"No. We have 'to go." sabi ni Denver.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. "Si Gia ang kasama ko. Kung ayaw mo, mauna ka na." sabi ko sa kanya.
"No. It's already late. May ipapagawa pa ako sa'yo. Gia and Calvin, we gotta go now." pagpapaalam nya doon sa dalawa. Aba't wala man lang pagpigil na nagawa si Gia. Ano na namang ipapagawa nito? Nasayang yung movie na pinapanuod ko. Nakakainis. Ito naman kasi si pamabasag-trip.
Ano pa nga ba ang bago, hinatak na naman nya ako sa braso papalabas ng sinehan. Sya yung tipo na palaging nagmamadali at seryoso. Hindi ko maintindihan ang mood nito, kahit na sanay na ako nakakapagtaka pa din. Minsan lang sya mang-asar mas madalas yung ganitong seryoso at parang laging may pinagdadaanan.
Hindi sya nagsasalita. Niluwagan nya ang pagkaka-kapit nya sa braso ko, kaya tahimik pa din ako hanggang ngayon. Dire-diretso kami sa kung saan. Baka sa parking na naman. Wala talaga akong alam, hindi sya yung tipo ng tao na madali basahin ang isip.
Tumigil kami bigla sa isang salon. Magpapagupit siguro sya? Nagpasama pa sa akin ka-lalaking tao.
Inalis ko bigla yung kapit nya sa braso ko. "Magpapagupit ka ba? Bakit kailangan kasama pa ako?" tanong ko sa kanya. Nakakaiba tuloy ng mood. Hindi kasi linawin kung ano at saan man lang nya ako dadalhin ng malaman ko naman at makapaghanda ako.
"Hindi. Can't you see it? Girl's salon 'to." sagot nya.
Pagkatalikod nya, dinilaan ko sya na parang bata at sumagot ng pabulong. "Parang tanga kasi, hindi linawin. Baka mamaya ipapasagasa na pala nya ako hindi ko alam." bulong ko. Sana naman hindi nya narinig.
Pucha! Humarap sya. "Tanga ka ba? Bakit naman kita ipapasagasa? Hindi ko kayang gawin yun, lalo na sa'yo." sabi nya sa akin. Pa-da-moves 'tong si Denver akala mo naman nasa harapan namin si Cindy. Tanga nya talaga.
Binalewala ko na lang ang sinabi nya at pumasok na kaming dalawa sa loob. Nagsilapitan naman kaagad ang mga parlorista dito at nagbungad kaagad ng tanong kung anong gagawin sa kasama kong moody.
"Transform her. Make sure to make-over her. I'll be back in an hour." utos nya dun sa isang bakla.
Iniwanan naman nya ako ngayon. Parang super-hero ah. Magta-transform. Iba ka Mr. Denver Concepcion.
Niyaya na kaagad ako nung isang parlorista at sinimulan ng paliguan ang buhok ko. Nai-shampoo muna ito at tsaka pinatuyo. Hindi ko na alam ang susunod na gagawin nila. Halos sabay-sabay kasi. Meron sa buhok, meron sa mukha, meron sa kuko. Para naman akong magbe-beautyqueen nito sa ginagawa nila.
"Miss, boyfriend mo si Sir Sean?" tanong nung gumagawa sa buhok ko. Oo boyfriend na peke. "Ah...hindi, ano...mag-kaibigan lang kami." sabi ko.
Napatango naman sya sa sinabi ko na para bang hindi pa kuntento sa itsura nya.
"Anong meron miss? Transform ang word ni Sir e. Siguro may date kayo no?" tanong naman nung gumagawa sa kuko ko. Bakit ba ang chismosa nila? "Date? Hindi. Actually, hindi ko din po alam kasi nabigla din ako nung dinala ako dito. Hehe." sabi ko sa kanya. Isa pa 'to na hindi rin kuntento sa sagot ko. Parang ako pa yung sinungaling sa lagay ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]
RomansaThis was very unexpected. Nakakagulat.