nakuhang humarap sa akin. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago sya magsalita. Hindi ko din sya makuhang lapitan. Hindi ko alam kung bakit.
Huminga muna akong malalim bago umusap. "Babe, may problema ba tayo? Bakit tayo nandito? Sana pumasok ka na lang sa Student's Council Room ako lang naman ang nandoon." sabi ko sa kanya pero nanatili pa rin syang nakatalikod.
"I love you. I love you. I love you. I..." pinutol nya ang sinabi ko nung bigla nya akong sinigawan.
Humarap sya sa akin at napansin kong umiiyak sya. "Anong I love you? Talaga? Mahal mo ko? Tangina Sean. Pangatlo na 'to. Pangatlong beses mo na akong niloloko. Sawang-sawa na ako. Sawa na ako magmahal sa'yo! Itigil na natin 'to. Ayoko na. Let's break our relationship now. Tapos na ako sa'yo." sabi nya sa akin at bigla syang umalis. Iniwan nya ako mag-isa dito sa rooftop.
Hindi ko na nakuhang tawagin pang muli ang pangalan nya dahil hindi na naman din nya ako haharapin. I feel like I'm dying that moment. Noon lang ako napaluha dahil sa lungkot at sakit. Napasuntok na lang ako sa pader at kasabay noon ang pagdudugo ng kamao ko. Hindi ko kinaya e.
Hindi ko kayang mawala si Cindy.
Cindy was my first girl. Kahit kailan, hindi kami nag-away kaya mahal na mahal ko ang taong 'to. Then someone ruined our relationship. Si Kiersten Celestine Alvarez. Not literally, pero isa sya sa mga dahilan kung bakit naghiwalay kami.
Kahit na kami noon pa, alam kong nagkakasama sila nung Andrei. At dahil mahal ko nga sya, wala akong sinabi na kahit ano. Umiiral ang pagkatanga ko dahil nga sa sobrang pagmamahal ko. Until now, he's with Andrei pa din at palagi na.
Kaya umisip ako ng paraan. Paraan kung paano kami magkakabalikan ng girlfriend ko. At ito ang naisip ko. Ang magpanggap sa harap ni Cindy. Magpanggap na nakahanap na ako ng iba. Kaya ginamit ko si Kiersten. Dito nagsimula ang lahat.
Sa ayaw at sa gusto ni Kiersten gagawin nya ang plano ko. I thought hindi sya papayag. And besides, our group is really popular in the campus. Sino ba namang hindi matatakot sa amin 'diba? Alam nyang may kapalit ang hindi nya pagpayag sa amin kaya ginawa nya ang gusto ko.
In the first day, medyo nahihirapan pa kaming dalawa.
But the next day and the other, I thought hindi ako masasabayan ni Kiersten. Pero I'm really surprised that time kasi umarte sya na para bang tunay kaming mag-grilfriend at boyfriend. I know that Cindy kinda got jealous at me. Dahil pinagmamasdan ko sya ng hindi nya namamalayan habang kayakap ko si Kiersten.
Then, boom! Sanay na si Kiersten. Sanay na sya sa ginagawa namin tuwing darating si Cindy.
But this past days, parang iba si Kiersten. Siguro tinotopak o nababaliw lang yung babaeng yun. Napakahilig kasi magtanong.
Pero kahapon, she didn't answer my following call. Kasi nawala yung phone nya nung nasa event. So, I decided to buy her a new one. Pinadala ko sa kanila at tinawagan ko naman kaagad nung nabuksan na nya iyon.
She said hello to me. Ibang number ang ginamit ko kasi alam kong hindi nya sasagutin kapag yung number ko na alam nya ang ipinangtawag ko. Ibinaba naman nya kaagad pagkatapos kong magsalita. Tumawag pa ako ng tumawag pero hindi nya sinasagot.
Noong una naisip ko baka tinotopak lang. Pero parang...nag-aalala ako na hindi ko maintindhan. Bumaba ako at pumunta sa pool side pero ganun pa din ang pakiramdam ko. Nag-aalala. I called her phone again pero hindi nya ako sinasagot. Kinuha ko ang kotse ko at pumunta kaagad ako sa bahay nila. Nasa labas lang ako ng bahay nila at inaabangan ko syang lumabas. Hindi nya naman mapapansin na nandito ako dahil sa malayo ako naka-park. Siguro mga ilang minutes din ang lumipas bago sya lumabas. Baka kasi kung ano na ang nangyari. At noong makita ko na sya...
I feel thankful. And......smiled.
And today, nalaman kong pupunta sila sa tamabayan nilang tatlo. Sinabi kasi sa akin ni Calvin.
Pumunta ako at nakita kong naglalaro silang tatlo. And when the time that Kiersten go up to the tree, I feel so nervous. Kinakabahan ako na baka mahulog sya, or baka masaktan sya. Pasalamat na lang sya at ligtas syang nakababa ng puno. Pinagmamasdan ko lang silang tatlo hanggang sa tumigil sila sa laro nila.
And then someone went to them. A guy. Kaya kumulot kaagad ang kilay ko noong makita ko iyon. Hindi ko na muna nilapitan. Pinakinggan ko muna silang apat kung anong pinag-uusapan nila.
He's a soccer player here. I think he's the captain. Na-meet ko na ata yan last time sa botohan noong Student's Council.
"Nice meeting you Kiersten. Can I have a coffee with you later?" narinig kong tanong nung kumag na lalaki kay Kiersten.
Nag-iba yung paningin ko. Bigla-bigla akong lumapit sa kanila ng hindi namamalayan ni Kiersten dahil nasa likuran nya ako. At ako ang sumagot sa tanong nya kay Kiersten.
"No. Hindi sya sasama sa'yo." sagot ko dun sa lalaki.
Nagulat din ako sa sarili ko kung bakit ko ginawa 'yun. Kiersten and I were fake. Napaisip ako bigla sa ginawa ko. Hindi kaya...no. Hindi pwede. Planado ko 'to kaya hindi pwede. Pero bakit ganun?
BINABASA MO ANG
Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]
RomanceThis was very unexpected. Nakakagulat.